Chapter 1

244 9 0
                                    


Despite being exhausted, Lyron still managed to smile widely and wave at his fans, after their three hour long concert. May isang taon na din ata simula noong una silang naipakilala sa publiko, at agad na sumikat. Ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala sa narating ng kanilang grupo.

"It's sad but we have to go now. Thank you so much our sunshines!!! We hope you enjoyed our concert, because we honestly did enjoy spending our time with you! Thank you for always staying beside us! This has been APOLLO!!"

Wyatt Park shouted while waving his hands energetically at the crowd. He is the eldest in their group, and of course their responsible and yet playful leader. Lyron Park is one of the vocalists of their group, and despite being the youngest, hindi maipagkakaila na isa siya ngayon sa pinaka magagaling na singers sa bansa.

Nakaramdam si Lyron ng sunod-sunod na pagtapik sa likod niya kaya naman agad siyang humarap sa kung sino mang tumatapik sa balikat nito. It was Axel Hamada, Lyron's closest friend in Apollo. Of course he is close to everyone else, but he feels way more comfortable around Axel most of the time, maybe because he's a chill and quiet person who knows when to have fun. 

"Bakit? Makatapik ka naman sa likod ko kala mo wala ng bukas", saad ni Lyron, saka niya itinulak ng bahagya sa braso si Axel, na muntik ikatumba nito dahil na din mas maliit ang katawan niya kaysa kay Lyron. "Tangina nito ang sakit na nga ng katawan ko manunulak ka pa! Ihulog kaya kita mula dito sa riser pababa?", pagbabanta ni Axel kay Lyron na ikinatawa ng binata.

"Tanga eh sa liit ng katawan mo aangasan mo ako ng ganyan? Eew pag hanggang salita lang naman ang kaya, itikom na lang bibig ha?", pabirong saad ni Lyron kay Axel. Agad naman siyang umiwas nang mapansin niya na akmang babatukan siya ng kaibigan, kaya nauwi na naman ito sa walang katapusan nilang pagkukulitan.

Afterwards, the group decided to have a victory party at a restaurant near their concert venue, together with some of their staffs. Napagod man pero hindi talaga nila maitatanggi na sobrang na enjoy nila ang concert, dahil na din sa mainit na pag suporta sa kanila ng kanilang mga fans na tinatawag nilang "sunshines". After nilang kumain, nag decide na din silang magsi-uwian. Hindi na din kasi sila ngayon magkakasama sa iisang bahay lang, dahil simula nung kumita na sila ay binigyan na din sila ng kanilang management ng kalayaan kung saan nila gustong tumira, as long as makakapasok sila on time.

Wyatt Park, Sebastian Kim, and Logan Bang, are all living in the same building but in different condo units. Meanwhile, Axel Hamada and Aiden Kanemoto decided to live with their parents again. Lyron wasn't able to get a unit on the same building as his other members, and he cannot also go back to his parent's house dahil sa probinsiya nakatira ang pamilya niya. Kaya naman, naisipan na lang niya kumuha ng condo unit sa building na pinakamalapit sa entertainment nila. Malas nga lang niya, medyo mas mahal ang bayad niya kumpara sa mga bayad nila Wyatt sa condo nila.

Okay na din sa kaniya 'yon, dahil bukod sa medyo malapit sa company nila eh madalas niya ding makasama si Axel at Aiden pauwi dahil pare-parehas sila ng dadaanan. "Hoy hintayin niyo ako ah, ihing-ihi na talaga kasi ako saglit lang 'to promise. Tangina subukan niyo akong iwan dito talaga", pagpapaalam ni Lyron kina Axel at Aiden. Silang tatlo na lang ang natirang members ng Apollo sa restaurant kasama ang iilan na lang na staffs na nahuling kumain kanina, dahil ang iba ay kanina pa nagsi-uwian.

"Oo na, bumalik ka agad ah, or else we'll really leave you here", pagbabanta ni Aiden. Sa totoo lang eh hindi naman talaga nila kayang iwanan si Lyron, minsan kasi naliligaw pa din ito kapag mag-isa siyang lumalabas. He doesn't really have a great sense of direction, kaya bilang kaibigan at nakakatanda eh hindi rin nila mapigilang mag-alala na baka isang araw bigla itong makarating kung saan-saan.

