Pagsuko ko. Ngayon lang naman. Medyo mabigat din talaga ang pakiramdam ko ngayon. Sobrang dami ng customers kanina kaya talagang wala kaming pahinga. Lalo na ang mga chefs.

"Susunduin na lang kita bukas para hindi na hassle," hindi ko na mapigilang mapanguso.

"Ano ba talagang ginagawa mo rito?" umarko ang kilay ko at hinuhulo siya sa sagot nito.

"I'm working," umirap ako.

"Tsk! Whatever!" sumakay na ako sa sasakyan niya at walang salita naman itong sumunod.

Tahimik kami sa buong biyahe dahil hindi talaga ako nagsasalita, ganun din ito. Wala naman akong sasabihin. At hindi ko alam kung bakit bigla akong naiinis sa kanya kahit wala naman siyang ibang ginagawa.

Sa pagpunta-punta niya sa restaurant at ang mga tingin nito na hindi man lang itinatago sa akin ay sobrang nakakabahala. Naguguluhan din ako sa mga kilos niya. Na para bang wala lang sa kanya ang mga nangyari noon.

Hindi pa kami nakakapag-usap tungkol sa nakaraan. At hindi ko alam kung kailan namin magagawa ang bagay na 'yon na hindi ako nagagalit sa kanya.

"Itabi mo na lang diyan," sabi ko.

"This is your... apartment?" nakatingin siya sa apartment ko at parang takang-taka pa.

"Of course, ano bang apartment ang nasa isip mo?" mabilis akong nakababa ng sasakyan niya at ganoon din naman ito.

"You can get more comfortable place to live, Milada. Bakit dito?" nakapamewang ito at seryoso ang ipinupukaw na tingin sa akin na para bang naiinis ito.

"I'm comfortable on my place, Amadeus. Ilang taon na akong nakatira dito. At 'tsaka pakialam mo ba?" umismid ako at binuksan ang maliit na gate.

"How much your rent on this apartment?" sumunod siya sa paglalakad sa akin at nagawa pang pumasok sa look ng bakuran.

"At bakit?" pinagtaasan ko siya ng kilay.

"I can find you a proper and comfortable place, Milada—"

"I can handle it. You don’t have to worry. Thank you for your concern but I don’t really need your help.” 

Seryoso kong sabi dito.

"Milada, I know things are still not okay between us. Yes, it is all in the past now. But I’m still looking for a chance to talk to you properly. To talk about what we’ve been left with.”

Naging isang panunuyo ang tono ng kanyang pananalita at ganoon na lang kalakas ang kabog ng dibdib ko sa hindi malamang dahilan. 

"Akala ko ba okay na tayo? We already talked before I left the Philippines. Kaya ano ito? Amadeus, if you want to talk, we will talk. But you know this is not the right time for the two of us. Baka mag-away lang tayo.” Naiiling kong sabi dito.

"I’ve always been committed to you.” 

Tinalikuran ko siya.

“Umuwi ka na, Amadeus.” 

“I know you’re still doubting, Milada. And Angel are still involve—”

“Don’t mention her name here, Amadeus.” Bawat salitang binitawan ko ay mayroong diin. “You know what, akala ko magiging okay ang lahat eh. Pero ang malaman kong lumalapit pa rin siya sa’yo noon kahit pa bago pa lang na tinapos natin ang kung anong meron sa atin, na siya ang naging dahilan ng pagdududa ko sa nararamdaman mo para sa akin… I quit, Amadeus. It feels like you really cheated on me.”

Secret GlancesOnde histórias criam vida. Descubra agora