Thirteen

174 14 12
                                    

Yung mga pangalan dito, nagawa ko lang. May isa kasing picture na dun mo malalaman korean name mo. Dun ko nakuha pangalan nung fiancee ni Tae tsaka yung iba pang pangalan. Huehue. Yung sa pangalan ng fiance ni Jung hee, nakuha ko sa kapitbahay namin. Hehehehe.
Soooo, yung feels niyo paki handa. Huehuehue. Vote & comment kayo after! Kamsahamnida.
————

[Taehyung]

Isang taon na ang nakalipas.. Fiancee ko pa rin itong babae na to. Alam na ng mga A.R.M.Ys yung tungkol sa dati kong relasyon kay Jungie at sa arranged marriage ko kay Ji Soo. Siya nga pala si Sung Ji Soo...

Tanggap naman ng mga ARMYs yung relasyon ko kay Jungie pero yung sa arranged marriage ko kay Ji Soo.. medyo.. uhh. Di nila masyado tanggap. Di naman daw kasi namin mahal yung isa't isa kaya di nila accept.

Kahit isang taon na kami magkahiwalay ni Jung hee, mahal ko pa rin siya. Siya pa rin gusto ko. Siya kaya? Mahal pa rin niya ba ko?

Nagpaplano kami ni Ji Soo para sa kasal namin— este ako pala. Ako lang nakikipag-usap sa mga organizers, di kasi pwede si Ji Soo. Yung mga inaasikaso ko yung tungkol kung saan gaganapin yung kasal, yung reception, itsura, singsing, bulaklak, kulay, damit, invitation at iba pa. Kausap ko yung mga organizers. Nakakapagod pala to.

"Noona, pano po yung sa damit ni Ji Soo?" Tanong ko.

"Ahh pupuntahan ko nalang siya sa bahay nila para dun."

"Sige po."

Hello, hello
hello, hello
Tell me what you want right now.
Hello, hello
hello, hello
Imma give to you girl right now.

"Hello?"

[Hi Taehyung oppa. Kamusta yung preparations?]

"Okay naman. May gusto ka bang kulay?"

[Gusto ko ng sky blue tapos white.]

"Ahh sige. Sure ka? Di ba gusto mo ng baby pink?"

[Oo. Malamig kasi sa mata tsaka bagay sa venue ng kasal.]

"Sabagay."

Venue kasi ng kasal namin sa may dagat. Yun kasi gusto ni Ji Soo, sa may dagat.

"May gusto ka pa ba?"

[Wala na.]

"Yung gown mo pala?"

[Pupuntahan nalang ako ni unnie Eun Yoo sa bahay mamaya kaya wag ka nang pumunta.]

"Ba't naman?"

[Para surprise! Gusto ko mapa-nganga ka sa gown ko. Di baaaaa?]

"Sige."

[Ibababa ko na to ah. Bye.]

"Sige bye."

"Taehyung-sshi, ito na ba lahat ng bibigyan ng invitations niyo?"

"Ah opo."

*Pop*
[From: Jin hyung]
[Taehyung, kapag tapos ka na sa dyan sa kung ano man ginagawa mo, punta ka na ng BigHit ah. Papractice tayo.]

[To: Jin hyung]
[Arrasseo, hyung.]

"Noona, okay na po ba?"

"Ah oo. Baka sa isang bukas, pwede nang makuha yung mga invitations tutal kaunti lang naman yung bibigyan."

"Sige po. Salamat. Aalis na po ako noona."

"Sige. Bye!"

Pumunta na ko ng BigHit.. Kinakabahan ako, putres. Sasabihin ko na kasi ngayon yung pagpapakasal namin ni Ji Soo. Yung magulang kasi namin! Kaasar. Iniisip ko magiging reaksyon nila hyung. Alam kasi nila matagal pa kasalan.

Pumasok na ko ng dance studio. Naabutan ko silang sumasayaw. Napatigil sila nung nakita ako.

"Oh Taehyung!"

"Hyung, okay ka lang?" Tanong sakin ni Jungkook.

"Ah.. oo.. Ano.. may sasabihin sana ako.."

"WALA NA KAYO NI JI SOO?! IBIG SABIHIN PWEDE NA KAYO NI JUNG HEE?? YAHOOOOOOO." Malakas na sabi ni Jin hyung. Masboto kasi siya kay Jung hee.

"Hindi hyung."

"Ay. Eh ano daw?" Tanong ni Namjoon hyung.

"Ikakasal na kami ni Ji Soo..."

