Unang Yugto: Evenings With You.

139 3 0
                                    

YUNISE[READER]

"Yunise Aragon, where do you think you're going?" Napahinto ako sa pagsusuot ng sapatos nang marinig ko ang nagbabantang tinig ni Kuya Javi. Dahan-dahan ko siyang hinarap at bumungad sakin ang nakapamewang kong kapatid. "You're back from work na pala Kuya, did you eat na?" Hindi pinansin ni Kuya ang tanong ko at nanatiling masama ang tingin sa'kin. Gosh, kung makatingin naman 'to sa'kin parang may kasalanan ako! Nagiging kamukha niya tuloy si Mama pag nakasimangot siya. "Don't change the topic, Yunise. Sagutin mo muna ang tanong ko." Kuya said in a much firmer tone. Napa-buntong hininga nalang ako dahil we've had this conversation one too many times. Nakakapagod nang ulit-ulitin legit HD 22o.

"Kuya Javi, ilang beses mo na tinatanong 'yan. Can you just drop the act?" Natatawa kong sita sa kapatid kong nagiinarte, napa-ngiti naman na din si Kuya at tinigil na nga ang kahibangan niya. "Alright fine naglalambing lang naman eh," Kuya cheekily answered and patted my head, tuluyan na din akong natawa sa pagdadahilan niya. "Ang panget mo mag-lambing, Javier. Wag mo na ulitin please." I rolled my eyes and continued tying my shoelaces, Kuya Javi sat beside me and just watched me do my business. "Ang harsh mo talaga Nini kaya walang nanliligaw sayo eh. And to answer your question earlier, yes I ate na." Punyemas! Kahit nakakatanda kong kapatid 'to malapit ko na 'tong gripuhin. Pineperwisyo love life ko porket may laloves na s'ya?! Bastos ka talaga Javier Aragon!

I rolled my eyes in response dahil ayoko nang mag-sayang ng laway sakanya. After double checking my things para masiguradong wala ako naiwan, tumayo na 'ko at tumungo sa pinto. Sumunod lang din naman sa'kin si Kuya at inabutan ako ng jacket dahil malamig sa labas ngayon. "Nini, why don't you just bring her here sa condo para 'di ka na palabas-labas tuwing gabi?" Kinuha ko ang jacket sa kamay ni Kuya at sinuot ito bago siya hinarap ulit. "Kahit gustuhin ko man eh 'di talaga pwede, nasabi ko naman na sa'yo kung bakit." Napabuntong hininga nalang si Kuya at tumango. "Oo na basta mag-ingat ka sa labas ha? Bumalik ka agad dahil need ko help mo sa café bukas ng maaga." Nagpaalam na 'ko kay Kuya Javi at lumabas na ng unit namin. Tinignan ko ang oras sa cellphone ko at nagmadali na 'kong mag-lakad dahil halos malapit na din pala mag 10pm. May nag-aantay pa sa'kin kaya I need to hurry up!

Nang makarating na ako sa park, agad kong sinipat ang lugar, hoping na makita ko agad ang sinadya ko dito. Kahit anong lingon ko dito ay hindi ko talaga siya mahagilap kaya nagpasiya nalang akong tawagin siya para malaman niyang nandito na 'ko. "Winter? Winter!" Sinuyod ko ang lugar but there's still no sign of 'Winter' anywhere, napakamot ako sa ulo nang wala man lang sumagot. Imposible namang wala siya dito kaya nag-decide akong tawagin siya ulit. "Winter? Baby Wintot asaan ka na?" Nang binigkas ko ang nickname na paborito kong itawag sakanya ay nakarinig ako ng kalansing ng bakal mula sa ilalim ng slide. Napangiti ako at excited na lumapit doon para silipin kung andoon nga ba siya. Isang maliit na puting Maltese ang tumambad sa'kin, katabi niya ang nakataob niyang feeding bowl dahil sa sobrang pagkaligalig. "Pasaway kang aso ka tinataguan mo pa 'ko ha." Binuhat ko siya at inilapit sa'kin, sabik niyang dinilaan ang mukha ko kaya inilayo ko siya dahil naglalagkit ang pretty face ko huhu. "Teka naman bebs, hinay hinay lang alam kong na-miss mo 'ko." Natatawa kong saway sa aso as if naman ay maiintindihan niya 'ko. After ko siyang lambingin ay binaba ko muna siya para makakain siya ng maayos. Binuksan ko ang bag ko at inilabas ang dog food na halatang ikinatuwa ni Wintot. Dahan-dahan ko iyong isinalin sa kainan n'ya at agad naman niyang kinain ang binigay ko, naglagay na din ako ng tubig sa isa pang metal bowl at inilapit 'yon sakan'ya para 'di siya mauhaw pag iniwanan ko na siya mamaya.

Eto ang tinutukoy kanina ni Kuya na bakit hindi ko pa daw i-uwi sa bahay namin. Pinaka-obvious na reason naman kasi ay bawal ang mga pets sa loob ng condo at pwede kami mamultahan if nahuli kaming pinuslit si Winter sa loob. At ang pangalawang reason ay meron nang owner si Winter. Nakalagay ang contact details ng owner sa collar niya, kaya I tried contacting them nung nakita kong mag-isa lang si Winter dito sa park. Hindi sila sumasagot sa tawag kaya I left a few text messages na hanggang ngayon ay hindi pa din nila sinasagot. I sent a picture of Winter na din para hindi nila ako paghinalaang scammer. Inaantay lang namin ni Kuya lumipas ang two weeks dahil baka balikan dito ang aso, pero pag lumagpas na ang dalawang linggo ay wala akong choice kundi sundin ang suggestion ni Kuya Javi na saamin nalang ang aso. I got too immersed in my thoughts na hindi ko napansing tapos na pala kumain si Winter, napansin ko lang ito nang bigla siyang umakyat sa lap ko at nagpapalambing ulit. Ang cute cute niya talaga! I didn't hesitate to give her the affection she wanted. I couldn't help but laugh kasi when I was scratching her belly napapapikit na din siya, she was obviously enjoying it.

Kampante naman na din ako na walang kukuha na kung sino man dito kay Winter. Sobrang secluded nitong lugar at ang usual na nakikita ko lang dito ay ang mga taga-condo lang na trip mag-pahangin sa labas. At kung may mag-tangka mang kumuha sa baby namin ay hindi mag dadalawang isip si Kuya na halughugin yung buong siyudad para mahanap ang salarin. "Alas-dose na pala, need ko na umuwi Wintot." Binaba ko na ulit yung aso at binigyan ulit siya ng tubig bago ako tumayo at magpagpag ng damit ko. "Balik ulit ako ha? Behave ka d'yan." Tumahol naman siya na parang naiintindihan niya 'yung pinagsasabi ko sakan'ya. After checking if may naiwan pa 'ko, I hurried back home para makapagpahinga dahil paniguradong maaga ako gigisingin ni Kuya para maisama n'ya 'ko sa opening.

Arf love you! (JILLIAN ROBREDO) Where stories live. Discover now