Gusto ko pa sanang matulog ngunit tumatawag na si Roi, ang beki naming friend na gusto kaming puntahan dito sa beach, papunta na raw siya at may kasama pang dalawa.

"Ang agang umeeksena ni Madam Roi, inaantok pa ako," nag-iinat kong saad.

"Ano ba ang plano ng bruha? Maghahanap lang ng fafa 'yon e," saad ni Donna na bumalik sa pagkakahiga matapos kausapin si Wrangler.

Tumawa si Margaux. "Baka na-miss lang tayo ni loka, may kasama pa nga siya."

Naligo kami at nagbihis bago bumaba sa lounge area. Wala pang ibang gising kung hindi kaming tatlo, mukhang tulog pa rin ang mga lalaki dahil lasing na lasing sila. Uminom muli sila kagabi sa kuwarto ng triplets pagkatapos maglaro ng volleyball.

Kaaagad kong natanaw ang guwapong beki naming kaibigan sa entrance pa lang ng private resort na ito. Ang guwapo ni Roi sa suot na itim na leather jacket at itim na pants, nakasuot pa siya ng shades kaya lalo siyang nagmukhang lalaking-lalaki.

Kumakaway siya sa amin mula sa nakabukas na bintana ng itim na porshe kung saan siya nakasakay. He really looks good and he looks so manly.

Pagbaba niya ng sasakyan ay kaagad namin siyang sinalubong, maangas na sana ang damit at itsura niya pero kumekembot naman siyang maglakad.

Margaux winged up her brows. "Wow, bakit hindi yung pink car ang dala mo?" She asked humorously.

Umingos si Roi at maarteng bumulong. "Sayang naman ang porma kung si pinky ang ride ko."

Sa backseat ng sasakyan ni Roi ay may lumabas na dalawang lalaki. Ang tangkad ng mga ito, mga moreno at parang model ang pangangatawan. They look like an expensive gangsters.

"MMR, meet Jack and Cole." Itinuro ni Roi ang dalawang kasamang lalaki gamit ang pinaka maarte na paraan.

"Jack, Cole meet my girls."

Ang lalaki na Cole ang pangalan ay lumapit kay Donna at hinimas ang buhok niya, napataas ang kilay ni Dons dahil sa ginawa nito.

"Ay ang soft ng hair ni ate girl," nalaglag ang panga ko nang tumili si Cole.

Ang isang lalaki naman na Jack ang pangalan ay nilapitan ako. Kinagat niya ang ibabang labi nang himasin ang pisngi ko kaya napalayo ako ng konti sa kanya.

"Ang smooth ng skin, in fairness!" Matinis niyang tili.

Roi proudly look at us and clapped his hands. "Sabi ko sa inyo mga mars! Pak na pak ang beauty ng mga friends ko," sabi niya kay Jack at Cole habang nakatingin sa aming tatlo.

Nagkatinginan kaming tatlo nang maghawak-hawak ang mga kamay nina Roi, Jack at Cole, nagtatalon pa ang mga bruha. Napailing ako at pasimpleng natawa, ang guwapo nilang tatlo pero guwapo rin pala ang hanap.

Hinarap kami ni Roi."Ang yummy 'di ba? Akala niyo ba straight?" He giggled. "Kung straight ang mga 'yan baka wasak ako ngayon!"

Napangiwi ako sa sinabi niya, ang bastos talaga ng bibig ng gaga.

"Ano na naman ang plano mo?" tanong ni Margaux.

Pumameywang si Roi. "Basta, tara sa mall!"

Wala kaming ideya kung ano ang gagawin namin sa mall at kung bakit bigla na lang nag-aya ang bruha pero wala rin kaming nagawa kung hindi ang sumama sa kanila.

Habang nasa sasakyan ay doon ko lang naalala na wala akong dalang wallet dahil akala namin ay susunduin lang sila, hindi ko naman alam na kakaladkarin nila kami kung saan.

Hinarap ko si Donna na nasa tabi ko. "May dala kang wallet?" I asked her.

Nanlaki ang mga mata niya. "Ay oo nga pala, wala eh, naiwan ko sa room natin."

Embracing Her Lies (THREE KINGS SERIES #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon