01 - Paulo's Penitence

Start from the beginning
                                    

Rosaryo lang naman ito, bakit kailangan n'ya pa iyong iyakan?

Napabuntong hininga ako matapos kumain at uminom ng tubig saka inilagay ang plato at baso sa tabla na nag sisilbing lababo. Kinapkap ko sa bulsa ng uniform ko na hindi ko parin napapalitan ang kaninang one hundred na pera ko dapat para sa buong linggo. Walang pagaatubili na kinuha ko ang sinkwenta saka iniabot sakan'ya.

"Pambili mo ng gamot sa sugat mo."

"Wag na ate, pangkain mo yan. Wala kang makakain sa tanghalian mo. Saka, may ipon naman ako!"

"Huwag mo 'kong isipin, kaya ko ang sarili ko."

"Same, Ate."

"Aba't!" Iniangat ko ang kamay ko na nakaipit parin ang sinkwenta pero napatigil ng agad na sinangga ni Paulo ang ulohan... Hindi ko naman talaga s'ya sasaktan... Pero masyado na s'yang nasanay na sinasaktan s'ya kaya pati ang mga tao na pinakatitiwalaan n'ya ay iniisip n'yang kaya rin s'yang saktan...

Nangilid ang mga luha sa mata ko at nilagay nalang ang singkwenta sa kamay ni Paulo na kasalukuyang nakatakip sa ulo n'ya.

"Mag babanyo lang ako."

Tahimik akong umiyak nanaman sa banyo at pumikit. Humihiling na sa pag mulat ng mata ko ay nasa ibang lugar na ako. Sana ay nasa mas maganda akong kalagayan, sana nasa mas maganda akong bahay. Sana ay mas maganda ang naging karanasan ni Paulo... Sana ay may iba kaming magulang...

Pero kahit anong ginawa mong daanan na pasikot sikot gamit ang hiling mo, pangarap at panaginip mo habang gising ay makakahanap at makakahanap ang reyalidad ng daan para sapakin ka sa katotohanan.

"Hubarin mo yang damit mo at libutin mo ang buong baryo ng nakaluhod! Gusto mong mag pinitensya ha! Sige at pag katapos nitong pag libot mo lagpas na ang kaluluwa mo sa kalangitan!"

Napabalikwas ako ng bangon at sumilip sa bintana. Namumugto pa ang mata ko sa away ni Mama at Papa kaninang umaga dahil sa pera pero 'eto nanaman at may panibago. Tirik na tirik ang araw, mag a-alas dos na at dala dala ni Papa ang latigo na kadalasang dala lang n'ya para sa kabayo na pinapa alaga sakan'ya. Nakaluhod si Paulo, naka angat ang mga kamay na sinukbitan ng bigas sa isang maliit na sako.

"P-pa..."

"Ano? Hindi mo kaya?? Hindi mo kaya?! Pero ang sumuway sa'kin ay kaya mo?! Punyeta kang bata ka! Hindi ba sinabi ko na sa'yo na wag na wag kitang makikitang papasok sa chapel na yun?! O kaya ay makipag usap sa Pari na yun na binibilog lang naman ang utak mo! Paulo! Gising sa katotohanan! Hindi totoo ang Diyos! Tanginamo suwail ka!"

"Walang Diyos! Kung may Diyos, bakit ganito ang buhay natin, huh?! Bakit tayo naghihirap? Bakit ako naghihirap! Anong kasalanan ko?!"

Nahigit ko ang hininga ko ng mag simulang hampasin ni Papa ang likod ni Paulo ng latigo! Makailang beses! Malakas! Dumagundong sa apat na sulok ng kabahayan, at hindi ko kayang iproseso kung gaano ito kasakit lalo na at napa sigaw si Paulo ng malakas...

Napasigaw s'ya na bihira lang n'yang gawin... Nanikip ang dibdib ko at hindi ako makahinga ng maayos sa nakikita ko.

"Ang pride mo Papa! Paano mo makikita ang grasya kung palagi kang nakatutok sa mga masamang nangyari sa buhay mo at wala ka namang pakialam sa Diyos? Bakit hindi mo nakikita na mahal ka N'ya at sadyang puno ka lang ng galit? Bakit hindi mo ipagpasalamat ang pagkain na nasa hapag natin? Bakit hindi mo ipagpasalamat na may anak kang katulad ni Ate na nag pupursigi sa pag-aaral at walang binabanggit na masama tungkol sa'yo?"

"Anong ipagpapasalamat ko na bihira nga natin makumpleto ang tatlong beses sa isang araw na pagkain? Sige nga Paulo? Dahil pa d'yan sa pag sisimba mo at napapabayaan mo ang pinagkukuhanan natin ng pangkabuhayan! Aanuhin ko ang mga dasal mo kung kumukulo naman ang tyan namin ng ate mo?! Suwail ka! Suwail! Hindi mo kami iniisip! Puro ka sarili mo lang!" Muli ay tinaas ni Papa ang latigo kaya agad akong tumalon sa bintana namin at parang namali pa ng bagsak ang mga tuhod ko pero wala na akong pakialam.

One Hundred FiftyWhere stories live. Discover now