Dali-dali namang umalis si Lyron para umihi at ilang beses pa itong nagtanong kung saan ang restroom ng restaurant sa mga nakakasalubong niyang mga staffs. Pagkaraan ng ilang minuto eh nakarating din siya sa cr. "Oh thank god makakaihi na din ak—", napatigil ito sa pagsasalita ng makarinig ito ng boses mula sa loob ng cr. He suddenly started to hesitate on getting inside the restroom para umihi, dahil mukhang galit at may kaaway ata ang lalake sa loob.

"What do you mean? I already told you to fucking decline that. I don't wanna agree on their shitty proposal in exchange of their money", said by the person inside the room with a baritone voice. Lyron didn't really realized that he's already eavesdropping from their conversation, but he also doesn't get it, because he's only hearing the voice of the person inside the restroom . Tungkol lang din naman kasi sa pera ang narinig niya so far.

"Taray ah, inaayawan lang pera. Kung ayaw mo akin na lang", sa isip-isip ni Lyron habang nakikinig. Sa sobrang focused niya para maintindihan ang mga sinasabi ng lalake sa loob, eh hindi na niya namalayang napansin na siya nito. "Nevermind, I'll call you later", after the guy ended his phone call, he immediately stared at Lyron intently, which made the singer feel awkward. Not only because he got caught by the stranger, but because he doesn't know whether he'll start panicking out of nervousness or dahil nararamdaman na niya ang malapit na paglabas ng ihi niya.

"Ah.. haha sorry ano, iihi kasi ako pre.. ", Lyron stated awkwardly, while the other guy still kept his eyes fixated on Lyron's face, specifically at his cat like eyes. "He looks like a cat, lol", the taller thought, completely forgetting that the guy in front of him, heard what he have been saying inside the restroom. Though he knows he's at fault too. He knows that it's a public area, but he couldn't manage his frustrations at his manager anymore, regarding the proposal he's been offered with.

"Tell me what you heard..", he asked Lyron. He knows pretty damn well, that he'll be fucked up if people knew about his issue with the other entertainment, that has been offering him a collaboration project in exchange of some money. So he can't really afford having it known to the public. "Ah.. ano wala naman pre promise.. yung sa pe— I mean.. naiihi na kasi ako paihiin mo muna ako, please lang..", kinakabahang sagot ni Lyron. Muntikan pa siyang madulas, pero totoo naman kasing tungkol sa pera lang ang narinig niyang pinag-uusapan nila kanina.

Nataranta naman si Lyron nung mas lalong lumapit sa kaniya ang lalake habang nakatitig pa din ito sa mata niya. So sobrang lapit nila sa isa't-isa eh mukha na silang naghahalikan kung titignan sa malayuan. "In fairness kay kuya ang ganda ng mata, pogi din. Bukod doon, gago ang bango ng gamit niyang pabango ano kayang brand yun? Saka yung boses niya ang lalim, kainggit", saad ni Lyron sa kaniyang isipan. Napatigil naman sa paglapit sa kaniya ang lalake nung biglang mag ring ang phone nito.

"Tsk, go ahead and pee. I'll talk to you later, and don't you dare runaway from me, we're not done yet", madiin na pagbabanta ng lalake sa kaniya. Dali-dali namang nagpunta si Lyron sa isang cubicle para umihi. Sa hindi malamang dahilan, pakiramdam ni Lyron ay nakita na niya ang lalake noon. Then reality slapped him, when he suddenly realized that it was actually Sirius Watanabe. One of the promising actors from Aspire Entertainment, and he's currently one of the most famous young actors in the industry. 

"Hala gago ka Ly, dapat pala pinigil ko na lang ihi ko hanggang condo. Lalabas na ba ako ng cubicle o hindi pa? Tanginang yan, baka mamaya mag ka issue pa kami eh mahirap na", pakikipag debate niya sa sarili niyang utak ng ilang minuto sa loob ng cubicle. Natigil lamang siya sa pag-iisip noong may narinig siyang kumakatok. He was hesitant to open the door at first, thinking that it might be the actor Watanabe, but to his surprise, an annoyed Axel Hamada appeared before him.

"Kung plano mo pala magkulong diyan sa cubicle, sana sinabihan mo kami! Lalabas ka diyan o ifu-flush kitang kupal ka?", wala na din namang nagawa si Lyron ng hilahin siya palabas ni Axel. At first he was afraid, but as they walked further away from the restroom, there were no traces of Sirius Watanabe anymore.

He felt relieved, but at the same time he was disappointed to find out that the actor didn't actually waited for him, but why should he care about it now? He just hopes that he won't encounter the guy again, because who knows what Sirius Watanabe might do to him if so.

Betelgeuse | HaJeongwoo (Treasure) AU (EDITING)Where stories live. Discover now