Kaya nang magtatangka itong tumingala para tingnan ako ay pinigil ko siya dahilan para muli itong humalakhak.

Hindi ako nakasagot sa sinabi niyang 'yon. But I know deep in my heart, I feel the familiarity. Nailing na ako at pinagtuunan na lang ang pansin sa gagawin naming laro.

Tutal ay nasabi ko na rin naman kay Amadeus na magpatalo kami ay hindi na ako mababahala pa para kay Cassie. 

"Let's start!" masaya niyang sigaw at nag-echo pa ang boses nito.

"Cassie!" banta ko pero kinindatan lang ako at parang hindi man lang natatakot para sa sarili.

Nagharap na kaming dalawa ni Cassie. Si Amadeus at Aiden naman na nasa ilalim ay mukhang seryoso ngunit may mga pilyong ngiti sa labi.

Pinagsiklop namin ni Cassie ang aming mga kamay at doon na nagsimula ang tulakan. Hindi ko na mapigilang matawa at tumili lalo't ang mga lalaki sa ilalim ay parang maghahalikan na. Noong una ay lumalaban pa ako kay Cassie but when she pushed me hard, I acted like I'm really gonna fall. That's my cue to lose the game.

Pero mas nagulat ako ng mabilis akong nakuha ni Amadeus at maayos na nabitbit paahon sa tubig. He's carrying me like his bride while my arms encircled on his neck. Sobrang lapit ng mukha namin sa isa't-isa na ang tungki ng kanyang ilong ay nakadikit na sa aking pisngi.

Nakarinig kami ng tili kaya napalingon ako at natagpuan si Cassie na nakasampa sa likod ni Aiden at mukhang kinikilig sa ayos namin dalawa ni Amadeus.

Mabilis akong kumalas mula sa pagkakabuhat niya sa akin na hinayaan niya naman. Parang nanghihina pa. I know that my face is now scarlet because of the scene we made. Hindi ako makatingin ng ayos.

"Talo kayo, Milada!" si Cassie at may halong panunuya.

"Y-Yeah!" sagot ko. "A-Ah... ahon lang ako..." 

Nag-iwas ako ng tingin at dire-diretsong umahon. Hanggang sa natapos ang oras namin sa Malabsay falls ay hindi na talaga ako lumubog ulit sa tubig. I still remembered what happened there.

Pilit ko man itago ay natatandaan ko na ang lugar na ito ay naging espesyal sa akin. Dito namin nahayag ang nararamdaman ng bawat isa. 

I wonder if Amadeus also remembered it, the reason why he looked at me that way. Did he?

Nakabalik kami sa mansion na pagod at gusto na lang magpahinga. Dumiretso ako sa guest room kung saan ako matutulog at katabi lang no'n ang kuwarto ni Amadeus. Hating gabi na pero ang diwa ko ay gising na gising pa rin. Hindi makatulog at nakailang ikot na ako sa kama pero hindi pa rin ako dinadalaw ng antok.

Kaya nagdesisyon na lang akong bumangon at lumabas ng kuwarto. Sumalubong sa akin ang dim light na hallway. Tahimik kaya dahan-dahan lang ang lakad ko at iniiwasan na maka-gawa ng ingay na makakaistorbo sa mga natutulog.

Nadaanan ko pa ang kuwarto ni Amadeus at nagulat na saktong bumukas ito. Iniluwa si Amadeus na mukhang hindi rin makatulog.

"Can't sleep?" aniya at isinara ang pintuan ng kuwarto.

"Oo, ikaw? Hindi rin?" a small smile crept on his lips.

"Hmm," tumango ako. "Where are you going?" 

"Ah, diyan lang sa balcony. Magpapaantok..." tumango siya.

Nagulat ako ng nauna pa siyang maglakad kaya sumunod na lang din ako at natagpuang doon din pala siya pupunta. Natahimik kaming dalawa, walang nagsalita o umimik. 

Napangiti ako habang nakatingin sa buwan na bilog na bilog. This night is quiet and peaceful. 

"I always regret what I did to you. I made you confused about what we have. On the feelings I have for you.”

Operation: Secret GlancesWhere stories live. Discover now