"Do you want me to search about him?" Tumango ako. "Hindi ba dapat kay Link ka humingi ng tulong dahil siya ang maraming alam? Pero dahil ako ang nilapitan mo, I'll help. May I know kung anong ebisensya niyo ngayon?"

"Video. Pumatay ng isang lalaki, siya mismo ang bumaril ngunit hindi makita ang mukha dahil may takip. Itong video lang talaga ng witness ang ebidensya."

Napahinga siya nang malalim. "Kung gagawa kayo ng kilos, huwag kayong magpahaha-"

"God, Gio, I'm policeman. Alam ko 'yan."

Napasimangot siya sa aking sagot. "Protektahan niyo ang witnes-"

"Alam ko rin 'yan."

"Maghanap muna kayo ng ebiden-"

"Alam ko rin 'yan kaya nga kasama kita ngayon."

Muli siyang bumuga ng hangin. "Find a good prosecuto-"

"Alam ko rin 'yan. Walang prosecutor sa ating magkakaibigan. Ayokong kumuha ng iba. Wala akong tiwala dahil baka mas kumampi pa iyon sa kalaban. Well, uso ngayon 'yon."

Sumandal siya siya upuan at humalukipkip. Tinaas niya ang kanang kilay niya. "Maghanap ka ng sikat na prosecutor. Kung gagaguhin kayo, maaring masira ang kaniyang pangala-No, may kilala ako based on my research."

Nilalagok ko ang kape kahit mainit ito. Habang ginagawa 'yon, nakatingin ako kay Gio. "Sino naman?"

"There's only one person we know who's interested in intervening in the incident. He knows everything. He could prove everything he knew."

Nang maubos ko ang kape. Kinain ko lahat ng buo ang cake. "Sino?"

Kita ko ang reaksyon niyang nasusuya sa akin dahil sa maging galaw. Perpekto ito. "Hindi ka naman nagtatraing 'no? Ganiyan ba kumain ang pulis kapag gutom?" Napaikot siya ng mga mata. "Dominic Carter. He's a prosecutor now in America."

"Papauwiin ko pa ang ta-"

Hindi natapos ang pagsasalita ko nang malakas na tumunog ang aking selpon dahilan para maistorbo ang ibang malapit sa amin. Humingi muna ako ng pasensya bago ito sagutin. Istorbo, kitang nag-uusap kami.

"What, Anissa?" Tutok na tutok ang tingin sa akin ni Teacher Morales nang marinig ang pangalan ng aking ex-girlfriend.

"Uhm, Thrale. Hindi ka ba busy? Alam ko naman kung anong araw ang off duty mo kaya tinawagan kita. Mahigit thirty minutes na kasi akong naghihintay dito sa waiting shed pero wala pa rin akong taxi na masakyan. Kapag ganitong oras, mahirap talaga sumakay. Can you pick me up here? If you're busy, ayos lang na huwag."

"Hindi naman." Tumingin ako sa wrist watch ko. "I'll pick you on six o'clock. Is it okay?"

"Yes, salamat. I'll wait here."

Binaba ko na ang tawag at humarap kay Gio na naghihiwa ng cake. Kalmado siyang nagsalita. "Pati pala trabaho ni Anissa ay alam mo. Alam mo kung saan siya nagtatrabaho. Araw-araw mo bang pinupunta? Nagdadate ba kayo? Nakuha niyang magpasundo kasi alam niyang susunduin mo siya? Alam ko namang may pinagsamahan kayo. Normal lang na magkaroon ng closure. Ilang taon na ang nakalipas nang magkaayos kayo. Hindi ka nagkukwento tungkol sa babae kaya medyo nagulat ako ngayon. My questions, ano nga ba? Balikan sa isa't isa? Susuporta naman ako dahil maayos talagang babae si Anissa."

Nilagay ko sa bulsa ko ang selpon. Maayos ang mukha kong tumingin sa kaniya. "We're just friends," sagot ko rito. "Bakit mo natanong?"

Dahan-dahan siyang umiling. "Wala naman..." Sumimsim siya ng kape at ngumiti ng pilit. "Baka kasi may nakakalimutan ka."

Loving My Brother #2: Who's Thrizel?Where stories live. Discover now