"Okay Finley, Freya and I have a special date." Saka ko ulit inakbayan si Freya na naninigas na ang katawan dahil hindi sya komportable sa sitwasyon. "And I dont think there's a need for us to talk. So if you'll excuse us, may importante pa kasi kaming gagawin." I told her.

Hurt and sadness was written on Finley's eyes nung muli nyang tignan si Freya na kanina lang ay halos hindi manlang nya pagtuunan ng pansin nung ipakilala ko sila sa isat isa.

"Ganon ba. Can you atleast give me your number nalang? So we can schedule--"

"Nathalia, please contact my secretary kung gusto mo ng appointment. Abala akong tao so please, excuse us." I sound so rude right now pero hindi na rin kasi ako komportable. I dont want her to penetrate my system again.

No, I dont want her in my life.

Not again.

Not anymore.

"Let's go, baby." Sabi ko sa katabi ko at hinalikan ko pa talaga ang kanyang sentido. Saka kami naglakad palayo sa mag-ina na alam kong nakatanaw pa rin samin ni Freya.

Ngayon, nandito na kami sa grocery. Ako ang may hawak ng cart, si Freya ang lagay ng lagay ng kung ano ano. Para namang sya ang magbabayad.

"Lawa, anong gusto mong pagkain natin mamaya? Ipagluluto kita." Masaya nyang sabi. Actually, napansin kong hindi manlang sya nagtanong tungkol sa eksena kanina. Mas lalo nga syang naging sweet sakin.

Pag nagkakalakad kame, naka sabit ang kamay nya sa braso ko. Para tuloy kaming totoong mag jowa o daig pa yata namin ang mag asawa.

I smiled while staring at her. Nakangiti sya habang binabasa ang mga label ng mga inilalagay nya sa cart namin. It's as if alam na alam at kabisado nya ang lahat ng mga laman ng groceries, kung ano ang okay at kung ano ang hindi. Something na hindi ko yata matututunan dahil mas pipiliin ko nalang mag order nalang sa resto o magpaluto sa chef ko.

"Yung niluto mo para kag Blaze dati, ano na tawag don?" I asked her.

"Ah kare-kare." Saad nya. "Sure, tara dito, may bibilin tayong mga rekado."

Naglakad na sya palayo at napailing nalang akong nag tulak ng cart para sundan sya. Napapagod ako at nahihilo sa totoo lang kasi ikot lang kami ng ikot. Hindi lang kasi gamit sa kusina ang binili nya kundi kung ano ano pang gamit sa condo ko tulad ng panlinis ng bahay at battery ng remote na ubos na rin pala.

Sometimes I wonder, ang sarap nya sigurong maging asawa? Yung hindi ko na sya papapasukin sa office, at wala na syang ibang poproblemahin kundi alagaan at ibigay ang pangangailangan ko. In return, I'll do the same to her too.

"Freya, doblehin mo na yung mga binibili natin. Para meron na rin kayong stocks ni Alice sa bahay nyo." Sabi ko sa kanya.

"Di na, keri na namin yan. May budget naman kami para samin." Tanggi nito sakin.

Actually, dati ko pa nga ito gustong gawin, yung ipag dala ko sya ng mga groceries sa bahay lalo nung wala pa syang trabaho. Kaso hindi naman kasi ako marunong pumili ng mga bibilhin saka isa pa, nahihiya ako kasi baka kung ano ang isipin nya.

"Sige na Freya. Kesa mamili pa kayo ng bukod, tapos mag tataxi pa kayo? Ang hassle pa non. Bilhin mo na ngayon ang mga kaylangan nyo total nandito na tayo at may sasakyan naman tayo." Pagpipilit ko ba.

"Sige, pero yung importante lang kuhanin ko." Sabi nya. Napangiti nalang ako, ang cute ni Freya lalo pag nahihiya. Hindi talaga sya tulad ng ibang babae na pasimpleng mapanamantala pag dating sa pinansyal na bagay at magpapabili ng kung ano ano. Mapagbigay sya pero nahihiya sya pag binibigyan sya ng pabor. Eh napaka simple nga lang nito.

Lake (Gxg) (Completed)Where stories live. Discover now