"Yess babeeee! Excited na akooo!"

"Halata nga."

Hindi ko na nabasa ang ibang replies ni Savi nang may biglang kumatok sa pintuan ng condo ko, pinagbuksan ko naman ito at si ms. Irene pala na nakasimangot. Madaling araw pa lang ano na naman ba ginawa ko?

"I-Irene, sana tinext mo nalang ako para sa b-baba ka nalang mag antay." Nauutal kong sabi. Paano ba naman, parang mangangain ito ng buhay.

"I already did, kaso mukhang busy kapa ata. Kaya ako na ang pumunta dito sa kwarto mo." Walang emosyong saad niya.

Hinanda ko na ang aking dadalhin para makalabas na, tinulungan naman ako nito sa maleta ko magbitbit dahil ayaw niya raw na nabibigatan ako. Wow! Apaka gentlewoman naman.

"Are you excited, hmm?" Inakbayan niya ako sa balikat habang naglalakad kami palabas.

Hindi ko alam kung bipolar ba 'to o ewan eh. Ambilis magbago ng mood.

"Not really,"

"But why? I'm sure mage-enjoy ka doon." Nanay ba kita para malaman mo?

"Mag-eenjoy naman ako pagdating doon, pero ang problema hindi ako sanay na bumabyahe ng malayo at 'yung amoy ng bus. Panigurado mabaho 'yon." I explained to her at ito naman si gaga nakuha pang tawanan ako.

Nandito na kami sa kan'yang kotse, tinutulungan akong ipasok ang aking maleta sa loob ng kanyang kotse.

Nakita ko rin na naka maleta ito kaya, kaya wala lang— haha! Hindi na ako mahihiyang masabihan na ang dami kong dala.

"Daan muna tayo sa 7- Eleven, ibibili kita ng candy at katinko para matanggal 'yang hilo mo sa byahe." Sambit nito at hinawakan ang aking kamay. Pinaglalaruan, pinipisil-pisil, hinahalikan at inaamoy niya ang aking kamay habang nagdadrive.

Hinayaan ko na lamang ito kung saan siya masaya, mamaya masabihan pa ako na hinahadalangan ko ang kasiyahan niya eh. Charot!

Nandito na kami sa loob ng 7-Eleven na kaagad naman siyang kumuha ng katinko at menthol na candy para sa akin mamaya sa byahe, samantalang ako naman ay nandito ngayon sa noodles Section.

Akmang kukuha na sana ako ng favorite ko na nissin ramen nang bigla niyang hinawakan ang aking kamay upang pigilan ako.

"Hey no! Stop eating speedy noodles.

'Cause it's really unhealthy. There's a little bit of plastic in that bowl." Pangaral nito sa akin.

I frowned in wonder because of her sermon to me. "Ha? Anong, Speedy noodles ang sinasabi mo diyan?" I questioned in wonder.

"Ayan, oh. 'Yang instant noodles na 'yan. It's really unhealthy for you. So don't dare eat that again."

Ha, ano raw speedy noodles? Teka lang ha, parang sinampal ako ng kahirapan dito.

"Halika na at para mabayaran na natin ito." Pag-aanyaya nito sa akin, while ako naman ay tahimik lang at inaalala ang speedy noodles na 'yun.

"Here, lagay mo 'yan sa bag mo incase na mahihilo ka." Inabot niya sa akin ang katinko at menthol na candy na ibinili niya para sa akin

Miss VictoriaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon