Chapter five

12 0 0
                                    

Ibinaba ko ang bag sa upuan bago umupo at nilagay ang laptop sa mesa. I'm at a cafe right now and it's 2 in the afternoon. Hindi ko nga alam kung bakit pero hindi masyadong nag k-klase ngayon, siguro ay marami rin silang inaasikaso.

Lumabas ako ng university para dito ako sa cafe mag notes and mag review na rin. Malapit na kasi ulit yung test namin, and i'm sure mahihirapan ako kaunti dahil meron akong ilang topic na hindi naintindihan.

I opened my laptop before ordering some coffee from the counter. 

I'm not that often to spend my free time here, nataon lang sa mood ko na dito pumunta.

Panigurado kasi na mainit ang pwesto ko sa mini park kaya hindi na rin ako nag lakas loob na pumunta ron. When I got my order na, umupo na ulit ako sa pwesto ko. Nasa may glass ako pumwesto para madali lang makita ang mga taong dadaan pati na rin ang mga sasakyan.

I think habit ko na ang ganito, pu-pwesto sa gilid para kunyari mabilis makahanap ng inpirasyon ulit sa mga ginagawa pero ang ending ay tititigan ko lang lahat ng dadaan.

I shook my head and typed some important key's and clues na pwedeng lumabas sa test. 

*Your sacroiliac joint serve as shock absorbers while you're physically active*

I think next week na ang test dahil may specific days naman lagi yung test namin kaya naman ay inaagapan ko na ang pag re-review. Pero madalas ay marami parin ang nilalalagay ko na clues.

After an hour ay tumigil muna ako sa pag type at tinignan ang gc namin kung meron bang mag sasabi na bumalik sa university para bumati sa prof or may ipapagawa. Minsan kasi ay gan'on nalang ang nangyayari kapag hindi nakapag discuss.

Hale: Babalik ba?

Pagbukas ko ay iyan kaagad ang bumungad na message notification.

Hale: Guys paki sagot.

Muling pag send niya ng message nang i-seen lang namin siya. Hindi ko rin naman masasagot since wala pa ako sa univ.

Cheska: IDK, still not inside the campus pa.

reply naman ng isa ko pang kaklase. I barely know them because I don't socialize with them. Lagi lang akong nasa sulok o kaya ay mataray na mukha ang inihaharap ko sa kanila. 

Papatayin ko na sana ulit ang phone nang makita ko ang bagong message ni Hale.

Hale: Hbu Amora?

I almost panic when she mentioned my name.

I'm not inside too, nasa café ako but I'm near the university.

I can go back right now to check.

After sending my reply, I quickly clicked the 'x' button with word and saved the file before shutting my laptop down. I patiently waited for the laptop to fully shut down and slid it inside its bag. 

'Thankyou' ang naging reply ni Hale sa reply ko. I hope walang prof. 

Sumakay ako ng jeep at hindi rin nag tagal ay nakarating na rin ako sa harap ng univ kaya pumara na ako.

I walked as fast as I could. I entered the elevator and pressed our floor and waited for it to stop.

I checked my phone and no messages from anyone appeared so I just closed it again. Sakto naman na bumukas ang pinto ng elevator kaya agad rin akong lumabas at naglakad papunta sa room namin.

Her paradise [ON- GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon