Chapter 4 - Isolde

458 39 1
                                    

"Tara bumaba tayo para makapag-pa-picture kay Greg!" Carol excitedly told everyone. "'Yung banner, dalhin din natin sa baba! Mildred, Ivy, kayo na ang magbaba n'yan!"

"Ang baduy talaga ng mga hirit nito ni Carol. May pa-banner pa talaga s'ya, eh, sa liit n'ya baka hindi na s'ya makita sa picture!" Carmela whispered. "Well, come to think of it, ikagaganda ng picture kapag hindi nakita si Carol—o, saan ka pupunta?"

"I need to go to the bathroom—"

"Sama ako. Naiihi na rin ako, eh, kanina pa."

"You can't!" I immediately opposed.

Carmela scowled at me. "Ha? Bawal akong mag-banyo?"

"Pwede naman..." I replied trying to think of a plausible alibi. "But... what I'm...trying...to say is h'wag ka nang sumama sa akin because then you won't have a photo with him. Carol is going to hog him to herself."

"Ay, naku, tama ka. Ang supportive mo talaga sa akin. O, sige sunod na lang ako—teka, paano ka, hindi ka ba mag-pa-pa-picture? Matapos kang magbigay ng inspirasyon sa team nila?" she teased. "Grabe ang pamumula mo, Izzy, pero salamat kasi na-inspire mo rin kaming lahat na i-cheer sila nang todo-todo kaya 'ayan nanalo!"

"It's nothing. Anyway, I have to leave. I can no longer hold it..."

"Sige, bilisan mo, ha. Susubukan kong i-delay para naman makapag-pa-picture ka na kasama si Gregory Babe ko. Girl, kukunin talaga kitang abay kapag ikinasal kami!"

I smiled.

"O, bilis na. Hihintayin ka namin—"

"You don't have to. Nakakahiya naman if we'll let him and the rest of the guys wait."

"Sure ka? Mabait naman 'yan si Greg, eh. I am sure pagbibigyan n'ya tayo kung makikusap tayo sa kanya—"

"Hindi na. Besides, I'm suddenly having stomach cramps...I might take a while..."

Carmela stared at me for a second before her eyes widened. "Aw, natatae ka?"

I felt my face turn redder with mortification.

"Napaka-wrong timing naman n'yang tiyan mo, Izzy. Bakit naman ngayon pa kung kailan naman picture-taking na? Maliban na lang kung kanina ka pa natatae pero pinipigil mo lang? Aw, super fan ka talaga, Girl! Isipin mo 'yung napigilan mo 'yung pagtae mo?"

Oh, God, Girl, please stop saying tae...

"Um...sige...I'll go to the restroom first—"

"Oo, bilisan mo, ang haba panigurado ng pila d'un. Hindi bale, marami pa namang pagkakataon na makakasama natin sa picture si Greg, eh. Sige na, takbo na, jumebs ka na," Carmela tactlessly said.

I impulsively took her hand in mine. "Carmela, thank you, ha. Thank you for being such a great company even when we had just met."

"Ay, ang drama. Para namang hindi na tayo magkikita n'yan. Sa dinami-dami ng activities ng future husband ko ay for sure, magpapang-abot tayo."

"Ahh..."

"My goodness, hindi mo alam 'yung mga activities n'ya, ano?"

I shook my head.

"Naku, ako meron. Binayaran ko kasi 'yung isa sa mga teammates n'ya para bigyan ako ng schedule n'ya. I-share ko sa'yo kasi close na tayo, eh, 'tsaka ang lungkot mag-fangirling mag-isa, ano. Pero, dapat hindi mo ito ibigay sa iba, ha. Wait, may kopya pa ako nito sa bahay kaya sa'yo na lang."

She handed me a folder.

"'Yung dumi sa gilid, peanut butter lang 'yan, ha, hindi 'yan ebak. 'Yung kapatid ko kasi, eh, ang kulit nalagyan tuloy."

Fools Rush InTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon