Simula

70 23 25
                                    


"Putangina!" gulat na gulat si Yvesz ng sampalin ko siya ng malakas.

Sabado ng hapon ngayon at nandito kami sa sala ng bahay namin at gumagawa ng project sa isa naming subject, kahapon lang ito binigay ni ma'am at sa Biyernes pa ang pasahan kaya naisipan namin ni Yvesz na gawin nalang habang maaga pa kaysa naman sa abutan pa kami ng deadline. Magkaklase at matalik na magkaibigan kami nitong lalaking ito. Hinayaan lang kasi kami ni ma'am na pumili ng kung sino ang gusto naming makapareha sa paggawa ng project na ito kaya napagdesisyunan namin ni Yvesz na kami nalang ang magpartner.

"Bakit mo 'ko sinampal?" galit niyang tanong, lumaki ang mga mata at ang butas ng matangos niyang ilong at magkasalubong ang makakapal niyang mga kilay.

Tinaasan ko nang kilay ang muntangang kaibigan ko na ito.

"Bakit ka nagseselpon?" inis kong tanong pabalik.

Hinampas ko siya sa braso ng pagkalakas dahilan ng pagsinghap niya. Hinimas-himas niya naman ang kanyang braso, bahagya itong namumula.

Naiinis ako. Sino ba naman ang hindi? Puro siya selpon habang ako busy sa paggawa ng project namin. Sana sinabe niya nalang sa'ken na hindi niya ako matutulungan ngayon dahil may gagawin siya o kung ano pa ang idahilan niya 'wag lang itong pupunta siya ng bahay at yayain akong gumawa ng project namin gayong ako lang naman ang nag-e-effort dito para sa grades namin.

Muntanga. Sarap niya sakalin. Pabuhat amputa.

"Tss."

"O, edi sorry. Eto na, tutulong na. 'Di mo naman kailangang manampal."

Umikot ang mata ko at ipinagpatuloy nalang ang ginagawa.

Nilapag niya ang selpon niya sa center table at nagsimula nang tumulong sa akin. Nasiyahan naman ako dahil napabilis ang paggawa namin at mukhang maganda ang kalalabasan ng project lalo na ang pagkakadesenyo nito.

"Ayos na ba 'to?" pinakita niya sa akin ang gawa niya.

Malinis at maayos ang pagkaka-lettering niya ng title ng project kaya napatango nalang ako.

"Oo, ayos na 'yan. Maganda," sabi ko at pinagpatuloy ang pagsusulat.

Tahimik kaming nagpatuloy sa ginagawa. Ilang saglit pa ay medyo nakaramdam ako ng pangangalay ng kamay sa kakasulat kaya tumigil muna ako saglit at hinilot ito.

"Magmeryenda muna kayo, anak, Yvesz."

Napabaling kaming pareho kay mama. May dala itong isang tray na may nakalagay na dalawang baso ng juice at dalawang plalito na may slice ng chocolate cake.

Napapalakpak naman na parang bata itong kasama ko at kinuha kay mama ang dala. Ako naman ay itinabi muna ang kalat sa lamesa at ang folder ng project namin na malapit ng matapos para hindi madumihan.

"Salamat ho, tita," ngiting-ngiti si Yvesz.

Tumawa si mama at umalis na.

Inilapag ni Yvesz ang meryenda namin sabay upo. Kinuha niya ang dalawang plalito at iniabot sa akin ang isa, ganun din sa baso ng juice. Inamoy niya muna ang cake bago nagsimulang kumain. Mabilis ang pagsubo nito. Nakakarindi rin ang paglagok niya ng juice.

"Patay gutom," bulong ko.

Narinig niya ata ang bulong ko dahilan ng panlilisik ng kanyang mga mata na tumingin sa akin. Natapon pa ang isang kutsara ng cake dahil sa biglaang paglingon niya.

Nasasayangan siyang tumingin sa cake na nahulog tapos ay bumaling siya sa gawi ko.

"Bakit?"

Medyo kinabahan ako dahil ang creepy niya. Mula kasi sa nanlilisik na mata ay bigla itong naging pokerface at biglang ngumiti ng nakakaloko. Hinawakan niya ang kutsara na para bang isa itong microphone.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 13, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

You Are The SanctuaryWhere stories live. Discover now