" sakuragi?" Saad nito na pabulong. Bakas man sa mukha nito ang walang kaemosyong expression ay nakikita ko rin ang pagdaan ng kirot sa mga mata nito.


" ako nga?" Sagot ko. Mukhang natauhan ito kaya sinimangutan ako sabay iwas nang tingin sakin.


"Sorry sa ginawa kong pag palo sa kamay mo. Akala ko kasi kung ano ang gagawin mo sakin e." gaya nga nang inaasahan ko mula sa mga nakakasalubong ko, ganon na ganon din sinasabi ng iba. Akala nila sasaktan ko sila.

mapait akong napangiti bago ngumisi sakanya.


"eh anong magagawa ko, iyon iyong pinapaniwalaan niyo e. Para namang mababago ko isip niyo dahil lang sa konting pag tulong ko." Saad ko. Nag simula na akong naglakad palagpas sa kanya kaya ang ilang mga nakikichismis ay napapaiwas sakin habang masamang nakatingin.



wala na akong pakialam pa sainyo, ang gusto ko mag laro at wala kayong magagawa doon.


pagkapasok ko sa loob ng gym, ang maingay na paligid ay unti unting natahimik ng makita ako. Bakas sa mukha nila ang saya kanina, pero nang makita nila ako ay tila nawalan sila ng gana.


Ano ba talaga ang nangyayari? Bakit ba lahat sila ibang iba na ang trato sakin? May nagawa ba akong mali? O dahil ba sa pag lalaro ko na hindi nakakatulong sa team.


"Kamusta kayo?" Bati ko. Nagkatinginan silang lahat bago ako muling tinignan pabalik.



" nakabalik ka na pala." Saad ni ayako na pilit na nakangiti sakin.


" ayos na ba ang pakiramdam mo sakuragi?" Tanong ni miyagi sakin


"Oo, maayos na. Nandito ako para sana makasama kayo sa pag practice, isang buwan din akong nawala kaya sana payagan niyo ako sa paglalaro." Natahimik sila at ilang saglit lang ay tumango sila mitsui bilang sagot.


napatingin ako kay rukawa na nakatingin din pala sakin, nag tataka ako kung bakit pero iniiwas ko nalang ang aking tingin.

pansin ko na marami rin palang mga tao sa paligid, ibang mga school level ang nanunuod.


"Maghanda kana sakuragi, mag sisimula na tayo sa limang minuto. Mag warm up kana." Saad ni miyagi

tumango ako at agad na tumakbo patungo sa bench, nandoon sila mito na nakatingin sakin.


"Kamusta mga tol?" Bati ko

"Laki ng pinagbago mo ah? Kamusta na likod mo sakuragi? Masakit parin ba?" Tanong ni mito sakin



" hindi na. Okay naman ako, umiinom naman ako ng gamot." Sagot ko. Tumango ito sakin



Hanggang sa...


"andyan na naman iyang may pulang buhok, baka gulo na naman idulot niyan."



"bakit kasi hinayaan nila akagi na maipasok yan, pabigat lang naman yan sa team."


napatiim bagang ako sa narinig, mag hunos dili ka hanamichi sakuragi, wag mong hayaan ang sarili mo na lamunin ng galit, wag mo sakanila ipakita na tama sila.


Muli akong napabuntong hininga kasabay ng pangingirot ng puso ko. Nasasaktan ako.


*Prrrrt*


Pumito na si yasuda kong saan ito ang referee at ang scorer, nag tungo na ako sa gitna kung saan nandoon na rin ang mga kakampi ko.


Kakampi ko si miyagi, kawaki, shuzaki, shin at rukawa

sa kabila naman ay si mitsui, akagi, kogure, ryu at hayato


ako ang mag jajump ball at si gore, nakatingin siya sakin ng deretso kaya tinignan ko rin siya pabalik.



nang ihagis na pataas ang bola ay sabay kaming tumalon ni akagi para igaya ang bola sa kakampi ngunit naunahan ako ni akagi kaya hawak na ito ni mitsui na agad itinataas ang bola mula sa kanilang basket.

agad akong tumango kay kogure para bantayan ito. Kada mag aattempt si mitsui sa pag atake ay nasusundan iyon rukawa kaya wala itong nagawa kundi ang ipasa kay kogure. Pansin ko ang pagngisi ni mitsui ng makahulugan ng bigla nalang nawala sa harapan ko si kogure.


"Umayos ka naman sa pag babantay sakuragi, mag pokus ka." Sita ni miyagi na kinagulat ko. Teka bakit galit kaagad siya e nag sisimula pa lang naman ang laro ah?

Isinawalang bahala ko nalang ang napansin ko at agad na hinabol si kogure, agad na sana nitong ititira ang bola ng maabutan ko ito ngunit nadanggil ko rin ang kamay nito kaya na foul ako.


"Gunggong talaga.. halata namang pinakita lang ni kogure na titira siya pero sinunggaban parin. Tss, nag uumpisa lang pabigat ka agad sakuragi." Sigaw ng kung sino mula sa manunuod. Nag sitawanan ang mga nakarinig dahilan para mamula ang buong mukha ko, kasabay ng paninikip ng aking dibdib.



hanggang sa dumaan si rukawa sa gilid ko.


"Mag relax ka gunggong, wag kang masyadong tensyunado." Saad nito bago ako iniwan na nakatayo..


muling ipinasok ang bola, hawak na ito ni mitsui na binabantayan naman ni miyagi. Sa pangalawang pagkakataon ay muling pinasa ni mitsui kay kogure ang bola at nag tawanan na naman ang ilan sa nakakita.



