*****
Cassandra POV
"I will find and love you in every universe." Nakangiting sabi niya habang hawak hawak ang mukha ko.
Hinawakan ko rin ang mukha niya at pinagmasdan ang mga mata niya.
"Sisiguraduhin ko na mahahanap at mamahalin mo ko sa iba't ibang panahon." Agad niyang sinakop ang labi ko bago pa man ako makapag react sa sinabi niya.
Finn POV
"May balak ba kayo mag hiwalay kahit isang minuto lang lalo na iyang labi ninyo!" Sigaw na bungad ko kanila Sian at Cassy ng madatnan nanaman silang naghahalikan.
Natawa ako ng itinulak ni Cassy si Sian at nahihiyang tumingin saakin.
"Naks nahiya yurn hahahahahaha. Alam mo Cas, Ilakad mo na lang ako kay Clara para hindi na ako third wheel tapos malay mo sabay-" Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko nang tignan ako ng masama ni Sian.
"Cass kahit wag na reto, ayain mo na lang si Clara mamaya, hindi ko nadaan sa charms ko eh" Ngiwing sabi ko.
"I don't need to do that kasi sasama naman talaga siya saatin mamaya" Sagot ni Cass dahilan ng pagtataka ko.
Sasama?
"Sabi niya busy da-"
"Hindi siya busy, sinabi niya siguro sayo yon kasi kinukulit mo siya" Pag putol niya.
"Masyadong mahinhin si Clara at gaya ng panglan niya makaluma ang pag ibig na kinagisnan niya"
"Haranahin mo siya, gawin mo ang mga traditional na panliligaw" Nakangiting sabi ni Cass.
Tama, king@na bat ko ba na kalimutan na kakaiba nga pala ang babaeng iniibig ko?
Haharanahin ko muna ang magulang niya bago siya!
"Ieextend ko ang pag stay ko dito para sa pag ibig!" Masayang sigaw ko at iniwan na sila.
~ Kinagabihan ~
Halos tatlong beses ako naligo at halos ubusin ko ang pabango ko dahil kinakabahan ako lalo't kasama namin si Clara.
Kanina ko pa pinagmamasdan ang itsura ko sa salamin kung maayos ba ang itsura at suot kong damit.
King@na never pa ako kinabahan sa tanang ng buhay ko!
Huminga ako ng malalim at lumabas na sa kwarto.
"Pre alam naming mayaman ka pero sana huwag mo ipag yabang na kaya mong ipang ligo iyang Creed perfume mo" Binatukan ko si Klein dahil sa pangaasar niya.
"G@go kinakabahan ako dahil kasama natin si Clara" Nakakalokong tumingin si Klein kay Jasper at tsaka nilahad ang kamay, inabot naman ni Jasper ang kamay niya para ibigay ang pera na hawak niya.
"Tang... pinag pustahan niyo ako?!" Sabay silang ngumiwi at nag sisigaw na tumakbo bago ko pa sila mahabol.
Klein POV
"Sabi sayo eh hindi mahina si Finn" ngising sabi ko habang hawak hawak ang 10k ni Jasper.
——————————————-
Prinprinnn
