"Yes they were, baby. That's why I tried to touch and look at it because of what you said." Kung pwede ko lang sanang batuhin ng kung anong maliit na bagay si Sac ay ginawa ko na. At talagang inamin pa niya sa bata. Nag-iinit na ang mukha ko sa hiya.



"But you said Daddy that Nanay is a girl and you are a boy and you also said that a boy cannot touch a girl then why did you that?" Natakpan ko na lang ang mukha ko sa sobrang pag-iinit nito. Umayos ka Sac sa sagot mo kung hindi talaga kakalbuhin kita mamaya.




"Yes I said that, baby and that is right. A boy shouldn't touch a girl and a girl shouldn't touch a boy. But in Daddy and Nanay's case it's different." Ngumuso na si Gracie. Mukhang naguguluhan na ito.



"Why different?" Nakangusong tanong nito. Hinanda ko na rin ang sarili ko sa maaring sabihin ni Sac na kalokohan. Mukhang kailangan ko ng manghimasok para sa damage control sa isip ng bata.




"Because, Daddy and Nanay are married and if you are married to a person you are given with a lot of privileges. Like touching ang kissing Nanay."



"Why?" Tanong ulit nito. Malabong maintindihan iyon ng isang five year old na bata.



"Because Daddy love Nanay and Nanay..." Tumingin naman sa akin si Sac at ngumiti ako. "And Nanay love Daddy too."



"Ah! It is because you love each other!" Exclaimed pa ni Gracie. Ngumiti ako. I felt that soft, warm tug in my heart. Napaluha ako habang nakatingin kay Sac at kay Gracie pero kaagad ko rin iyon pinunasan. I have a family of my own now. My own.



...

"Bye." I mouthed to Sac. Sumama si Sac kina Zeke at ang kanyang tatlong big boys at magpi-fishing sila. Naiwan naman kami nila Niel at ang two girls kasama si Josiah ang baby boy ng mga Wilson's. Nasa bahay kami sa Tagaytay nila Niel at ang laki pero napakachild friendly ng lugar nila. Sabi ni Niel ay bahay ito ni Zeke noon binata pa lang siya at napakaraming memories daw ng bahay nito sa kanila. Napapaisip naman ako sa mga memories na sinasabi ni Niel. Palagay ko ay puro magagandang memorya iyon. They are so perfect for each other sa palagay ko. Lalo na kapag tinitingnan ni Zeke si Niel. Para bang ito na ang pinakamagandang babae sa mundo kung tingnan niya at ganoon rin naman si Niel. I really want to find out their love story pero bukod doon mas may isa pa akong gustong malaman.



"Now some peace and quiet." Ngumiti ako kay Niel. Sa dami kasi ng anak nila ay palagay ko ay napakagulo at ingay ng bahay nila. Nasa veranda kami sa second floor kasama namin sa crib niya ang natutulog na si Josiah. Si Gracie at Jireh naman ay naglalaro sa kwarto ni Jireh kasama si Lana.



"Hanga na talaga ako kung paano mo namamanage ang mga bata at ang household niyo." Ngumiti ito sa akin.

Impression on the HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon