Hide and Seek

3 0 0
                                        

✞︎

                         𝕳𝖎𝖉𝖊 𝖆𝖓𝖉 𝕾𝖊𝖊𝖐
                        :𝔄𝔦𝔯𝔢𝔱𝔶𝔩𝔦𝔞𝔫 𝔏𝔲𝔵𝔲𝔢𝔵

“Tara laro tayo ng tagu-taguan.” aya ng isa kong kaibigan. Si Annie.

“Kayo na lang” wika ko at humarap sa aking mesa at muling nag basa ng libro.

“Tsk nerd” wika niya at umalis sa likod ko.

Marami pa akong narinig sa kaniya bago ito tuluyang nawala. Narinig ko ang tawanan ng iba ko pang kaklase. Nakaramdam naman ako ng inip habang nag babasa kaya nagdesisyon akong sumali sa kanila.

“Sali ako” wika ko na May ngiti sa labi.

“Sige” Wika ni Annie na May nakakalokang ngiti. “Ikaw ang taya” dagdag pa nito, tango lamang ang aking naisagot sa kaniya.

Humarap ako sa puno at tinakpan ang aking mga mata. Hindi ko na maitago ang aking ngiti dahil ngayun ko lang naramdaman ang ganitong saya.

“Tagu-taguan maliwanag ang buwan wala sa likod, wala sa harap. Pag kabilang kong tatlo nakatago na kayo." Narinig ko ang patakbong yapak nila papalayo sa aking kinaroroonan.

Hindi ko mapigilang hindi mapangiti dahil sa larong 'to. Alam kong sa huli ako ang panalo. At lahat sila... Nilalamig na bangkay.

Agad akong kumuha ng aking tinatagong kutsilyo. At nag-umpisa ko na nga silang hanapin.

Maya-maya ay narinig ko ang pagbukas at sara ng isang pinto. Kaya agad akong pumunta r'on at akmang bubuksan ngunit naka-lock ito.

“Ding Dong, I know you can hear me. Open up the door. I only wanna play and have fun” kanta ko at pinagsisipa ito.

Ng mabuksan ko ito ay agad akong pumasok at tinignan ang paligid.

'Mukhang hindi ka lang nag-iisa sa bahay na  'to.'

Naglakad-lakad pa ako at itinago ang hawak kong kutsilyo sa'king likuran.

“Ding Dong why can’t keep me waiting” kanta ko

At sa wakas ay nahuli ko na ang isang batang kinamumuhian ko. ang batang sumira sa’kin sa buong eskwelahan. Si Annie.

“It’s already to late for you to try and run away” Kanta ko

Bakas sa mukha nito ang takot ngunit hindi ko lamang ito pinagtuonan ng pansin at inilabas aang kutsilyo mula sa’king likuran. Mas lalo pa siyang natakot ng makita ito.

“H’wag.. H’wag mo akong patayin” pagmamaka-awa niya dahilan para mapangiti ako.

“Hindi ba’t iyan din ang sinabi ko nong araw na pinagkakaisahan niyo ako. Ako laban ang buong eskwelahan?” Tanong ko na may ngiti sa’king labi.

Hindi ko na hinintay pa ang kaniyang sasabihin ng agad kong isinaksak sa kaniyang mata ang hawak kong kutsilyo.

“AHH!” Daing nito imbis na maawa ako ay mas lalo akong natuwa. Parang musika sa’king tenga ang kaniyang mga daing.
Inulit ng inulit ko ang aking ginagawa sa kaniyang buong katawan hanggang sa mawalan ito ng buhay.

“Isa” bilang ko

Maya-maya ay naramdaman kong may nakatingin sa’kin. Tumingin ako sa puwestong iyon, sa likod ng bintana. Naaninag ko r’on ang isa kong kaklase na ihinulog ako sa hagdan dati.  Si Jigs.

“I see you through the window” Kanta ko nakita kong natakot ito ng makita niya akong nakatingin sa kaniya. “Our eye are locked together.” Dagdag ko pa. Akmang lalapit ako sa kaniya ng bigla itong tumakbo na siyang kinangiti ko.

“I can sense your horror, though I like to see it closer” wika ko at nag-umpisa ng maglakd.

“Dingdong, Here I come to find you, hurry up and run. Lets pley a little game and have fun.” Kanta ko

Bawat sulok ng bahay na ‘to ay pinuntahan ko na ngunit wala akong makita.

“Dingdon. Where is it you’ve gone to? Do you think you’ve won? Our game of hide and seek has just begun” kanta ko

‘Wala siya sa loob ng bahay, sigurado akong nasa labas siya.’

Paglabas ko ay agad kong narinig ang mabilis niyang mga yapag dahil sa mga patay na dahon na kaniyang nadadaraanan. Kaya sinundan ko ito.

“I hear you’re your footsteps.” Kanta ko

Maya-maya pa ay nawala ito ngunit napalitan ito ng yapak niya sa hallway. Dahilan para mas lalong lumapad ang aking ngiti.

“Thumping loudly through the hallways. I can hear your sharp breath.” Kanta ko at sa wakas ay nakita ko na siya.

Agad kong binato ang kutsilyo at tumama ito sa kaniyang likod. Bumagsak ito sa sahig ngunit nagawa pa nitong gumapang ngunit huli na siya dahil nakalapit na ako.

“You’re not very good at hiding” kanta ko sa huling pyesa.

At walang ano-anong isinaksak ang hawak kong kutsilyo sa kaniyang ulo. Na agad siyang binawian ng buhay.

Isang pagkakamli ang ibully ang isang katulad ko. isang katulad ko na mamatay tao.

May dugong tumilapon sa’king kamay, agad kong nilisin iyon gamit ang dila ko.

“Masarap ang dugo mo. Ngunit mas masarap kang patayin.” Wika ko at nilisan ang lugar na ‘yon.

𝕰𝖓𝖉


   

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 04, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Hide and seek Where stories live. Discover now