04. Scoups: Selos

293 10 0
                                    

Si seungcheol yung tipong lalaki na physical touch isn't his love language. it makes him uncomfy daw kaya hinayaan mo na lang kahit medyo masakit.

Isang araw habang inaayos mo yung mga kalat ng pamangkin ni seungcheol sa salas, nagsabi siya sayo na pupunta ang mga barkada niya sa bahay nila kaya agad ka niyang sinabihan na isuot na lang ang damit niya kesa sa isuot mo yung damit mo na sando.

over protective siyang boyfriend, ayaw ka niyang nakikitang nababastos ng iba kaya minsan yung mga sinusuot mong mga damit ay galing sa kaniya.

mabilis din siyang mainis kapag nakikita ka niyang nagsusuot ng mga damit na nakikita ang tiyan mo kapag nasa public na kayo. minsan nagdadala siya ng jacket in case na magsuot ka ng damit na nakikita ang tiyan mo.

lumabas ka ng bahay at hinanap si seungcheol. nakita mo siya sa gate, nakatayo habang may hinihintay.

"love!" sigaw mo mula sa balkonahe nila. tumingin siya sayo

"si shedi, umiiyak na naman. gusto daw sumama sayo" binuhat mo ang pamangkin ni seungcheol na walang tigil ang iyak.

tumakbo siya palapit sa inyo at ibinulsa ang cellphone tsaka kinuha si shedi mula sa kamay mo. "dito lang sa gate si tito, di naman ako aalis e" aniya tumigil sa pag iyak ang bata tsaka pinunasan ang mga luha.

pumasok ka ulit sa loob at umupo sa salas at nanonood na lang muna habang hinihintay ang mga barkada niya na dumating.

di naman inabot ng kinse minuto bago dumating ang mga tropa niya. pumasok sila sa loob ng bahay at ang unang nakakuha ng atensyon mo ay ang ex mo na si hoshi na barkada ng boyfriend mo.

huling pumasok si seungcheol at buhat pa rin si shedi. nakita mo na sumulyap sayo ang ex mo kaya agad mong inilayo ang tingin mo.

ipinunta ni seungcheol ang pamangkin niya sa loob ng kwarto ng kapatid niya at doon nakakuha ng tyempo ang ex mo para tumabi sayo.

nagulat ka ng tumabi siya sayo, tumingin ka sa kaniya. nginitian ka niya "h-hi" bati niya.

tinitigan mo lang siya. "kamusta ka naman?" tanong niya na sabik malaman ang kalagayan mo pagkatapos ka niyang iwan. sasagot ka pa lang sana nang biglang dumating ang boyfriend mo at nagsalita.

"ayos naman siya. na-aalagaan ko naman ng maayos" he said at umupo sa pagitan niyo. dahan dahang tumango si hoshi, giving you a small smile.

nakatingin ka lang sa boyfriend mo. tumayo ang ex mo upang iwan kayong dalawa. lumingon sayo si seungcheol tsaka ka niyakap ng mahigpit at binaon ang mukha sa leeg mo.

"love, nagseselos ako" mahinhin niyang bulong. hinalikan mo siya sa pisngi.

hinalik-halikan niya ang leeg mo tsaka bumulong ulit. "wag kang babalik sa kaniya ha? sakin ka lang" paglilinaw niya at hinawakan ang parehong pisngi mo

"mine" inulit niya kaya ngumiti ka at hinalikan ka sa labi.

Seventeen Taglish ImaginesDonde viven las historias. Descúbrelo ahora