BOOM BADING DASURV

193 2 2
                                    

SUN

"Tara, canteen muna ta'yo! Wala pa naman si Sir."

Umiling lang ako habang nakayuko sa desk.

"Sige na, please? Libre pa kita!" pagpupumilit pa ng katabi ko.

Bagot kong inangat ang aking ulo at lumingon sa kanya. "Yang, mamayang uwian ka na lang bumili ng pagkain sa labas. Last subject na rin naman natin."

Gusto ko naman talaga siya samahan sa canteen dahil libre, like duh? Sinong tanga ang tatanggi? Pero nababalot kasi ako ngayon ng kaba at gusto ko lang mapag-isa. Ngayon na kasi ang reporting ko sa last subject namin.

Sinamaan niya ako ng tingin, "Ayaw mo, ah."

Nagulat ako nang bigla niyang hatakin ang kwintas sa leeg ko at tumakbo palabas ng classroom.

"Gaga ka! Bumalik ka rito kung gusto mo pa mabuhay!" sigaw ko, at tumakbo rin palabas para habulin siya.

Alam niyang namumula ako sa inis tuwing ginagawa niya ito! Buti na lang at magnetic ang clasp ng kwintas kaya 'di nasisira kapag hinahatak niya na parang snatcher sa Baclaran!

Bata pa lamang ako nang bumigay na ako, este nang ibigay sa'kin ang kwintas na 'yon. Malinaw pa sa memorya ko ang ngiti sa labi ng aking ina nang isuot niya ang kwintas sa leeg ko. Bagay na bagay pa nga raw sa'kin.

'Di ko talaga makakalimutan ang araw na 'yon dahil iyon din ang araw na nawalan ako ng ama. Nakita ko na lang siya sa may hagdanan sa bahay namin na nakahandusay at duguan. Sabi sa imbestigasyon, nahulog daw siya pero hindi ako naniniwala, malakas ang kutob ko na may tumulak sa kanya. Tinulak siya ng sarili kong ina para mahulog sa hagdanan dahil may pinagtalunan sila nung araw na 'yon.

Hindi ko na tinanong pa si Mama tungkol sa insidenteng 'yon, kung tinulak man niya ang sarili niyang asawa, marahil nagawa niya lang 'yon para depensahan ang sarili niya na dapat matagal na niyang ginawa sa mapang-abuso niyang asawa.

Kung hindi siya lumaban ay baka siya naman ang nakita kong nakahandusay at 'di ang aking ama.

Importante talaga sa'kin ang kwintas na 'yon dahil sabi ni Mama, pure gold daw 'yung kwintas kaya mahal kapag binenta eme.

Nabalik ako sa wisyo nang marinig ang malakas na tawa ni Yang habang tumatakbo. Nakakainis! Tinatahak na namin ang direksiyon papuntang canteen!

Sa huli, masaya kaming kumakain habang naglalakad pabalik sa room at suot ko na ang pinaka-iniingatan kong kwintas.

"Get back to your seats!" utos ni Sir Hee matapos kaming sermonan. Nakakahiya!

"Sir, oh! Iced coffee," sabi ni Yang, at inilapag ang drink sa table ni Sir. Nangibabaw naman ang tawanan ng buong klase.

Agad na kaming bumalik sa aming mga upuan. Nanlaki ang mata ko nang makita na may lalaking naka-upo sa kaliwa ko, wala kasing nakaupo ron. Tatapikin ko sana si Yang na nasa kanan ko para magtanong ngunit narinig ko siyang kinakausap ang katabi niya sa kanan.

"Baks, ba't napapaligiran tayo ng mga gwapo? Sila na ba ang para sa'tin?" tanong ni Yang sa katabi.

Lumingon-lingon ako sa paligid at ngayon ko lang din napansin na may ibang mga estudyante nga ang naka-upo sa mga bakanteng upuan kanina.

"Gaga! Mga taga-ibang section 'yan! naki-sit in lang dito kasi wala silang teacher," sagot ng katabi niya.

"Ah, paki ko," bitchesa na pasasalamat ni Yang.

Tanging tunog ng pag-nguya namin ng pop corn at boses ni Sir ang maririnig sa classroom namin.

Kumunot ang noo ko nang may tumapik sa'kin na kamay sa kaliwang braso ko. Bukas ang palad niya na tila nanghihingi ng kinakain ko.

BOOM BADING DASURV | SunKi Filo AUWhere stories live. Discover now