6 years ago
"Dad, wala siyang matutuluyan. She can come with me. Kasama ko naman sila Uncle Jon at Auntie Mae sa bahay eh," Nakatingala lang ako sa dalawang lalaki na nag-uusap sa harapan ko. Seryoso ang usapan nila dahil rinig na narinig ko ang paghukal ng boses ng lalaking kasing edad ko lang.
"We can't do that son. You know our situation right? We can't help her. Halika na," sabi ng matanda.
"But dad, ayoko nga maging business man kagaya mo! Gusto ko maging IT kasi sabi nila madali daw yun. Let me take her home, I promise na aalagaan ko siya. Jeah also moved out from our house kaya wala na akong kasama doon at malungkot mag-isa dad," Sobrang lungkot. Kung alam niya lang kung gaano ka lungkot tumira dito sa gilid ng daan, namumulot ng mga tira-tirang pagkain para mabuhay— sigurado ako hindi nila yun maiinda.
"But..."
"Payagan mo nalang siya hubby. Basta ibilin natin kela Uncle at Auntie na alagaan silang dalawa," wika ng magandang babae na porselana ang balat. Tumingin ito sa gawi ko at ngumiti. May kinuha siya sa bulsa ng jacket niya at saka lumapit sa akin para punasan ang mukha ko.
"Anong pangalan mo ija?" Nakatitig lang ako sa kanya dahil sa angkin niyang ganda. Nakangiti lang siya habang pinupunasan ang mukha ko.
"She don't have a name, mom. Pinupuntahan ko siya dito araw-araw para malaman ang pangalan niya pero hindi siya sumasagot," sabi ng isang babae na nakatayo sa tabi ng lalaki. Mukhang kambal silang dalawa dahil halos magkapareho ang mukha nila. Sa tingin ko ay nasa 20's na sila habang ako... hindi ko alam kung anong edad ko. Ni-hindi ko nga alam kung ano ang pangalan ko...
"Fine fine! Tatawagan ko si Kian to have check on her and works on her papers," ngumiti sila ng malapad. Hinawakan nung babae ang kamay ko at saka ako pinatayo galing sa pagkaka-upo sa sira-sira kong banig.
"Jeo... i'll leave her to you. Take care of her while we're working with her papers and identifications," sabi nung lalaki. Tumingin sa akin yung lalaking nag nga-ngalang Jeo at ngumiti.
"I will, dad!"
