02 - Stars Grant Wishes

Start from the beginning
                                    

"H-huh?" I asked back at saka nilibot ulit ang paningin, mukang mamahalin ang restaurant at punong puno ng krema at ginto ang kulay ng interior. It's spacious that a hundred of people is fitting in! The ceiling is one of a kind with its imprinted fine arts paired with a chandelier in candles. Everyone is in a sophisticated dresses, and suits. Ano to? Where the hell am I?

"Hija?"

Nahigit ko ang hininga ko at napatingin sa magulang ko- wait, they're my parents?? How in the earth did my instinct just told me that they're my parents?? Okay okay. Kalma. I'm Olivia Sandoval. A daughter of a doctor and a businessman in the franchise area. I'm currently in a debut party...

Sino ako kanina? I'm also Olivia Sandoval! Pero hindi kami mayaman... Matalino lang ako kaya marunong mag english pero hindi nga namin ma afford minsan ang isang kilong bigas para saaming lahat ito pa kaya??

Wait. This all happened right after tumama ang bulalakaw saakin. Am I dreaming? Right now? Did the stars fulfilled my wish??

I cleared my throat. Let's test this dream, how far can this go?

"Yes po?" I asked right after she called me.

"Nagustuhan mo ba?"

Tumingin ako sa table na nasa harap ko at may isang nakabukas na kahon na may lamang isang dyamanteng kwintas na kumutitap pa sa mismong mga mata ko! Ang laki ng diamond! Mayro'n pang nakapalibot dito na tatlong maliliit na dyamante na pinag dikit gamit ang silver lining. Walang dudang mamahalin!

"Ang ganda po..."

"That's specially for you. Wait, let me."

Tumayo mula sa pagkakaupo ang nag sisilbing Dad ko sa panaginip na ito at kinuha ang kwintas saka sinuot saakin. Naramdaman ko ang paghalik nito sa bumbunan ko...

"Happy birthday my lovely daughter..."

I can't help but to blink... My Father would never tell me this... Nag init ang sulok ng mata ko at napasinghap ako.

"Anak, aww. Don't be so dramatic over this." Natatawang sabi ni Mom kaya napatawa nalang rin ako...

This dream isn't so bad right? Can I call this my reality instead? God? Can I keep this?

"Ate! Ate!"

"Ate! Choco brownies!!"

"Ateee pi burdey!"

Ang tatlo kong kapatid! Thia and Theo, kapatid kong magkakambal at ang pangalawa saaking si Echo. I have seven siblings, and I'm the oldest. Maraming kailangang gawin kapag ate ka. Minsan ay nakakalimutan ng mga magulang na anak parin ang mga panganay... Kailangan ng pag aaruga, hindi yung sila ang laging mag aaruga. Kailangan rin maturuan, hindi yung sila lang lagi ang nagtuturo. Kailangan rin hainan ng pagkain, kailangan rin ma-appreciate... Hindi yung laging ikaw ang naka sangga para sa mga kapatid mo...

Just earlier... My hands trembled because of unknown reasons and broke the glass... Nasugatan si Echo, binulyawan ako kaya napalo ko sa inis. Hindi ko pa nalilinis ang mga bubog dahil sa pag aaway namin ni Echo kaya naman ay may naapakan si Thia, umiyak, nainis si Theo kaya hinagisan ito ng laruan. Nag away ang dalawa at nag iyakan. I was so frustrated. I have homeworks to do, hindi pa ko nakakapag saing at luto, nasugatan rin ang paa ko at naririndi ang tenga ko sa mga sigaw ni Echo at palahaw na iyak ng dalawa... Kaya umalis ako sandali para makapag palamig. Pero pagbalik ko ay isang sampal ang bumalot sa pisngi ko.

One Hundred FiftyWhere stories live. Discover now