Hinanap ng aking mga mata si Thrizel. Hays, ano pa nga bang makikita ko? Magkasama na naman sila ni Blue. Pero sandali, nakatulala si Blue sa iisang direksyon kaya sinundan ko 'yon. Nagulat ako nang makita si Anissa. Pumunta rin siya rito? Sabagay, malapit din sa isa't isa sina Gia at Anissa kaya hindi na dapat ako magtaka. Ang pagtakahan ko dapat, itong si Blue. Nakakahinala kasi ang mga tinginan nito. Lumapit ako sa kanilang gawi dahil nakita ko si Gia'ng papalapit kay Blue habang may dalang aso.

"Kumain na ba kayo?" Tanong ko sa mga 'to. Umiling si Blue bilang tugon. Nakaupo si Thrizel, mula sa akin ay nakatalikod. Hindi niya man lang nakuhang humarap. "Gia, saan galing iyang aso mo?"

"Binili ko po!" Matinis niyang sigaw. Nilapit niya ito kay Blue. "Hey, Kuya Blue, may aso akooo! Makipaglaro tayo sa kaniyaaaaa!"

Naiirita namang nilalayo ni Blue ang aso ni Gia. "Ilayo mo sa akin 'yan! 'Yong balahibo, dumidikit sa damit ko!"

Tila walang narinig ang isa. Tuloy pa rin siya sa kagustuhan niyang isiksik ang aso sa katawan ni Blue. "Maglaro na kasi tayo! Look! Tuwang-tuwa nga siya sa 'yo! Mamaya kakagatin ka nito dahil tinataboy mo siyaaaaa!" Matangkad si Blue kaya nakatingkayad itong babae habang inaabot ang aso.

"I don't like dogs, okay? Ilayo mo na sa akin. Kung gusto mo ng kalaro, maghanap ka riyan sa mga kaibigan mo. O kaya iyang si Thrale, yayain mo." May napapansin ka ba? Ako, mayroon. Simula nang makasama niya si Thrizel, bihira nalang siya magsalita ng ingles at magsungit. Mukhang napapalambot ng aking kapatid.

"Stop that, Gia. Marami ka namang friends, you can ask them." Pangingialam na ni Thrizel. Nakaharap na ito sa amin ngayon habang kumakain ng lollipop.

"Wahhhhh! Ate Thrizel, that's my lollipopppp!" Binitawan ni Gia ang aso kay Blue kaya walang nagawa ang lalaking nakabusangot kun'di ang buhatin. Nilapitan niya ang isang balot na lollipop. "Huhu, this is my favorite candy. Lagi mo pong kinakain ang candy ko. Huhuhu."

"I only took one." Depensa niya sa sarili niya. "Saka ako naman ang nagregalo sa 'yo nitong candy so p'wede akong kumuha ng isa."

Ngumuso si Gia. "Fine. Bilihan mo pa ako ng maramiiiii, please!"

"Tomorrow."

"Yeheyyyy!" Mabilis na tinungo ni Gia si Blue. Inagaw niya ang aso rito at nagtatalon-talong umalis. Napailing-iling ako. Salungat sila ni Gio ng ugali.

"Hey, bro, I need to go. Kung may tanong ka, puntahan mo nalang ako sa klase ko." Paalam ni Gio na pababa ng hagdan. Naka-uniporme na siya ng pang-guro. Tumango nalang ako rito.

Wala naman kaming nagiging usapan nina Thrizel at Blue kaya pinuntahan ko nalang si Anissa na nag-aasikaso. Kahit kailan, alam niya talaga kung paano i-manage ang mga bata. Panay ngiti siya sa lahat.

"Tulungan na kita." Bulong ko sa kaniya.

Nagulat pa siya sa akin. Nailayo ang mukha. "Thrale, wala ka bang duty? Kaya ko naman na 'to, dapat nagpapahinga k-"

Hindi natuloy ang sasabihin ni Anissa nang may kumalabog sa p'westo ni Thrizel. Hindi ko alam kung saan nagmula 'yon, ang alam ko lang kapatid ko ang may kagagawan. Nababaliw na naman ba ito? O baka naman si Blue ang may pakana dahil maayos naman na ang ugali ng kapatid ko kumpara dati.

Nalipat ang atensyon ko sa pintuan nang pumasok si Dominic. Isa lang naman ang dahilan niya kung bakit siya nandirito kaya bago pa siya makalapit kay Thrizel, hinarang ko na 'to para makipag-usap.

"Can we talk? About case."

"Sure." Ngumiti siya sa akin ng pilit. "Puntahan ko lang ang kapatid ko." Nilagpasan niya na ako para puntahan si Thrizel. Kapatid ko? Naiilang ako sa binanggit niyang 'yon. Parang dati ako ang nagsasabi niyon. Ilang minuto lang ang lumipas, binalikan niya na ako. "Let's go, Thrale."

Loving My Brother #2: Who's Thrizel?Where stories live. Discover now