Chapter 6 - Greg

Magsimula sa umpisa
                                    

I laughed. I couldn't tell my teammates that as the sole provider of my family, I had to work five times as hard. Lalo na ngayon na mag-ko-kolehiyo na 'yung kapatid kong sumunod sa akin, kailangang-kailangan ko talagang mag-ipon.

"Teka nga, ako lang ba ang nakakita ng opportunity rito sa pagiging busy ni Yu?" Henry, our small forward, asked. "Seryoso, ako lang?"

"Anong opportunity na naman 'yan, Mayuga?"

"Ganito 'yun, Yu. Dahil busy ka at alam naman ng magiging girlfriend mo na busy ka ay hindi mo s'ya kailangang paglaanan ng oras. Alam n'yang working student ka, alam n'ya ring may athletic scholarship ka, at higit sa lahat alam n'yang ikaw ang ace ng team, you can easily get away with ignoring her at hindi s'ya iiyak, mag-ta-tantrum, makikipaghiwalay sa landline dahil lang nakalimutan mo 'yung birthday ng aso n'ya."

"Hugot na hugot, ah," I laughing said. "Gan'yan ba nangyari sa inyo n'ung—ano nga bang pangalan n'ung girlfriend mo?"

"Ruth. At oo gan'un ang nangyari sa amin. Ang labo, 'Tol, nag-away kami kasi wala ako sa birthday party ng poodle n'ya at nalaman n'yang nagsinungaling ako dahil wala naman tayong practice n'un, natulog lang ako buong maghapon sa apartment."

We all laughed.

"Kaya ikaw, Yu, una palang sabihin mo nang busy ka para wala nang expectations, 'di ba?"

"Eh, para saan pang nag-girlfriend ka kung hindi mo paglalaanan ng oras? Nanligaw ka pa, sana pinabayaan mo na lang 'yung babae para makahanap ng ibang lalaking magbibigay ng oras sa kanya," I said. "'Tsaka bakit ba atat kayong magkaroon ako ng girlfriend? Hindi n'yo nalang ubusin 'yang energy n'yo sa panliligaw ng babae at tantanan n'yo na ako."

"Inggit kami sa'yo, Yu, eh, buti ka pa hindi mo kailangang manligaw. Hindi ka na gagastos dahil hindi mo na kailangang bumili ng bulaklak, tsokolate, stuffed toy sa Blue Magic, at higit sa lahat hindi mo na kailangang ilibre s'ya pati buong tropa n'ya. Isang ngiti lang galing sa'yo, bibigay na ang mga 'yun."

"Tama si Costales, Yu, kahit magpalit ka ng babae linggo-linggo ay pwede dahil marami namang members 'yung fans club mo," JC, our team's center, said.

"Torreja, mas gugustuhin ko pang makapagtapos na sa kolehiyo kaysa magkaroon ng girlfriend. 'Tsaka na 'yang girlfriend na 'yan kapag may pera na ako. Hindi ko afford 'yung mga binanggit mo kanina, ni hindi ko nga magawang manuod ng sine, eh, manlilibre pa talaga ako?"

"Aba, sinong nagsabing ikaw ang gagastos? Uso na ngayon na babae ang gumagastos. Ayaw mo n'un makakalibre ka na, may syota ka pa?" Allan, our power forward, jovially said. "At kung mayaman pa ang magiging girlfriend mo, aba, sigurado, hindi 'yun mag-aatubiling gumastos para sa'yo."

"Castro, sakit sa ulo lang ang mga babae. Sa mga kapatid ko pa lang quota na ako, dadagdagan ko pa talaga ng babae ang buhay ko by getting a girlfriend—"

"Yu!" a familiar booming voice called out.

I immediately pushed to my feet.

"Patay, si Coach, baka may bagong pakulo na naman fans club mo, Yu, na ikinakainit ng ulo ni Coach..." Simon whispered.

"Coach, bakit po?" I asked.

"Ipinapabigay ng presidente raw ng fans club mo. Carol yata ang pangalan o Coral. Basta isa d'un," our Coach replied handing me a bouquet of flowers.

The locker room filled with my teammates' guffaws.

"Asensado na, may pa-bulaklak na sila para kay Yu!"

"Sana naman sa susunod tsokolate na ang ibigay para naman madamay tayo sa tamis ng paghanga nila."

"Sa susunod nating laro, Yu, baka meron nang mag-propose sa'yo!"

Fools Rush InTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon