Naalala ko nung drinawing ko 'to, ang desperate ko makapunta sa labas ng Earth. Nagpakahirap din ako mag-search tungkol dun, ah. At may nabasa kasi akong book na naka-drawing doon 'yung spaceship at ang ganda sa loob! May mga napanood din akong videos-wait, ano 'to? Throwback Thursday kahit 'di naman Thursday ngayon? O siguro, memories bring back.

Dati naisip ko na gumawa ng spaceship, pero ang imposible kaya no'n! Na-realize ko ngayon na bumili na lang. Ay 'yon ay kung may bilihan kaya ng spaceship dito sa Pilipinas?

Pero wow grabe talaga, makapag-isip at imagine naman ako wagas, ni wala nga akong bentsingko.

Gusto ko mag-participate sa World Astronomy Day. Gusto ko um-attend ng event sa araw na 'yon, bukod sa may mga Astronomy-related stuff doon, may mga cool na astronomer at astronomy enthusiast din. Ang kaso wala naman akong nababalitang event na gano'n dito. O kaya may kasama man lang mag-celebrate no'n, ilalabas namin ang telescope, or mag-v-visit ng planetarium at museum, or papanoorin namin ang "Cosmos" na documentary ni legendary king Carl Sagan. Gusto ko rin bilhin iyong libro.

Sini-celebrate siya semi-annually (Spring and Fall), Saturday between mid-April at mid-May sa mismong araw or bago ang first quarter moon.

Ngayong year May 7 at October 1 ang Astronomy Day. Cinelebrate ko mag-isa 'yon nung May 7-lagi naman. For sure i-si-celebrate ko rin mag-isa sa October 1. Actually, ayos lang naman mag-isa-sobrang ayos. Kaso minsan, mapapaisip ka na lang talaga na sana may kasama ka man lang mag-celebrate.

Isinandal ko na lang ulit ang ulo ko sa bintana ng classroom at tiningnan ang magandang langit. Siguro mukha lang akong simpleng taong tumitingin sa langit, pero deep inside ang dami nang nabubuong theories sa utak ko-ang dami ko nang naiisip, at na-i-imagine. 'Yung tipong parang nasa ibang mundo ako. At ang saya.

"U-Uy!"

"Oh?" Napalingon ako sa seatmate at friend kong si Ann nung tinawag niya ako. Parang namumutla ang mukha niya na nahihiya, tipong hindi maipinta. "Bakit?" tanong ko pa.

"Kanina ka pa tinatawag ni ma'am!" bulong niya. At-boom. Napalingon ako bigla sa harap. Nandoon ang teacher namin, masama ang tingin niya sa akin ngayon. Napalunok ako ng laway. Ramdam kong nasa akin ang spotlight, tipong halos lahat ng classmates ko nakatingin sa akin. Tapos ang iba ko namang classmates, hindi ako tinitingnan kasi sila na 'yung nahihiya para sa 'kin.

"O, Concepcion? May nakita ka bang pogi riyan sa labas at nakatulala ka?" masungit na sabi ni ma'am, dahilan kung bakit natawa ang mga classmates ko.

Ramdam ko ang malakas na tibok ng puso ko na para bang sasabog na anumang oras. Sa sitwasyon ko ngayon, hinihiling ko na lang talaga na sana lamunin ako ng lupa. Gusto kong pumikit sa kahihiyan, pero sige. Go on with the flow tayo.

Tumayo ako. "How I wish po, ma'am. Pero wala," makapal na mukhang sabi ko, dahilan kung bakit natawa na naman ang mga kaklase ko.

Sa isip isip ko, grabe. Dahil first grading na first grading, medyo kakaumpisa palang ng klase-tapos ganito agad.

"ABA, E, KANINA PA KITA TINATAWAG!" galit na usal niya, parang yumanig bigla ang buong kaluluwa ko dahil doon. Sobrang nakakakaba't nakakatakot talaga si ma'am. Siya 'yung type ng teacher namin na hindi nakikipag-friends sa mga students niya. Basta, terror teacher siya! Kapag nagturo siya, asahan mong tahimik lahat at ni walang isang ingay dahil kung meron siyang marinig, tatawagin ka niya para mag-recite. The worst, ipapahiya ka niya.

"S-Sorry po," nakayukong sabi ko.

"What is tectonic plate?"

Lumiwanag bigla ang mukha ko dahil sa tanong na 'yon ni ma'am. Taas-noo akong sumagot, "Tectonic plate is a massive slab of solid rock made up of Earth's lithosphere."

Unknown UniverseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon