Nagtitingin-tingin lang ako ng magandang local bags and accessories dito. Nagtingin ako ng bag sa bags section, and wow! Those bags are so cute, some of them are made from recycled materials.

Napukaw ng aking mata ang isang bag na nakalagay sa dulo. 'Sling bag made by banig and pear decors'. Kinuha ko ito upang matignan nang maayos. Not bad maganda siya at bagay pang gimik —charot! Bagay pang alis.

"Do you like that? Go ahead and get it," Nagulat naman ako ng may biglang nagsalita sa likod ko. Si ms. Irene lang pala.

"Hindi na, hindi ko naman 'yan magagamit." Binalik ko ang bag matapos ko itong tignan.

"I know you want that, go ahead and ako na ang magbabayad." She said sweetly. Napakurap-kurap naman ako nang ilang beses sa sinabi niya. Sugar mammeh!

Pero gaya ng sabi niya, wala na akong nagawa kung hindi ilagay ito sa cart at nagsimulang maglibot-libot muli para magtingin pa ng ibang bagay na pupukaw muli sa atensyon ko.

"Halika, dito tayo sa local clothes section." She energetically ordered to me like a kid who wants to go at the toys section.

Aaminin ko na magaganda ang designs ng damit dito at halatang matitibay.

"Ito, bagay sa'yo 'yan." She handed me a top and shorts set with embroidered trim.

"Maganda, pwede." I shyly commented.

"Okay, I'll put this on the cart."

Marami siyang binili para sa akin, noong una akala ko ay para sakanya ang mga pinili niya, ngunit para sa akin pala. Hindi na ako tumanggi, dahil sabi niya kapag tumanggi ako hahalikan niya ako. Edi wow!

"Where do you want to eat, love?" She asked, while carrying the paper bags.

Gusto ko sana siya tulungan dahil nakakahiya naman kung siya pa ang nagbitbit ng pinamili niya para sa akin, ngunit nagpumilit ito na kaya niya na raw , kaya hinayaan ko na lamang

"Kahit saan na lang."

"I told you, walang kahit ano na pagkain. Saan nga?" Siguro kung hindi ko 'to binigyan nang malinaw na sagot, uulit-ulitin niya ang kan'yang tanong na parang sirang plaka.

"J-jollibee?" I recommended. Favorite ko kasi ang Jollibee dati pa, kaya kahit matanda na ako ito pa rin ang hinahanap-hanap ko.

"Okay, let's go then." She replied, as we continued to walk inside the jollibee. "Just wait for me here and ako na mago-order for us."

Hindi rin nagtagal ay bumalik na si Irene sa table namin. Nagulat ako sa dami ng kan'yang inorder, halos buong menu yata inorder nitong babaitang ito. May Spaghetti, Palabok, Burger steak, Bucket of chicken, Burger, Fries at drinks.

Magpapafiesta ba 'to? Napakarami, jusko!

"Ms. I-irene, seryoso kaba na mauubos natin 'to?" Hindi makapaniwalang tanong ko. Napatakip ako ng bibig sa sobrang gulat dahil sa mga nakalapag sa mesa.

"Why, you don't like the food? Or dagdagan pa natin?" Nanlaki naman ang mata ko sakanyang sinabi. Isa lang ako oh! Parang 'yung papakainin mo isang baranggay na.

"No, ang ibig kong sabihin mauubos ba natin 'to, eh halos lahat ata ng nasa menu inorder mo." I clarified.

"Actually yes, hindi ko kasi alam kung ano ang gusto mo, kaya inorder ko ang lahat ng nasa menu. Don't hesitate to choose dahil nanjan na lahat sa 'mesa."

"Miss Irene, hindi natin ito mauubos sana man lang nagtanong ka 'di ba?" Kamot-batok kong saad habang nagnghihinayang pa rin sa mga pagkaing nakalatag. Kasi totoo, baka masayang lang.

Miss VictoriaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon