Gulong-gulo pa rin ako sa nangyari at sa kan'yang sinabi. Masakit man isipin, ngunit kailangan tanggapin. Maliwanag na rin sa akin ang lahat tungkol sa kanila ni Darlyne.

Walang namamagitan sa kanila. Mabuti na rin na wala na ang babaeng 'yun dito sa University, ngunit mas malaki naman ang gawad na sakit ang napunta sa akin 'di ba?

Kung pwede lang humiling ng maraming beses dahil ang unang hihilingin ko ay ibalik ang mahal ko sa akin kahit hindi naman naging kami sa totoong mundo.

"Hoy, Samantha! Lagpas ka na!" Nawala ako sa pag-iisip nang marinig kong sinigawan ako ni Savi sa likod ko.

Napansin ko na ang nasa harapan ko na room ay hindi pala ang room para sa una naming subject. Shunga!

"Ayan, lutang! Kaka Irene mo 'yan beh!" Francine whispered sternly and I just glarred at her. Palamon ko sa kan'ya si Kiefer.

"Narinig ko 'yun, pero truenavility ka jan, beks!" Savi added teasingly. Ano bang kaibigan meron ako?

"Ewan ko sa inyo! Halina nga kayo, ang dami niyong dada!" I irritatedly uttered as I entered the room.

"Beach na fake, ang dami niyong say! I slapped ko kaya sainyo 'tong boobs ko!" Biro ni Savi at tumawa naman si Francine na maliban sa akin. Kaunti na lang ay napupuno na ako sa dalawang 'to. Umagang-umaga nakuha pa akong inisin.

"Classmate pahingi ng ingay! Classmate pahingi ng ingay! Meron akong ibibigay! Pag sinabi ko Samantha, sabihin niyo marupok!" Birong kanta ni Savi at ang mga kaklase naman namin ay sumasabay sa kanya.

Putangina.

"Samantha!" Panimula ni Savi.

"Marupok!" Sigaw ng mga kaklase namin.

"Samantha!"

"Marupok!"

"Ey! Ano, babe ganda ng kanta namin 'no?"

"Tumigil kana, Saviel." Pagpigil ko ng aking inis habang hinihilot ang aking sentido.

"Alam mo kaunti na lang itatali na kita sa puno para malamang kung sino ang mas marupok sainyo."

"Syempre, sino pa ba? Eh 'di si Samantha." Dagdag na biro ni Francine at tumawa naman ang dalawang gaga.

"TUMIGIL NA NGA KAYO!" Sigaw ko nang maubos na ang aking pasensya. Ito ang ayaw ko sa lahat, hindi ko nakokontrol ang aking sarili kapag napupuno dahil sa galit.

My friends crouched down silently making me feel guilty. "I'm s-sorry, i d-didn't mean to.."

"Nasa labas pa lang ako ng classroom at rinig na rinig ko na ang mga ingay niyo! Hindi ba kayo nahiya? Mga 3rd year college na kayo, pero mga isip bata pa rin, ha? Ikaw ms. Mendoza, bakit ka sumisigaw!?" Umagang-umaga ay ito kaagad ang salubong niya sa amin nang makarating siya. Sino pa ba, eh 'di si Irene.

"I-i'm sorry po, ms. Irene. Hindi na po mauulit,"

"Dapat lang! Dahil nakakahiya 'yang behavior na ipinapakita mo!" Ito na naman ba tayo? Nananakit na naman ba siya?

Nakinig na lamang ako nang mataimtim sa kan'yang itinuro nang magsimula na siya, sila Savi at Francine naman ay hindi pa rin ako kinakausap.

Aminado naman akong kasalanan ko, kung hindi ko sila sinigawan ay hindi kami magkakaganito. Napaka walang kwenta kong nilalang.

Miss VictoriaWhere stories live. Discover now