Hinila ko ang kamay ni Margaux para makuha ang atensyon niya. "Marg, dala mo wallet mo?" Tanong ko noong humarap siya sa akin.

Katulad ni Donna ay nanlaki ang mga mata ni Marg at umiling. Mukhang walang may dala kahit isa sa amin kaya naman kinalabit ko si Roi na nasa driver's seat.

"Bakla, nasa room ang wallet namin, libre mo ha?" I told him, napasimangot ang mukha ni Roi at inirapan ako.

"Ano'ng tingin niyo sa 'kin, sugar beki?" suplado niyang tanong.

"Marami naman guwapo sa frat, ipapakilala ka namin mamaya," singit ni Donna sa usapan.

Parang magic word iyon dahil bigla na lang napangiti si Roi. "Sige na nga! Ang gaganda niyo pero scammer kayo!"

Nag-high five kaming tatlo at napatawa, madalas kasi naming mabudol si Roi kapag lumalabas kami para mag-hang out.

Sa Victoria secret store kami huminto, pinagtitinginan pa ng ibang babae ang tatlong beki naming kasama dahil ang guwapo naman talaga nila. 

"Bakit tayo nandito? H'wag mong sabihin na bibili ka ng bikini mo?" biro ni Margaux kay Roi.

Roi rolled his eyes. "Ang hina niyo kasi, kasama niyo ang mga ex niyo sa beach tapos ganyan ang mga suot niyo?"

Nakataas pa ang kilay niya habang hinuhusgahan ang buong pagkatao naming tatlo, simpleng shirt at maong shorts lamang kasi ang suot namin.

"Hindi naman namin alam na beach party pala. Akala namin, burol," Margaux said, tumango kami ni Donna bilang pagsang-ayon.

"Whatever, bili tayo ng bikini niyo, yung gagapang pabalik ang mga ex niyo kapag nakita kayo."

"Sinasabi mo? Hindi nga ako pinapansin ng ex ko," napasimangot si Margaux.

"May girlfriend na yung ex ko." Hindi nakawala sa paningin ko ang pag-irap ni Donna. 

Napatahimik ako ng matagal bago makasagot. "Kasal na ang ex ko."

Ngumiwi si Roi. "Ano ba yan! Palala ng palala, easy to hard level?"

Tinaasan lang niya kami ng kilay at umismid. "Sinabi ko ba na aagawin niyo? Hindi naman, ipapakita niyo lang kung ano ang sinayang nila!"

Pagkatapos niya kaming sermonan ay nauna na siyang pumasok sa loob ng store ng Victoria secret. Sumunod lamang kaming tatlo sa kanya, sa likod namin ay nandoon ai Jack at Cole. Mabilis siyang nilapitan ng mga saleslady, malaki ang ngiti nila sa tatlong beki.

"How can I help you, sir?" Kinikilig na tanong ng isa dahilan kung bakit nalukot ang mukha ni Roi.

"I don't need help," masungit niyang sagot at nilagpasan ito.

Siniko siya ni Margaux. "Ang taray mo, bruha!"

Roi's eye widened. "Sa ganda kong 'to, sir ang tawag niya?" 

Namili kami ng mga bikini pero lahat ng mapili namin ay ayaw ni Roi. Ang gusto niya ay sobrang sexy dapat. Demanding din kasi itong si bakla.

"Ilabas niyo ang ilalabas! Ang lalaki ng mga pakwan niyo, h'wag niyong itago!"

Tinulungan ako ni Jack na mamili ng bikini dahil ang sabi niya sa akin kanina sa loob ng sasakyan papunta sa mall ay pageant manager daw siya at make-up artist.

"Eto beh, bagay 'to sa kulay mo," itinaas niya ang itim na two-piece bukini, "sobrang puti mo kasi tapos ang liit pa ng bewang mo, sure akong mauulol ang makakakita sa 'yo."

Sa huli ay siya na ang pinapili ko dahil mas expert naman siya. Tatlong pares ng mga bikini ang binili ni Roi para sa amin, silang tatlong baklitas ay bumili na rin ng mga swimming trunks.

Embracing Her Lies (THREE KINGS SERIES #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon