Simple akong napangiti. He remembers all the things I said to him. For the whole week he's been expressing his feelings, I realize that this is real, he is real. He's been doing everything to make sure that I feel him. Sa pagsama sa akin papasok at pagpunta sa mga lugar na kailangan kong puntahan. Kapag minsan kailangan ko ng tulong sa isang subject ay natutulungan niya ako kahit magkaiba naman kami ng kurso.

He also remembers my favorite. And its mystery that he can read my mood, or I'm just easy to read. I never demand or ask but he give.

He's good to be true. He respects my decision that I can't give an answer yet, though he said he's willing to wait.

We started to study quietly since yun naman talaga ang pinunta namin dito. I need to double the time in studying for lessons since mahihirap ang subject every second sem. Next school year ay huli na, makakagraduate na rin ako konting tiyaga na lang. I hope I'll be a good psychologist.

After hours of studying, we decided to order for snacks. Sumasakit na rin ang ulo ko sa kaka-aral. Tapos nakita ko pa ang inaaral ni Jake. Mas sumakit ang ulo ko rito. Maliban sa mga numero, nakakalito rin yung mga drawings.

"Isn't it hard? Ang daming numbers, how do you understand them?" kuryoso kong tanong, nakakunot pa ang noo.

"It is complicated, pero may technique naman para mas maintindihan yung mga lessons. You just need to break down every piece of information little by little to understand it." Paliwanag niya. Sadyang matatalino lang ang makakagawa no'n.

"You must really like that." Pagtukoy ko sa ginagawa niya. I'll never like numbers.

"Mmm, I just really like my course. Nahihirapan din naman ako kasi ang daming terminologies and theories na kailangan alalahanin, lalo na siguro nung first year ako. Magugulat ka na lang kasi ibang iba siya sa mga napag-aaralan sa high school."

Napangiwi ako sa sinabi nito. High school pa lang ay nahihirapan na ako sa mga subject na 'yan tapos mayroon pa palang mas ihihigit pa roon?

"Thank God I never took that. I'm in a right path." Natawa kaming dalawa sa sinabi ko.

Nagpatuloy kami sa pag-aaral pagkatapos ang pahinga. Maya't maya rin ang pag-uusap naming sa mga bagay.

"I think I need to go home," nasabi ko nang makitang papalubog na ang araw. Hahanapin na rin kasi ako sa bahay niyan dahil malapit na ang hapunan.

I am about to text my driver when Jake stops me. Tinignan ko ito, nagtatanong.

"Can I take you home?" paalam nito.

Ngayon lang siya nagvolunteer na ihatid ako. The past few days kasi ay sinasamahan niya lang akong maghintay ng susundo sa akin.

Sa huli ay pumayag na lang din akong magpahatid. Masaya naman niya akong pinag-drive papa-uwi. Pagdating ay agad siyang bumaba para pagbuksan ako.

"Thank you," nasabi ko dito, ngiti lang ang sagot niya.

Nasa harap na ako ng gate ng hinarap ko ito para magpaalam.

"Ian?" napalingon ako nang marinig ko ang boses ng tumawag sa akin.

"Mom!" pagkilala ko dito. Nasa entrada ng bahay si Mommy. Mukhang lumabas siya nung narinig ang pagkatigil ng sasakyan.

"Who's that?" lumapit siya sa amin.

"Mom, this is Jake po. Then Jake, si Mom." pagpapakilala ko sa kanila.

"The guy friend, nice to meet you Mr. Barrientos." Bati ni Mom.

"The pleasure is mine," sabay halik sa kamay na nakalahad.

Sunshine in the RainWhere stories live. Discover now