We've updated our Content Guidelines.
Review the latest guidelines to keep sharing stories safely.

Kabanata 1

184 2 1
                                        

Yakap ko ang aking sarili habang si Santina ay hinahagutpit ako ng sinturon sa aking katawan. Sobrang sakit na nang katawan ko at halos patayin niya na ako ngayon.

"Hindi ba sabi sa iyo ni mama huwag kang lalabas kapag may bisita! Hindi ka talaga nakikinig!" Sabay hagupit niya ulit sa akin ng sinturon.

"Stop Santina!" Halos magdilim naman ang paningin ko nang ihampas niya naman sa akin ngayon ang librong nahagip niya sa aking mesa.

Bumukas ang pintuan at iniluwa no'n si Manang Esther at inilayo na sa akin si Santina ngayon.

"Don't touch me! Sino ka para hawakan ako? Katulong ka lang dito!" Sabay duro niya kay Manang Esther at dinuraan sa mukha. Kaagad namang uminit ang ulo ko at mabilis akong tumayo para itulak siya.

"Huwag mong bastusin si Manang Esther! Matagal na siyang naninilbihan dito sa mansion, kaya 'wag mo siyang sisigawan o babastusin!" Humalakhak naman ito at humalukipkip.

"Matagal? Naninilbihan ba kamo? Baka nakakalimot ka na Emilia? Patay na ang mga magulang mo, 'di ba na- sila? Palibhasa mga masasamang tao kaya-" Hindi niya natuloy ang sasabihin nang lumapit ako sa kaniya at sinampal siya ng malakas.

"How dare you!"

"Huwag mong pagsasalitaan ng ganiyan sila mama at papa! Baka nakakalimutan mo na ang mama at papa ko ang nagpatuloy sa inyo dito sa mansion!"

"Na patay na ngayon!" Humalakhak pa ito nang sabihin iyon. Walang utang na loob!

"Ito ang tatandaan mo Emilia, lahat ng sa iyo, ay akin na ngayon!"

Lumabas na siya sa aking kwarto. Hinagod naman ako ni Manang Esther sa likod gamit ang mga kamay niya.

"Ito bagay din!" Halos magulantang ako nang lumabas ako ng kwarto ay may narinig akong nag-uusap sa kwarto nila Mama at Papa. Kahit na malayo ang kwarto nila sa akin, ay mananatiling malakas ang boses ng mga nagsasalita sa gawing iyon, kung bukas ang pintuan ng kwarto.

"Anong ginagawa niyo sa gamit nila Mama at Papa?" Tanong ko sa kila Tito Noel at Tita Nora.

"Anong ginagawa niyo?" Pag-uulit ko sa tanong. Nagkatinginan naman silang dalawa at matabang namang tumawa si Tita Nora.

Napansin ko na suot-suot ni Tita Nora ang mga lahas ni Mama kaya kaagad akong lumapit sa kaniya.

"Take that away! Sa Mama ko 'yan 'di ba? Bakit mo suot ang mga 'yan?!" Halos kumulo ang dugo ko. Hindi 'man lang nila ginalang ang mga kagamitan ng magulang ko.

"Amin na ang mga ito!"

"What? Hindi naman sa inyo 'yan!"

"Aba! Bastos kang bata ka!" Sabay sampal sa akin ni Tito Noel. Napahawak naman ako sa kanang pisngi ko na namamanhid na ngayon.

"How dare you Tito Noel! Pwede ko kayong paalisin dito sa mansion!" Sabay naman silang tumawa ni Tita Nora.

"Iyan ang akala mo," Sabay bato sa akin ni Tito Noel ng isang envelope.

"Ano po ito?"

"Sa amin iniwan ng mga magulang mo ang lahat ng ari-arian niyo," Halos magulantang naman ako sa sinabi ni Tito Noel.

Magkapatid si Tito Noel at Papa, ngunit sa Ama. Anak sa labas si Tito Noel at solong anak naman nila Lolo at Lola ang Papa ko.

"Walang iniwan sa iyo ang mga magulang mo. Kaya kung may paaalisin 'man dito sa mansion, ikaw 'yon Emilia!" Sabay hablot sa akin ng envelope.

Maghapon akong nag-kulong sa kwarto ko at hindi lumalabas. Dinalhan ako ni Manang Esther ng umagahan, tanghalian at ngayong gabi, pero ni isa ay wala akong ginalaw. Hindi ako kumain dahil wala akong gana.

"Bakit hindi mo ginalaw ang pagkain mo hija?" Tanong ni Manang Esther habang nagpupunas ng mga muwebles dito sa kwarto ko.

"Wala po akong gana Manang Esther," Sabay lihis ko ng tingin sa labas ng bintana. Kanina pa ako nakatayo at pinagmamasdan ang malawak na hardin nitong mansion. Malaki ang panghihinayang ko at sa mga walang kuwentang Tiya at Tiyuhin ko pa iniwan itong mga ari-arian namin. Kung nakikita lang nila Mama at Papa ang pag-maltrato nila sa akin, tiyak ko na palalayasin nila ang mga ito.

"Kung hindi ka kakain mamamayat ka,"

"Ayos lang po,"

Umiling si Manang Esther.

"Magpapaalam na pala ako sa iyo hija,"

Napaigtad naman ako at tinignan si Manang Esther na medyo naluluha pa.

"Ano po? Aalis kayo? Iiwanan niyo din po ako?"

Umiling siya at lumapit sa akin. Hinawakan ni Manang Esther ang aking mukha.

"Pinag-reretiro na nila ako hija,"

Kaagad namang gumuhit ang inis at galit ko sa mga taong possible na nag-utos kay Manang Esther na mag-resign na.

"Kakausapin ko po sila!" Sabay tayo ko at lumabas ny aking kwarto. Pinipigilan pa ako ni Manang Esther, pero hindi ako nagpa-pigil at mabilis akong bumaba ng hagdan at dumiretsyo sa dining area. Alam ko na nandoon sila dahil may naririnig akong nagtatawanan doon.

"Tita Nora, Tito Noel! Bakit niyo po tatanggalin sa trabaho si Manang Esther?!" Ngayon ko lang na-realized na may mga bisita pala?

"Ahm excuse me," Sabi ni Tita Nora at tumayo. Lumapit siya sa akin at hinigit ako palayo sa dining area.

"Let go of me!" Sabay asik ko ng kamay sa kaniya.

"Tumahimik ka! May mga bisita kami!"

"Wow! Bisita? Really Tita Nora? Sa pamamahay namin?" I rolled my eyes.

"Amin na ang bahay na ito!" Bulong niya sa akin at bakas sa mga mata ang panlilisik nito sa akin.

Napatingin naman ako sa mga bisita. Hindi pamilyar sa akin ang mga ito. Ngunit base sa pananamit at kung paano sila magsalita, tiyak ko na malalaki ang mga papel nila sa buhay. Mukhang mayaman ang angkan.

"Tandaan niyo, Hindi naman kayo ang dapat na humarap sa kanila, kundi ang magulang ko." Pagkatapos 'kong sabihin iyon ay iniwan ko na siya. Nadaanan ko pa si Tito Noel, plastic itong ngumiti sa akin ngunit sinimangutan ko lang ito. Bakas sa mata nito ang pagka-irita sa akin. Ngumiti naman ako sa mga bisita nila natigil naman ang mga mata ko sa isang lalaki na taimtim na nakatingin sa akin, tila'y pinagmamasdan akong mabuti.

Natigilan lang ang tinginan namin nang biglang tumikhim si Tito Noel.

Tuluyan ko nang nilisan ang dining area at bumalik muli sa aking kwarto. Hindi naman mawaglit sa aking isipan ang mukha ng lalaki.

Mukha siyang matangkad, pero moreno. Matangos ang ilong niya at perpekto iyon para sa akin. Mala-kupido ang mga labi at itim ang buhok na may kahabaan hanggang balikat.

But he's not my type. Masyadong mahiwaga kung tumingin sa akin at ayoko sa mga matanda pa sa akin.

Te AmoStories to obsess over. Discover now