Buhay pa pala 'tong si Kelly, kala ko namayapa na dahil ilang araw hindi napasok at hindi nag paramdam. Tutal wala naman akong ginagawa ngayon, mapuntahan nalang sya.

Naligo naman ako agad at nag suot ng simple lang, hindi ko dapat pag handaan masyado si Kelly dahil nobody naman sya. Kinuha ko naman yung susi ng motor ko, ready na akong sakyan ang baby ko na ER-6f, pinaayos kasi ni Mommy yung kotse ko dahil nasira ito nung ginamit nya. Mang hihiram na nga lang maninira pa-keme.

Agad ko namang pinaandar yung motor ko, buti nalang wala masyadong traffic kaya mabilis akong nakarating sa pupuntahan ko. Hindi ko alam kung saan yung bahay nya dito dahil masyadong maraming bahay at tao ang nakapaligid, halos pinag titinginan na nga ako, syempre ikaw ba naman makakita ng maganda.

"Sir?" Tawag ko sa lalaking nag lalakad.

"Bakit po?" Tanong nito at lumapit saakin.

"May kilala po ba kayong Kelly Martinez?" Tanong ko at agad naman itong tumango.

"Anak ba ni Aling Cecilia?" Tumango naman ako kahit hindi ko ito kilala, bahala na.

"Deretso ka lang boss tapos kumaliwa ka, pag may nakita kang stall ng chicken dun, doon yun mismo" turo nya at agad naman akong kumuha ng 500 sa wallet.

"Eto kuya, salamat" inabot ko sa kanya at agad namang nag pasalamat ito, tsaka pinatakbo yung motor ko.

Natanaw ko nanan yung stall na sinasabi ni kuya at maraming tao doon na nakapila. Agad ko namang pinarada yung motor ko malapit sa stall at hinubad ang helmet ko tsaka ako nag lakad papunta roon. Nakita ko naman si Kelly na nag titinda doon, her chicken smells good kaya, masarap siguro ito kaya maraming tao ang nakapila.

"Isa nga" bili ko habang sya ay busy sa pag piprito.

"May pila" mataray na tugon nya, ganto ba 'to mag tinda ang taray.

"Bilhin ko lahat yan" umangat nanan ang tingin nya saakin at inirapan nya lang ako.

"Tanga ka, kita mong daming nabili. Manahimik ka muna dyan dun ka dulo" utos nya and I pouted.

"Nak, ako na muna dyan" lumabas naman yung isang babae na hindi masyadong ka edadan.

"Ayos lang ho" sabi naman ni Kelly and her mother just shake her head.

"Ano sayo iha?" Tanong naman nito.

"Sabi ko po bibilhin ko na lahat pero nagagalit po anak nyo" I pouted Kelly glared at me.

"Wag mong pansinin yan Ma, monggoloid yan" inis na sabi ni Kelly na syang ikinatawa ko.

"Sino ka ulit iha?" Tanong nito and I smile.

"Alexies po, kaibigan ni Kelly" I was about to shake her hand pero tumanggi ito.

"Nako, ayos lang madumi yung kamay ko. Ako nga pala si Cecelia, nanay ni Kelly" I nodded and she look at Kelly.

"Alalayan mo muna yang kaibigan mo, ako na bahala rito, kanina ka pa dyan" sabi naman nito at agad tinapik si Kelly.

"Anong ginagawa mo rito?" Tanong nya.

"Baka kasi hindi ka na humihinga diba tsaka hindi ka pa rin pumapasok, hinahanap ka ni Mrs. Dizon" sabi ko na kinairap naman nya.

"Iniwan mo sa labas yung sasakyan mo?" Tanong nya at agad ko namang tinuro yung motor ko.

"Dito mo iparada sa harapan, baka mapagtripan yan" utos nya at napansin ko ngang may mga sumasakay na bata doon. Agad ko naman pinaalis yung mga bata in a nice way tsaka pinarada yung motor ko sa harap ng bahay nila.

"Bakit hindi ka pumapasok?" Inalok naman nya ako nya ako ng upuan.

"Nung hinatid nyo ako ni Ma'am dito, inatake ng high blood si Mama kaya kailangan kong mag stay para maalagaan sya tapos tinulungan ko na rin mag tinda para may pang maintenance sya" malungkot na sabi nya tsaka sya ngumiti.

OH! MY PROFESSORWhere stories live. Discover now