CHAPTER 9

1.3K 130 6
                                    

Ward's POV


Ngayon na ang araw na nakatakda para umuwi kami. 1 week lang yun pero life without Angge is too slow, parang walang buhay ang araw ko kapag hindi siya nakikita at nakakasama. Hindi ko alam kung bakit pero may part saakin na ayokong umuwi, at mas gusto ko pang sumama kay Angge sa Pampanga.


"All is ready, guys?" Tanong naman ni Ryan and we all agreed.


"3 vans are all ready sa baba at kayo nalang ang hinihintay. Alam niyo naman kung sino ang magkakasama sa byahe." dagdag niya pa. Nagyakapan na ang ibang members, pati ako ay yumakap na rin sa ibang kaclose ko.


"Tara?" Tanong ni Angge, mabuti nalang at same van kami kaya magkakasama pa kami sa byahe.


Bumaba na kami at sumakay ng Van.


"Okay ka lang ba?" Tanong niya, tumango naman ako at nginitian siya.


"Ang tipid ng ngiti mo tapos kanina ka pa tahimik, so tell me, anong problema Asaward?" Tanong niya pa ulit.


"Can I go with you?" I asked.


"Sa Pampanga?" Tanong niya pa and I nodded.


"Pwede naman kaso magpakita ka muna sa Grand parents mo, baka hanapin ka nila at masabihan pa akong bad influence."


"Next time nalang siguro." I said at lumingon na sa bintana.


"Ayaw mo bang umuwi?" Tanong niya pa ulit.


"Hindi naman sa ayaw, parang gusto ko lang magstay with you."


"1 week lang naman Ward, we can still do video calls para makita natin ang isa't-isa. Makakapagcommunicate parin tayo kaya wag kana sad diyan." Saad niya pa.


"Okay."


"Hay nako, Ward, wag mong masyadong mamiss yang si Angge. 1 week lang yun." Saad pa ni Karl, sinamaan ko naman siya ng tingin kaya natahimik siya.


Tahimik naming binaybay ang daan patungo sa lugar kung saan kami nakatira.


---


Angge's POV


"Ms. Angge, nandito na po tayo." Saad nung driver, apat nalang kami nila Ward dito at yung iba ay nakauwi na.


"Kuya, can you give us 5 minutes? Papakilala ko lang si Ward kay Mama." Pagpapaalam ko.


"Sige, Ms. Angge, konti nalang naman kayo na ihahatid ko." Buti nalang mabait si Kuya.


Agad kaming bumaba at pumasok sa bahay, buti nalang pala ay along the road lang din yung bahay na tinitirahan nila Mama.


"Anak si Ward na ba ito?" Tanong niya, tumango naman ako. Nagbeso at nagyakap sila ni Ward.


"Girlfriend ko ma." Pagpapakilala ko pa.


"It's nice to meet you, Ward. Kalagu mu talaga nak." Saad pa ni Mama.


"Thank you po tita, kayo rin po ang ganda at ang bait niyo."


"Sige na ma, hinihintay na siya ng driver sa labas, ipinakilala ko lang siya sainyo." Saad ko, niyakap naman siya ulit ni Mama.


"Mag-iingat ka nak, nice meeting you ulit."


"Alis na ako, Angge." Saad niya, agad ko rin naman siyang niyakap. Yung mahigpit na yakap na para bang ito na yung huli naming pagkikita.


"Mag-iingat ka mahal, iupdate mo ako kapag nakauwi kana."


Hinalikan ko siya sa noo at pisnge bago ihatid sa labas. Masakit makita ang paglayo ng van mula saamin. 1 week. 1 week lang kaming hindi magkikita pero yung pakiramdam ko ay hindi maganda, para bang may mangyayaring hindi maganda.


----------


Macurious kayo hahaha. More votes, more update! Ready niyo na rin tissue niyo sa mga next update.

LIFETIME - WANGGEWhere stories live. Discover now