3rd Person's POV

Natahimik ang lahat sa anunsyo ni Taehyung pero binasag ni Jimin yung katahimikan kasi naiilang siya.

"Uhh. Congrats Tae."

"S-salamat hyung."

"Akala ko ba matagal pa yan?" Seryosong tanong ni Jin. Ayaw niya pa kasing ipakasal mga kamiyembro niya kasi,malamang, maaari sila umalis sa grupo.

"Y-yung magulang kasi namin hyung.. Pinipilit na kaming ikasal." Nauutal na sabi ni Taehyung. Hindi kasi siya sanay sa sobrang seryosong Jin.

"Ge. Congrats. Sayaw na tayo."

Napatingin si Taehyung kay Jungkook na seryosong nakatingin sakanya.

"Jin hyung. Pwede bang mag-usap muna kami ni Tae-tae hyung?"

"Sige. Balik kayo agad."

Lumabas silang dalawa papunta sa isang open area pero walang tao.

"Hyung... Bakit?"

"Ha?"

"Hyung, ba't hindi mo pinaglaban relasyon niyo ni noona?"

"Jungkook.. Kasi.."

"Kasi ano hyung? Natatakot ka? Hindi mo kaya? Hyung sana hindi ko nalang kayo tinulungan!"

"A-ano?" Nagtatakang tanong ni Taehyung.

"HYUNG MAY GUSTO AKO KAY NOONA. MAGAAN ANG LOOB KO SAKANYA PERO HINDI KO NAMALAYAN NA NAHULOG NA PALA AKO SAKANYA. PERO HYUNG, KINALIMUTAN KO YUNG NARARAMDAMAN KO KAY NOONA KASI ALAM KONG HINDI AKO YUNG GUSTO'T MAHAL NIYA KUNDI IKAW KAYA TINULUNGAN KO KAYO PARA MAGKATAGPO KAYO NON. HYUNG, SANA HINDI KO NALANG KAYO TINULUNGAN PARA HINDI NA NANGYARI TO. KUNG GANITO LANG PALA MANGYAYARI HYUNG, SANA UMEKSENA NA KO PARA HINDI NA SIYA NASAKTAN NG GANON. SANA PINAGLABAN MO MANLANG KAHIT KAUNTI HYUNG. ALAM MO NAMAN HYUNG NA MAHAL NA MAHAL KA NIYA."

Napatigil si Taehyung sa mga sinabi niya.

[Taehyung]

May gusto siya kay Jungie.

"Hyung.. Sorry kung nataasan na kita ng boses. Halos sigaw na nga yun. Sorry hyung sa mga sinabi ko. Pero, lahat yun totoo, yung gusto ko si noona, gusto ko nang umeksena.. Sorry. Uhh. Sige hyung pasok na ko. Pasok ka na rin." Sabi ni Jungkook saka pumasok.

Nanatili lang ako sa pwesto ko.. Umiiyak.

Hindi ko naibaglaban relasyon namin ni Jung hee dahil sa takot sa kung anong mangyari..
Isa pang rason ay yung sa magulang ko. Masunurin ako sa mga magulang ko. Sinuway ko sila dati para maging trainee ako ng BigHit pero sabi ko sa sarili ko, hindi ko na ulit sila susuwayin kasi ayokong magmukhang nagrerebelde sakanila.

Naalala ko tuloy yung mga ginawa ni Jungkook para samin ni Jung hee para lang magtagpo kami pero ang pinakamalaking ginawa ni Jungkook para samin ay yung paglimot sa nararamdaman niya kay Jungie para lang sa relasyon namin. Siguro sobra siyang nasaktan kasi kinalimutan niya na nga nararamdaman niya para kay Jungie para lang sakin pero ito, magpapakasal ako kay Ji Soo...

Jungkook, Jung hee... Mianhe.

Mianhamnida..

———
May part dyan nabura pero naibalik ko pero masmaganda talaga yung pangalawa kong sinulat. Huhuhuhuhu. 2 beses kasi nagconflict tapos mali napindot ko kaya nabura. Sadlyf.
ㅠㅠ

Countdown na sa chapters!
LAST 3 CHAPTERS INCLUDING EPILOGUE!

WOWOWOWOWOWOW Pirst taym kong may matatapos na kong storya. Huehuehue. May bago naman ako. Hekhekhek. Ipopost ko yung bago pag may nagawa na kong book cover so stay tuned! hekhekhek.

Hi Taehyung OppaDär berättelser lever. Upptäck nu