CHAPTER 10

33 4 0
                                    

 ASTRA

   

     BACK to busy days na naman kaya minsan lang kaming magkasama ni Kyn dahil busy din siya sa pagsasubmit ng mga kailangan sa Architectural niya.
Lunch at Dinner lang kami nagkakasama dahil gusto niya talaga na magkasama kaming kakain dahil yan lang daw ang free time niya,kahit ako din sobrang busy na sa buhay,.

Lunch time namin ngayon at nagpagdesisyunan naming dalawa ni Kyn na sa Starlit Bistro nalang kakain,,At yung isa ay nagtext na andoon na daw siya..
Malapit lang naman sa University yung Cafeteria kaya di yun maiinip si Kyn doon kakahintay sakin..

"Kyn"
Tawag ko sa kanya,napalingon naman siya sakin at ngumiti..
"Kamusta? Okey lang ba lahat."
Tumango naman ito,at bago ako umupo ay hinalikan muna niya ako sa noo..

"Yes baby,okey lang naman lahat,nakaya naman haha,
Ikaw kamusta?"

"Mabuti naman,ilang weeks nalang graduate na tayo Love."
Masayang wika ko,

"Oo nga Baby ,tapos magkakapagtravel na tayo,Una sa Amsterdam as you wish baby pupuntahan natin yun tapos sa Paris ,"
Napangiti naman ako,di talaga niya nakalimutan yung wish ko..
"Mamaya palang dinner baby ay di ako free ,bukas na lang ha I love you."

Tumango naman ako,
"Naiintindihan ko naman Kyn,Basta ba at kumain ka sa insaktong oras ha."

"Yes baby ,Your wish is my Command."

"Wait may ibibigay ako sayo,wag kang mag expect ah,di naman kasi ito mahal haha,"
sabay bigay nong Guitar pick na kulay black na may nakalagay na name niya.
Nagpahid naman ito ng luha niya ,parang abno!

"Wahh thanks baby,by the way birthday ko ba?? Bakit ka nagbigay ng gift."
sinamaan ko naman ito ng tingin,
"Ay sorry di na magtatanong."



-----

      KINABUKASAN ay maaga akong nagising upang gumawa na naman ng mga test report,Di ko na din na text si Kyn dahil nagmamadali na talaga akong pumunta sa University..

Nakaupo lang ako ngayon sa bench sa labas ng Cafeteria dito sa University habang kumakain ng sandwich,Marami nading dumadaan dahil breaktime na..
Wala naman din akong ka close friend talaga ,Nasa kabilang building naman si Zue at bihira lang kaming magkatagpo dahil busy din yun.Busy akong nagbabasa ng libro , at nagsusulat ng important details.

"Astra."
Napalingon ako doon sa tumawag,

"Zue" 
Bigla naman niya akong pinuntahan at niyakap..
"May ipapakita ako ,basta sumunod ka lang ah."

Nagtataka namang akong sumunod sa kanya,Hanggang sa napunta kami sa Fine Arts Building.

"Shh Astra di kita pinapunta dito para siraan kayo ni Kyn,Curious lang kasi ako kung bakit andito yang boyfriend mo at may kasama pang babae,sorry Astra baka isipin mo naggagawa ako ng kwento upang maghiwalay kayo.Mahal kita kaya ayaw kitang makitang nagpapakabulag sa katotohanan."

Nilingon ko naman yung babae at lalaki na masayang naguusap sa bench ,
Bumalik na pala siya?
Ewan ko ba kung ano ang mararamdaman ko sa ganitong sitwasyon,,
"It's okey Zue,buti at sinabi mo sakin at malaman ko din."
Nagmamasid lang ako sa dalawa,
"Talo na ako Zue,Mukhang Mabait at sexy pa,"

"Don't say that okey,You are precious like a Star ano ka ba."


"Zue alis na tayo,"
mahinang sambit ko ,kasabay non ay ang paghalik ni Kyn sa babae,kumurap naman ako ng maraming beses pilit pinapakalma ang damdamin,Kahit balik tarin  ko pa ang mundo kitang kita ko talagang si Kyn ang humalik sa babae.
Di ko na kinaya kaya tumakbo na ako at di ko namalayang napunta na pala ako sa likod ng auditorium.
Iyak lang ako ng Iyak,pilit tinatanong ang sarili kung may mali ba akong nagawa kong may kulang pa ba sakin.
Tatayo na sana ako ng biglang nandilim yung paningin ko,God!
napahawak naman ako sa pader at pilit nilalabanan ang pagkahilo.
Bago ko naibagsak ang sarili ay may sumalo sakin.
Kahit papaano ay nakita ko ang bulto nito,

"Trey ,"
mahinang sambit ko.


MARSHMALLOWBERRIES

Mr.Guitarist || Shatterproof Series 1  [ Completed ]Where stories live. Discover now