Pagkalabas nito, pinagpatuloy ko na ang pagliligpit ng aking gamit. Ayoko rin naman lumabas muna kaya naisipan ko na lang dito sa kwarto magstay.

"Well, I love you most!" Nagulat naman ako nang may biglang nagsalita at yumakap sa akin mula sa likuran ko.

"Ay anak ka ng palaka!" Gulat na sabi ko at sabay hawak sa aking dibdib.

"Love naman! Hindi nga ako palaka at hindi ako anak ng palaka, ano ba! I hate you talaga!" Conyo conyo na nga ang arte pa!

Puwes siya lang ang maarte at conyo na tinatanggap ko, charot!

Nagsimulang bumilis ang pagtibok ng aking puso pagkatapos ko marinig ang mga katagang lumabas sa kan'yang bibig. Kinukumpirma ko pa sa sarili ko na hindi ako nananaginip.

Caused of death: pinakilig ng isang propesor.

Nakalimutan ko na hindi pa pala ako nag-iisa sa room na ito. Akala ko kasi lumabas din ito at sumunod kay ms. Dawn.

"Eh, ikaw kasi. Ang hilig mo mang gulat!" Kunwaring naiinis na sambit ko. Tinawanan niya naman ako.

No, don't, hindi ako kikiligin sa tawa niya. Itigil mo 'yang kabaklaan mo, Samantha.

"Hindi ka pa magbibihis, love?" Naramdaman kong isinandal niya ang ulo sa aking balikat, pinipisil ang aking tagiliran.

"Patapos na ako dito, maghahanap lang ako ng susuotin ko,"

"You're so fluffy, love. Tabi kaya tayo mamaya, hmm?"

"Sira! Edi makikita nila tayo. 'Wag na, pahamak ka pa naman." Hindi ako sumang-ayon sa sinabi niya. Gaya nga ng sabi ko, mahirap na. Baka mahuli kami ni Savi at ms. Dawn dahil sa gulo niya kapag matutulog.

"What, but why?"

"Paano, 'pag katabi mo ako parang ayaw mo na ako pakawalan. Kung makayakap ka, akala mo unan 'yung kayakap sa sobrang higpit."

"Kung puwede lang, love. Kung puwede lang hindi ka pakawalan at dito ka lang sa tabi ko." Naramdaman kong napabuntong-hininga siya sa balikat ko.
"Alam mo bang gustong-gusto kitang itali kanina."

"Huh, at bakit naman?"

"Para hindi kana dumikit kay, Dawn. Sa susunod itatali na talaga kita," Pigil-tawa naman akong nakatingin sa kan'ya. Nandidilim ang mata niya sa akin dahil sa inis magmula kanina.

Grabe ang pagkapossesive, jusko po!

"Cute cute naman magselos ng baby na 'yan." I teased, pinching her chubby cheeks. Hindi naman mataba, pero hindi mapayat, okay? Sakto lang.

"Stop it, hindi ako natutuwa. Pinagtatawanan niyo pa nga ako kanina eh, akala mo hindi ko nakikita at naririnig 'yon." Drama nito. Pwede na 'to mag artista.

"Hmm, selos ka lang eh. Kasi si ms. Dawn 'yung kasama ko at hindi 'yung baby na ito." I continued teasing her while pinching her cheeks, samantalang siya naman ay nakasimangot lang sa akin.

"Sorry na, okay? 'Wag ka mag alala at saiyong-sa'yo ako ngayon," Niyakap ko siya nang hindi pa rin nagbabago ang ekspresyon ng mukha niya. Baka humupa ang kan'yang selos sa ganitong paraan.

"Gusto ko sa akin ka lang at ayoko ng may kahati," Pagmamaktol niya na parang bata. She kissed my forehead before my lips. The butterflies in stomach is dancing right now.

Humiwalay na ako sa pagkayakap  habang siya naman ay parang walang balak ako pakawalan.

"Kiss me, love." She said with paawa effect and even pouted. Asus! Akala niya madadaan niya ako sa paawa effect niya.

Miss VictoriaWhere stories live. Discover now