“Hindi mo ba ihahatid si Anissa sa bahay nila?” Pagsasalita muli ni Gio nang tumahimik dahil sa iba na nanggulo si Elkhurt.

“Ikaw nalang ang maghatid.” Iniwan ko rin siya roon para pumuntang kwarto. Nakasalubong ko pa si Dominic na pormal na naglalakad. Tila wala siyang nakita dahil nasa iisang direksyon ang tingin. Ganiyan ba ang prosecutor? Para siyang tanga.

Thrizel’s PO—Joke. Charaught, ito na nga.

Thrizel’s POV

Nagpaalam kami ni Silas kay mom dahil pupunta kaming store. Kanina pa kami palibot-libot dito sa bahay. Ang nagawa lang namin ay tulungan ang aming mga magulang umasikaso sa mga bisita dahil sobrang dami. Wala namang kaibigan kong pumunta kaya wala rin akong dapat pagtuonan ng pansin. Dalawa ang kanilang dahilan kung bakit wala sila ngayon. Una, hindi nila alam na nakauwi na ako. Pangalawa, sa ibang lugar sila nakatira at hindi na nag-abalang pumunta rito.

“Hey, let’s go. Ako na ang magmamaneho. You look tired from your trip earlier. You’ve been talking to guests before so you better take a break tonight. I can drive, Thrizel.” Baling sa akin ni Silas. Nauna na siyang maglakad kaya sumunod ako rito. Ay, hindi, sumabay ako ng lakad sa kaniya.

“What time are you going home? Will you sleep here at home? Hindi ka ba hahanapin?” Pinagbuksan niya ako ng pinto. Tumango ako rito saka sumakay sa kotse.

Kaswal siyang sumagot sa akin. “Dito na ako matutulog. Why? Don’t you like?” Sumakay na rin siya. Binuksan niya ang makina at nag-umpisa nang magmaneho.

“Well, ayos lang naman.” Tumingin ako sa bintana kahit wala ng taong dumadaan at kakaunti nalang ang sasakyan dahil gabi na. “Ano bang bibilhin mo sa store? Wala ka namang favorites doon or you have a new favorite food?” Humarap ako rito para pagtaasan siya ng kilay kahit nakatuon ang tingin niya sa daan.

“Oh, stop it, brat.” May sumilay na ngiti sa kaniyang labi. “We both know I don’t want to eat anything.”

“You don’t like fried chicken?” Mabilis siyang umiling. “Okay.” Sagot ko nalang. “Every time we used to talk in a video call, you always ate fried chicken kaya nakakapagtaka na you don’t like chicken na.”

“‘Cause I like you na! HAHAHAHAHAHAHAHA!”

“Kadiri!” Pinalo ko siya sa braso. “So eww.” Sa naging reaksyon ko, mas lalo siyang natawa. “May nagugustuhan ka na bang ibang babae? I noticed earlier that you were looking at Ate Anissa. What’s wrong with her? Or should I say what’s wrong with you?”

“Wow, masamang tumingin sa babae?” Hininto niya ang kotse sa parking lot nang makarating. “I hate girls but I have two eyes to look at women.”

“Okay, fine.”

Bago kami pumasok sa store. Napahinto kaming dalawa dahil napansin namin ang kotse ni Thrale kasama si Ate Anissa. Mukhang ihahatid niya ito sa bahay lalo na’t gabi.

“Napansin ko si Thrale na pumasok sa bahay niyo. I thought he was going to sleep. Ihahatid niya pala si Anissa.”

Pinaningkitan ko siya ng mga mata. “Hindi mo siya tinawag na ate, huh.”

He grabbed my two shoulders to direct me to the way. “Brat, I don’t call you ate so why should I call her ate?”

I rolled my eyes dahil sa walang kwenta niyang sagot. Pumasok na kaming dalawa sa loob. Naglibot-libot na siya sa store. Akala ko pagkain ang bibilhin pero hindi, toothpaste.

“Anong gagawin mo riyan?”

“Ano bang ginagawa sa toothpaste?” Parang dati siya ang nahuhuli kapag pumupunta akong store. Ngayon naman ay ako dahil sa mahahaba niyang binti, nauuna siyang maglakad. Oo, mas matangkad siya sa akin.

Loving My Brother #2: Who's Thrizel?Where stories live. Discover now