Prologue
At dahil bakasyon na namin, inumpisahan ko ng mag-impake dahil papunta kami sa Sanchez kinabukasan.
"Anak, naka-impake ka na?" My Mom asked.
"Yes, Mom."
"Make sure wala kang maiiwan ha?" I nodded. She smiled.
"Dalawang buwan tayo don, sweetie." She said before leaving my room. I sighed. It's been a while.
Hanggang ngayon, Hindi ko pa rin ma- process ang lahat ng nangyari. Oo, I was hurt. I was in pain. I suffered a lot. But did he even care? Ilang buwan na ang nakalipas matapos mangyari lahat ng yon, pero hindi ko pa rin mapigilang ma-isip na paano kung di niya ako nakilala? Paano kung walang nangyaring sa umagang yon? Ako pa rin ba kaya yung sino ako ngayon?
I sighed. At least I reached him. But not as what I expected.
"Ah! Focus Ricia! Mag-impake ka na, maaga pa kayo bukas. Wala na yung pake." After all the pain he'd caused me, I'm still here. Umaasa pa rin ako.
Gabi na nung matapos ko ang pag-iimpake, kaya bumaba na ako para kumain ng dinner.
"Oh, already done?" Tanong ni Daddy nang makita niya akong bumaba.
"Opo, Dad." He smiled.
Umupo ako at nag-pray muna kami bago kumain.
"Are you excited to go there?" My Mom asked me. Hindi ko masabi kung normal pa bang tingin ni Mommy to, parang nanunukso.
"Of course, Mom. Namiss ko mga friends ko don. At finally, makikita ko na ulit sila." Excited kong sabi. My Dad laughed.
"Aba'y sure ka bang mga friends mo lang miss mo don?" Okay, he's teasing me. Syempre, sa friends kami nag-umpisa edi kasama na siya don. Charot.
Ricia ang rupok mo, nasaktan ka, tandaan mo yan.
"As you said." Dad still teasingly said.
Pagkatapos kumain ay pumunta na ulit ako sa kwarto. Tinignan ko kung wala ba akong naiwan. Umupo ako sa kama pagkatapos siguraduhing wala akong naiwan.
Medyo malayo siya sa bahay namin, it's too impossible to see him.
Stop it, Ricia!
Umiling nalang ako at kinuha ang cellphone ko sa table.
Nakatambay ako ngayon sa Facebook. Nags-scroll ng myday. While scrolling, biglang nagpakita myday niya sa'kin. He's playing basketball alone. Nasa malayo siyang pwesto at shinoot niya ang bola. Pasok.
Ngumiti ako ng konti. He really loves playing basketball. Naaalala ko nga noon kada game niya, gusto niya nandoon palagi ako. Tinuturuan pa nga niya ako kung papaano maglaro, kaso puro tawa lang ambag ko. Kaya tinatawanan niya nalang din ako. Alam kong magaling na siya noon, pero mas nag-improve pa siya. Pangarap nga niyang makapaglaro sa UAAP, at alam kong makakarating siya don. Isa ako sa mga naniniwala sakanya, Hanggang ngayon.
Pagkatapos kong nakita ang myday niya ay pinatay ko na ang cellphone ko at naisipang mag-shower na.
Pagkatapos, humiga na ako sa kama at natulog. Kinabukasan, nasa kotse na ang mga gamit namin. Naka ready na din ako. Lumabas na ako sa kwarto at dumiretso na sa kotse.
After many months, babalik na ako sa lugar kung saan ako nag-umpisa. I smiled to myself before entering the car.
Ilang minuto pa ay umalis na kami, Matagal-tagal ang byahe kaya napag-isipan kong matulog muna.
VOUS LISEZ
The Unreachable Star
Roman d'amourNaranasan niyo na bang mahulog sa taong imposibleng maging sayo? Kaya pinili mo nalang mahalin 'to sa malayo? Well, that's the case of Ricia Gail Vilanoma. Alam niyang imposibleng mapasakanya ang lalaki. That's why she's already contented from admi...
