✟ CHAPTER 8 ✟

Start from the beginning
                                    

"I-ikaw b-ba ang p-pumatay sa kapatid ko?" garalgal kong tanong sa kaniya.

Nakita kong nakangisi siya. Biglang nagtaasan ang mga balahibo ko nang makita ko ang mga ngiti niya. Baka totoo talaga ang sinabi ni Mang Ricardo na siya ang huling kasama ni Moch ng mawala ang kapatid ko. Nawala ang mga ngiti niya at nakatitig na nanlilisik ang mga mata niya. Hindi ako makagalaw, papatayin kaya ako ng aking asawa dahil nalaman kong kakambal ko si Mochel?

Mamatay tao ang asawa ko!?

"Xander, maghulos dili ka," gatol kong sambit habang para akong nakapako sa aking kinatatayuan.

Tumingin ulit siya sa baril niya na nakababa at isinuksok sa may garter ng shorts niya. Medyo nakahinga ako nang maluwag. Dahan-dahan siyang lumapit at ngumiti sa akin.

Alam kong bipolar siya pero —iba itong ngayon. Paano na lang kung siya nga talaga ang pumatay sa kapatid. Sigurado na kaya niya rin ako patayin.

Niyakap niya ako bago nagsalita ulit. "Kumain ka na, Jessica maawa ka sa batang nasa sinapupunan mo."

O my God! I did marry a psycho!

Naitulak ko siya.

Nakita ko pa na ang mukha niya na nababalot nang pagtataka. Wala na akong inaksaya ng oras at patakbong lumabas ng aming kuwarto.

Narinig ko pa na sinisigaw niya ang pangalan ko pero hindi na ako lumingon pa. Kailangan kong makaalis sa bahay na ito.

Nang makalabas na ako ay kaagad akong sumakay nang kotse ko at pinaandar ito.

Ang daming nangyari sa araw na ito. Naalala ko ang sinabi ni Mang Ricardo sa akin sa kotse. Baka totoo siguro talagang si Alexander ang pumatay kay Mochel.

Flashback. . .

"Si Sir Alexander ang totoong pumatay kay Ma'am Mochel," iyan ang unang bungad niya nang nakaupo na kami sa kotse.

Isang minuto ang katahimikan ang namuo sa amin habang gumagana na ang makina ng kotse pero hindi pa rin kami lumalarga. Hindi pa rin ako makapaniwala sa aking narinig at nakatuon lang ang aking tingin sa madilim na daan na ang ilaw lang ng sasakyan ang nagpapailaw nito.

"Nang makita kita sa resthouse sa Baguio ay bigla akong kinabahan, at baka paslangin ka ng iyong asawa gaya ng ginawa niya sa kapatid mo," dagdag niya.

Hindi pa rin ako umiimik habang tanaw pa rin sa ilaw ng kotse na dinudumog na ng mga maliliit na insekto.

"Akala ko no'ng una ay ikaw si Ma'am Mochel ngunit imposible dahil alam ko kung saan nakalibing si Ma'am Mochel."

Dahil sa kaniyang sinabi ay nilingon ko siya. Hindi ko makita masyado ang mukha niya dahil nakasubrero siya, at halatang ayaw niyang may makakita sa kaniya ng ibang tao maliban sa akin."Nasaan, ho ang bangkay ng kapatid ko?" tanong ko sa kaniya.

"Kung may pagkakataon ka ay puntahan mo ako sa Baguio ng hindi alam ni Sir Alexander."

NATAUHAN ako bigla nang may malakas na busina akong narinig, marami na pa lang nakasunod sa sasakyan ko at napahinto ako sa gitna ng daan. May narinig akong mga sigawan na, "Bilisan, mo! Parang sa iyo ang kalsada ah!" sabay ang malakas na busina na sunod-sunod kong naririnig.

𝕮𝖔𝖚𝖍 𝕸𝖔𝖈𝖍 (Self-Publish) Where stories live. Discover now