Gusto ko matawa sa sinabi ni Savi. Alam kong malabo ang kan'yang sinabi sapagkat professor ko si ms. Dawn at magkaibigan lang kami.

"Ha? Siya? Magseselos? Siraulo ka ba o kulang sa tulog."

"Ayaw mo talaga maniwala, ha?" Umiling ako bilang sagot. "Kanina nga nung nakita niya kayo magkayakap ni ms. Irene habang natutulog. Ay beh! Nagbago ang timpla ng mood, 'tapos nag walk out. Oh pak, sino ka diyan!"

Imbes na makisabay pa ako sa mga walang kwentang sinasabi ni Savi, nilibot ko na lamang ang tingin dito sa labas.

Nandito kami sa tapat ng 'National Museum', inaantay na lang makapasok. Kausap pa ng Headmaster ang guard ng museum na 'to, kaya ito kami tamang hintay lang.

"Ms. Dawn," Pagtawag ko kay miss Dawn nang makita ko itong naglalakad papunta sa gawi namin.

Napansin ko na parang kakagaling niya lang sa iyak ang mga mats niya. Hindi ko naman naiwasang makaramdam nang pag-aalala. May problema ba siya?

"O-oh, hi Samantha," Matamlay na bati nito sa akin.

"Ayos lang po ba kayo, ms. Dawn? Mukhang may problema po kayo, ah."

"No, it's nothing." She chuckled a little bit. Ang tawa niya ay hindi kagaya ng dati, matamlay ito kumpara kanina.

"Ganun po ba? Okay." Patango-tango lamang siya.

Hindi rin nagtagal, nagsimula nang papasukin ang mga estudyante. Naisipan ko naman na yayain si ms. Dawn since nasa tabi ko naman na rin siya at si Savi ay iniwan na ako.

"Tara na po, ms. Dawn. Pasok na po tayo." Hinawakan ang kan'yang kamay. Nakita ko naman na natulala ito nang hawakan ko siya, kaya binitawan ko kaagad 'yon. Nailang yata..

"Oh, bakit ka bumitaw?" Pagtatakang tanong niya. Ang gulo naman nito, eh naiilang nga siya.

"Wala po, tara na po pasok na tayo." Siya na mismo ang humawak sa aking kamay bago kami tuluyang maglakad.

"Ang lamig ng kamay mo, kinakabahan ka ba?" She asked calmly.

"Medyo po, ngayon lang po kasi ako nakapunta sa museum dito sa manila, eh."

"It's okay, nandito lang ako sa tabi mo, okay?" Tumango na lamang ako sa kan'yang sinabi, ngunit nabaling ang atensyon namin nang may marinig kaming pamilyar na boses.

"Hey! Kanina pa kayo hinihintay sa loob, ano maglalandian nalang kayo diyan?!" Nakasimangot na sabi ni ms. Irene.
Kahit kailan talaga 'tong babae na 'to, parang hindi sinisikatan ng araw!

Hindi na lamang namin siya pinansin at basta na lang pumasok. Manghang-mangha ang mga mata ko sa aking nakikita nang makaapak na kami sa loob. Akala ko noong una ay elevator 'yung nasa gitna. Hindi pala shunga!

(Based on my experience lang ito ha? Akala ko talaga elevator 'yon pag pasok at akyat mo)

"Picture tayo, Samantha." Pag-aanyaya sa akin ni ms. Dawn at inilabas ang kan'yang phone.

Iba't ibang pose at angle ang aming pagpicture sa aming sarili. Natawa naman ako dahil for sure puno ang storage niya pagkatapos nito.

Manghang-mangha ako sa ngipin ng megalodon na nakadisplay dito. Kasya buong pagkatao ko dito pag kinain ako. Rawr!

Bumaling ang tingin ko sa lolong na sobrang haba laki. Kayang-kaya bayuhin, ay charot! Alam ko naman na display lang ito, ngunit ko pa rin maiwasang makaramdam ng takot. Malay mo kasi gumalaw.

"Gusto mo picturan kita diyan, Samantha?" Ms. Dawn recommended but I just shooked my head. "Why? Remembrance rin 'yan, pag pinicturan kita. Sayang naman."

Miss VictoriaWhere stories live. Discover now