Mukhang plano niya talagang gawin iyon, bakit ba ganito sila sakin ngayon? Bakit galit sila sakin? Ano bang nagawa ko?


Muling nakalusot si kogure sakin dahilan para inis na bungguin ako ni miyagi sa braso..


"wala ka talagang kwenta, gunggong ka." Saad ni miyagi


tila umeecho sa aking pandinig ang mga tawanan at panlalait na ibinabato nila sakin.


Hanggang sa matapos ang laro ay puros kamalian lang nila ang napapansin sakin. Napayuko ako at aalis na sana ng tawagin ako ni miyagi



"Hindi ka na talaga magbabago sakuragi, kahit ano sigurong gawin naming insayo sayo ay hindi ka parin gagaling. Mas mabuting umalis ka nalang o kaya naman mag quit ka nalang sa pag lalaro." Napatigil ako sa narinig, ganon din si rukawa na hindi man nagpakita ng emosyon ay halata namang nabigla rin ito sa sinabi ni miyagi.



"Ayoko. Myembro ako ng team na ito hindi kayo dapat basta basta nagtatanggal o nag sasabi ng ganyan sakin." Pag dedepensa kong saad sakanila.



" pwes, napag desisyunan na naming paalisin ka. Wag kanang maglaro dahil pabigat ka lang sa team."





[𝚊𝚞𝚝𝚑𝚘𝚛 𝚗𝚘𝚝𝚎: 𝐢𝐭𝐨𝐧𝐠 𝐤𝐰𝐞𝐧𝐭𝐨𝐧𝐠 𝐢𝐭𝐨 𝐚𝐲 𝐇𝐀𝐍𝐆𝐎 𝐥𝐚𝐦𝐚𝐧𝐠 𝐬𝐚 𝐚𝐤𝐢𝐧𝐠 𝐢𝐦𝐚𝐡𝐢𝐧𝐚𝐬𝐲𝐨𝐧, 𝐢𝐧 𝐬𝐡𝐨𝐫𝐭 𝐚𝐲 𝐡𝐢𝐧𝐝𝐢 𝐩𝐨 𝐢𝐭𝐨 𝐭𝐨𝐭𝐨𝐨 𝐚𝐭 𝐠𝐚𝐠𝐚𝐰𝐚 𝐠𝐚𝐰𝐚 𝐤𝐨 𝐥𝐚𝐦𝐚𝐧𝐠 𝐩𝐨. 𝐀𝐧𝐠 𝐦𝐠𝐚 𝐧𝐚𝐛𝐚𝐬𝐚 𝐧𝐢𝐲𝐨 𝐧𝐠𝐚𝐲𝐨𝐧 𝐧𝐚 𝐡𝐚𝐫𝐬𝐡 𝐰𝐨𝐫𝐝 𝐩𝐚𝐫𝐚 𝐤𝐚𝐲 𝐬𝐚𝐤𝐮𝐫𝐚𝐠𝐢 𝐚𝐲 𝐢𝐧𝐭𝐞𝐧𝐬𝐲𝐨𝐧 𝐤𝐨 𝐭𝐚𝐥𝐚𝐠𝐚, 𝐝𝐚𝐡𝐢𝐥 𝐠𝐚𝐠𝐚𝐰𝐚 𝐚𝐤𝐨 𝐧𝐠 𝐩𝐚𝐧𝐢𝐛𝐚𝐠𝐨𝐧𝐠 𝐕𝐄𝐑𝐒𝐈𝐎𝐍 𝐧𝐢 𝐬𝐚𝐤𝐮𝐫𝐚𝐠𝐢 𝐧𝐚 𝐡𝐢𝐧𝐝𝐢 𝐩𝐚 𝐧𝐚𝐠𝐚𝐠𝐚𝐰𝐚 𝐧𝐠 𝐢𝐛𝐚𝐧𝐠 𝐰𝐫𝐢𝐭𝐞𝐫 𝐧𝐚 𝐤𝐚𝐭𝐮𝐥𝐚𝐝 𝐤𝐨. 𝐒𝐚𝐧𝐚 𝐦𝐚𝐠𝐮𝐬𝐭𝐮𝐡𝐚𝐧 𝐧𝐢𝐲𝐨 𝐚𝐭 𝐬𝐮𝐩𝐨𝐫𝐭𝐚𝐡𝐚𝐧 𝐧𝐢𝐲𝐨. 𝐔𝐮𝐥𝐢𝐭𝐢𝐧 𝐤𝐨 𝐩𝐨, 𝐅𝐀𝐍𝐅𝐈𝐂𝐓𝐈𝐎𝐍 𝐥𝐚𝐦𝐚𝐧𝐠 𝐢𝐭𝐨 𝐚𝐭 𝐤𝐚𝐭𝐡𝐚𝐧𝐠 𝐢𝐬𝐢𝐩 𝐥𝐚𝐦𝐚𝐧𝐠 𝐡𝐢𝐧𝐝𝐢 𝐢𝐭𝐨 𝐧𝐚𝐤𝐚𝐛𝐚𝐬𝐞 𝐬𝐚 𝐦𝐚𝐧𝐠𝐚 𝐨 𝐚𝐧𝐢𝐦𝐞 𝐧𝐚 𝐩𝐢𝐧𝐚𝐩𝐚𝐧𝐮𝐨𝐝 𝐧𝐢𝐲𝐨. 𝐒𝐚𝐥𝐚𝐦𝐚𝐭.]

The newest hanamichi sakuragi(Cold-hearted)Where stories live. Discover now