Tuluyan na akong nakapasok sa loob. Inikot ko ang paningin, medyo makitid ang daan. Hindi malawak, pero ang daming pinto sa magkabilang gilid nitong tinatayuan kong hallway. At may isang pinto rin sa gitna, 'yon ang pinakamalaking pinto rito. Ramdam ko pa rin ang pagwawala ng puso ko na para bang mahuhulog na 'yon. Iyong mga pinto ay parang pinto ng elavator. Ang galing, 'di ba? Automatic kaya 'yon?

Huminga muna ako nang malalim bago ipinagpatuloy ulit ang paglalakad. Dahan dahan akong naglalakad papunta sa gitnang pinto nang biglang may humawak ng balikat ko mula sa likod ko. Napasigaw ako bigla't kaagad tiningnan kung sino 'yon.

"U—Uy?" nagtatakang tanong ko. Pinagmasdan ko siyang mabuti. Nakasuot siya ng pang-prince charming na outfit, color red and gold ang kulay. Pataas ang buhok niya na para bang ginel. Mayroon din siyang suot na color black eye patch. For sure isa 'to sa mga pumarada dun sa may school namin kanina. At for sure, schoolmate ko siya. Familiar din naman ang mukha niya, ka-batch ko 'to sigurado.

Nakatingin lang siya sa akin, isang mata lang ang kita ko sa kaniya dahil natatakpan ng eye patch na suot niya ang kabila niyang mata. Napaiwas tuloy ako ng tingin. Bakit kasi ganun siya tumingin? "Anong ginagawa mo rito?" tanong ko.

"Sa 'kin 'to."

Gulat akong napatingin sa kaniya nang sinabi niya 'yon. "Itong spaceship??"

Tumango siya sa tanong ko. Kaagad akong napailing sabay sabing, "Hindi 'to sa 'yo."

'Wag ka nang magsinungaling para lang makapunta rito. Tsk. Imposible naman kasing isang highschool student ang nag-ma-may-ari ng maganda spaceship na 'to, 'di ba?

"Sa 'kin," pilit pa niya.

"Hindi," sabi ko.

Tinitigan niya ako. Saka siya nagsalita ulit, "Sa 'kin."

Tinitigan ko rin siya't ginaya ang ekspresyon ng mukha niya. 'Yung tipong parang expressionless na poker face, sabay sinabi kong, "Hindi."

Muntik ko na ngang masabing, "Ka," buti na lang hindi ko nasabi 'yon. Baka kiligin bigla 'tong si kuya kapag sinabi ko 'yon, e.

Tinitigan niya lang ako saglit, saka naglakad papunta ro'n sa gitnang pinto. Aba, bastos, nag-uusap pa kami, e. Tapos tatalikuran ako bigla?

Kaagad ko siyang pinigilan. "Wait," pigil ko. Huminto naman siya sa paglalakad, pero nakatalikod pa rin siya sa akin. "Kung sa 'yo 'talaga 'tong spaceship, pwede i-spaceship tour mo ako?"

Hinarap niya ako.

"'Yung kumbaga—parang sa mga vlog na room tour," paglilinaw ko.

"Iaandar ko na 'to," sabi niya lang, saka naglakad ulit papunta ro'n sa gitnang pinto.

Napakunot-noo ako. Hah? Ano raw? Anong iaandar? Ito bang spaceship ang tinutukoy niya? Seryoso ba siya? Siya? I-d-drive 'tong spaceship?

"WAIT," pigil ko ulit. Ngayon, mas tunog desperada na. Huminto siya, pero nakatalikod pa rin siya sa akin.

"Sa 'yo ba talagang spaceship 'to?" taka kong tanong.

Tumingin siya sa gilid, ngayon side-view na lang ang kita ko sa kaniya. Saka siya tumango.

"E pa'no—I mean, paano ka nagkaroon ng spaceship?"

Mga ilang segundo rin ata 'yon bago niya ako tuluyang hinarap. Tinitigan niya ako saglit, saka sumagot, "Kay mama talaga 'to."

Tumango-tango ako. "E paano naman nagkaroon 'yung mama mo ng spaceship?"

Tinitigan niya ulit ako. Siguro iniisip nito na ang chismosa ko't puro tanong, pero kasi naninigurado lang naman ako kung nagsasabi talaga siya ng totoo. Sumagot siya, "Sa NASA siya nagtatrabaho dati."

Unknown UniverseWhere stories live. Discover now