page 2

5 1 0
                                    

eto na ba ang sinasabi nilang bagong buhay?

eto na ba ang sinasabi nilang bagong buhay?

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.



THE TEENAGE DIARY

“kia! Andito kalang pala jusko , bata ka halika kana at kumain na, tinatawag kana ng grandpa mo” alalang sinabi ni yaya mimi , akala niya siguro ay nawala na ako halata sa mukha niya na hinihingal siya kakahanap sa’kin .

Tumango ako at isinama ang diary sa’kin unti unti akong natutuwa sa mga pangyayari sa naka sulat rito , tumayo na ako habang bitbit ko ang libro at bumaba na para kumain .

Hindi ko masyado nalibot ang mansyon dahil inuna kong basahin ang diary .

——

“anak kailangan na natin umalis rito , kaya't mag impake kana . Sorry nak dahil hindi ko maicelebrate ang graduation mo.” yumuko si mama habang tumutulo ang luha kailangan na naming umalis dahil pinapaalis na kami ng may ari ng upahan dahil hindi na raw kami nakakapag bayad  , at isa pa ay may mag rerenta na nitong bahay.

“ayos lang sa’kin ma,ang mabuti po ay naka graduate ako at nando’n ka para sa’kin.” ngumiti parin ako kahit pinipilit kong wag umiyak , yinakap ko si mama at iniyakap niya ako pabalik. Pinunasan ko ang luha ni mama at ngumiti na siya.

“ nak ...”

“po?”

“okay lang ba sayo kung mag aasawa ako ulit?” nangininig na sinabi ni mama , hindi ako nakaimik naka titig lang sa’kin si mama.

at ngumiti ako

“oo naman ma! Deserve mo kaya sumaya at mahalin tyaka ma ... Gusto ko rin maranasan na may tatay... Pag mamahal ng isang tatay , kung meron ka pong nagugustuhan ang gusto ko lang ay itrato niya tayong mabuti at ituring na tunay na pamilya.” sagot ko habang naka ngiti kay mama, nakita ko ang mga luha ni mama na pumapatak ewan ko ba kung malungkot siya o masaya. Totoo naman na gusto kong makitang masaya si mama at gusto ko rin maranasan ang pagmamahal ng isang ama.

Ano nga ba ang pakiramdam nang may ama ? ....

——

“we are here ma’am.” sabi ng driver , nasa kotse kami na sobrang ganda ! Mukhang milyones ang gastos sa kotseng ito. Pinadala ata ito nung bagong asawa ni mama si Mr. Fa—fariton? Ewan basta F simula nung apilyedo niya.

“oh anak , dito na tayo titira simula ngayon.”

hawak hawak ni mama ang kamay ko , at sobrang laki ng gate! Kinakabahan ako ng unti pero sobrang saya ko gusto ko ikwento kay raven lahat ng ito ! kung magkikita pa kami ....

The Teenage DiaryWhere stories live. Discover now