Panghuling Yugto: Together With You.

59 3 1
                                    

YUNISE

Tama nga ang hinala ko na sobrang aga ako gigisingin ni Kuya dahil 6am palang ay pinabangon na niya 'ko para makapag-almusal kaming dalawa at makapaghanda para sa opening. Akala ko saglit lang ako doon para tumulong sa rush hour pero sa kasamaang palad ay short staffed sila at kailangan nila ng extra hand dahil sobrang daming customers na dumating hanggang sa nagsara na kami. Kaya pagkauwi namin ay para kaming magkapatid na lantang gulay sa pagod. "Bunso salamat sa tulong mo today ha, hindi ko inaasahang dagsa ang magiging customers today." Nagsusumamong tugon ni Kuya habang inaabot sa'kin ang hiningi kong iced coffee kanina. "Ano ka ba Kuya, wala lang 'yon. Nag-enjoy naman ako kanina." Nakangisi kong tinanggap ang kape at nilapag muna 'yon sa mesa para mailigpit ko ang mga gamit ko. "Kailangan mo pa ba ako sumama bukas?" Tanong ko sa Kuya kong abala maghanap sa ref ng makakain, kumuha s'ya ng dalawang tupperware ng mango float at binigay ang isa sa'kin bago ako sinagot. "Hindi na muna, babalik naman na ang iba kong staff bukas." Tumango nalang ako habang pinapasok ang tupperware sa bag ko kasama na ng ibibigay kong pagkain kay Winter. Saktong feeding time kasi niya nang makauwi na kami ni Kuya galing sa trabaho niya. Napansin naman ni Kuya na hindi pa 'ko nagpapalit ng pang-bahay at nakagayak pa din ako hanggang ngayon.

"Nini sa'n ka pupunta? Hindi ka pa magpapahinga?" I wordlessly nodded and proceeded on wearing my shoes, I could feel Kuya's eyes boring into my back as I do my thing. Kaya after I fixed myself I turned to him with a judging expression. "Anong problema Kuya?" Parang hindi maipinta ang mukha ni Kuya nang itinuro niya ang leeg ko. "Nini, where's your necklace?" Necklace ko? Nagtaka ako sa tanong ni Kuya kaya kinapa ko ang leeg at bandang dibdib ko. At ganong kaba nalang ang naramdaman ko nang ma-realize kong wala ngang naka-sukbit sa leeg ko. "Shit 'yung necklace na binigay ni Papa!" I yelled and slung my bag over my shoulder, hindi na 'ko nagpaalam kay Kuya at agad na dumiretso sa park dahil naalala ko na suot-suot ko pa ang kwintas ko nung ako'y dumayo doon. Sa sobrang occupied ko sa mga bagay-bagay ay hindi ko napansin na nawawala na ang pinaka-huling regalo na iniwan saamin ni Papa. Si Kuya ang laging nagpapaalala sa'kin pag hindi niya nakikitang suot ko 'yon. Pero dahil naging busy ang araw namin ay wala man lang nakapansin.

Nang makarating ako sa park ay hinalughog ko agad ang bawat sulok ng lugar. Halos maluha na 'ko dahil hindi ko ito mahanap kahit saan man ako tumingin at sumiksik. Naikot ko na ang buong park pero bigo akong makita 'yung kwintas. "Patay ako kay Kuya neto... Ba't ba kasi ang burara mo Yunise!" Wala na 'kong ibang magawa kung hindi sisihin ang sarili ko, palagi ako napapagalitan nila Mama dahil nga daw napakaburara ko pagdating sa aking mga gamit. Kapag lagi ako may nawawalang gamit, to the rescue agad si Mama with her magic words na "gamitin mo mata mo at hindi ang bunganga!" Somehow, it always appears with one turo of her nguso, pero wala dito ngayon si Mama dahil nandoon siya sa province namin naka-reside. At bilang wala ang superhero ko ay lugmok akong naupo sa may slide. May narinig akong kahol ng isang tuta at nang iangat ko ang tingin ko ay nasa harapan ko na ang makulit na little doggo namin. "Hi Wintot, are you hungry na?" Malumanay kong bati sakaniya, she barked in response and pushed her food bowl towards me. Kinuha ko 'yung pagkain niya sa bag ko at isinalin 'yun sa bowl niya. Agad namang nilafang ni Wintot ang food niya, grabe naman 'tong arf arf na 'to akala mo 'di pinapakain! Natawa ako as I watched Wintot devour her food, buti nalang talaga nandito s'ya. At least I feel a bit better about my missing necklace, "hays dapat pag-isipan ko na ano sasabihin ko kay Kuya later." I said to no one in particular, mamaya na nga lang ako magmumukmok sabayan ko nalang muna si Wintot kumain. Inilabas ko sa bag yung binigay na dessert sa'kin ni Kuya at sinimulan na ding kainin.

JILLIAN

"Jill napakain ba natin si Winter kaninang tanghali?" Tanong sa'kin ni Ate Tricia nang pumasok siya sa kwarto. Napa-tigil ako sa susulat at nakipagtitigan sa kapatid kong nalilito lang din katulad ko. "Did we?" Tanong ko pabalik sakan'ya, then I remembered na after kumain ni Winter ay umalis na din kami agad ni Ate dahil pinasunod kami nila Mama sa mall. "Hala ate hindi pa nga." Nagaalala kong sagot sa sarili kong tanong, umalis na 'ko sa study table ko at kinuha lahat ng necessities before I hurriedly go out of the unit. It didn't take me long to get there dahil ilang hakbang lang naman ang layo ng park from the condo. Nang makarating ako don ay may nakita akong naka-tambay sa may slides, and upon closer look katabi niya si Winter na abala sa pagkain niya. I felt relief dahil hindi lang pala ako ang nag-iisang nagpapakain kay Winter but at the same time ay naalarma ako dahil ngayon ko lang nakita 'tong mysterious person na 'to. What if nanghahablot ng aso 'to at balak n'yang kunin ang baby Winter ko? Hindi pwede, not on my watch! Binilisan ko ang paglalakad at nang makalapit na 'ko sa mysterious person ay tinawag ko ang pansin niya na may konting nginig sa tono ko, "E-excuse me!" Shuta napiyok pa 'ko sa part na 'yon nakakahiyaaaa! Pero dedma dahil mukhang nakuha ko na ang pansin n'ya dahil napahinto s'ya sa pag-kain at iniangat ang tingin niya sa'kin.

Arf love you! (JILLIAN ROBREDO) Where stories live. Discover now