Part 23

2.7K 126 6
                                    

CHAPTER 23

FREYA

"Anong gusto mong ulam natin bukas?"

Tanong ko kay Lawa habang nakasakay kame sa kotse nya. Hinatid nya kasi ako sa apartment at galing kami sa office nya.

"Baby...sa weekend ka nalang mag luto para makapag pahinga ka nalang ngayong gabi." Nakangiting sabi nya.

"Weekend?"

"Yup. Every weekend dapat magkasama pa rin tayo okay?" Bilin nya. Nasa tapat na kami ngayon ng aming apartment.

Madalas kasi, pinag babaon ko sya ng pagkain namin sa tanghalian. Minsan naman, nag oorder lang kami pero pansin ko kasi mas napapadami ang kain nya pag ako ang nagluto ng ulam. Sa umaga naman kapag sinusundo nya ako, nakikikain na rin sya sa bahay. Minsan, sya na rin ang nag dadala ng agahan namin lalo pag may request sa kanya si Alice.

"Sige. Ingat ka pauwi ah. Mag text ka pag nasa condo ka na." Bilin ko dito habang tinatanggal ang seatbelt ko at naghahanda nang bumaba ng sasakyan.

"I will." Sagot nya habang nakangiti at nakatingin sakin.

"Sige baba na ko." Hinawakan ko na ang handle para buksan ang pinto ng sasakyan pero bigla itong nag lock kaya napatingin ako sa kanya.

"You forgot my kiss." Sabi nya sabay lapit.

Napangiti naman ako at hinila na rin sya sa batok at hinalikan sa labi. Mga ilang segundo rin kaming nag kiss bago nakangiting nag hiwalay.

"Derecho uwi na sa condo ha? Baka mambabae ka pa nyan! Naku Lawa!" Bilin ko dito.

"Of course not. Magpahinga ka na ha. See you tomorrow baby." Bilin din nya.

Ganito kami this passed days. Mas lalo kaming naging close, sweet at clingy sa isa't isa. Pareho naming sinisigurado na safe at maayos ang isa. In short, we are taking care of each other. Kahit naman ako ang manliligaw dito eh hindi naman nagpapatalo si Lake.

Tulad kanina, nagpahatid sya ng coffee sakin with slice of velvet cake pa. That time, nasa meeting sya but still, she's making sure na nakakapag meryenda ako ng maayos.

Everyday, halos hinahatid nya ako, at sinusundo sa umaga. At twing hapon, ganito ang tagpo namin, parang ayaw pa naming mag hiwalay kahit magkikita pa naman kami kinabukasan at ayun nga, gusto nya pag weekend magkasama pa rin kami.

_____

"Sigurado ka ba Lawa?" Tanong ko sa kanya habang pauwi kami ngayon sa apartment namin ni Alice. Doon kasi kame mag i-spend ng weekend. Wala rin kasi si Alice sa bahay ngayon dahil may outing ang school nila. Bukas pa sya uuwi kaya solo namin ni Lawa ang munti naming apartment.

"Sure na sure."

Napangiwi naman ako sa sagot nya. Hindi ko naman ikinakahiya ang pagiging mahirap pero knowing Lake, alam kong sanay sya sa komportableng pamumuhay. Baka mamaya mangati sya pag kinagat ng surot sa apartment namin. Hay Lawa, hindi ko na alam ang gagawin ko para lang alagaan at maging komportable ka palagi.

Dati naman eh wala akong pakialam.

"Akin na bag mo."

Binigay naman nya sakin ang bag na naglalaman ng damit nya pamalit. Ako na ang nag hanap doon ng damit na ipapamalit nya. Pag kasi sya ang naghanap, for sure gugulo lang ang lahat ng damit at hindi rin naman nya aayusin.

"Oh, magbihis ka na muna. Tas tulungan mo akong mag hiwa ng mga gulay na iluluto natin." Iniabot ko sa kanya ang napili kong damit na susuotin nya.

Pilya naman syang napangiti sakin habang hawak ang damit na iniabot ko.

Lake (Gxg) (Completed)Where stories live. Discover now