Binibini

65 10 10
                                    

(A/N): This fanfic is inspired by our uni's stigma. Where in homosexual couples aren't allowed to dance sa prom. Tagalog slangs are included. Oh and the theme song is Binibini by Zack Tabudlo. I also did a cover (shameless plug). This is my cover link: https://vt.tiktok.com/ZSd5qaU7V/. Ito naman 'yong sa original: https://youtu.be/INvHma-qltE. May signal naman ako sa baba kung kailan n'yo na patutugtugin.

This is my first attempt sa pagsusulat in Filipino. So yeah, please bear with me hehe.

Enjoy reading! 🖤


Sa isang malaking espayo ng isang unibersidad, may mga ilaw na maligalig at patay-sindi. Mayroon ding mga speakers na nagpapatugtog ng mga mahinahong kanta. Bukod pa riyan, mala-fairytale ang disenyo ng lugar. Mula sa dekurasyon ng mga tables with candlelight at mga upuan na nababalot ng puting tela, sa red carpet na nakalatag sa gitna, sa mga bulaklak na kulay pula at rosas na nagkalat sa paligid, at sa chandelier na nakabitin sa itaas. Isang event ang magaganap sa loob ng tatlumpung minuto, kung kaya't abala ang ilang estudyante sa pag-check sa venue.

Dahil isang promenade ang magaganap mamaya.

Ang event na pinakaiintay ng lahat bago ang kanilang graduation. Ang event na talagang pinaghandaan ng mga estudyante, staffs ng unibersidad, at ng mga propesor. Ang event kung saan ang lahat ng nasa ikaapat na taon ng kanilang kinuhang kurso ay magtitipon upang magsaya at gumawa ng alaala sa huling taon ng kanilang pamamalagi sa unibersidad. Masaya na malungkot ang event na ito. Masaya sapagakat maaaring mong isayaw ang isang tao na iyong hinahangaan o kaya ang iyong irog. Bukod pa riyan, kadalasan ng mga requirements na kailangang ipasa, mga pagsusulit, at laboratory activities ay mauusod ang deadline. In short, walang klase. Malungkot din dahil ito na ang huling pagsasama mo at ng iyong mga kaklase at ilang propesor. Mga taong itinuri mong kaibigan, kapatid, at pamilya sa nagdaang apat na taong pamamalagi sa unibersidad. At hindi rin mawawala ang mga taong iiwan mo dahil graduate ka na.

"Sound check! Sound check!"

Sigaw ng isang estudyante habang hawak n'ya ang microphone. Isang thumbs up naman ang kanyang natanggap sa isang estudyante na nagkakalikot sa sound system ng venue.

"Presi!" (A/N: short for president.)

Isang babae na kulay pula ang buhok ang tumatakbo papunta sa stage ng venue. Ang palda ng kanyang pulang gown ay sumasayaw sa hangin. Nang makarating na s'ya sa entablado, kanyang ibinigay ang bitbit n'yang clipboard sa lalaking nakatayo rito.

"Maraming salamat, Rosalyn."

Ang lalaking nakatayo sa entablado, kung saan tanaw n'ya ang kabuoan ng venue ay marahang tinanggap ang clipboard kay Rosalyn. Kanyang tinignan ang checklist na nasa clipboard. Isang marahang tango ang kanyang ginawa ng puro tsek ito. Maayos na ang sound systems at lights pati na rin ang mga tables. Wala na ring isyu sa disenyo ng venue at sa catering. Kung gayon, maari nang simulan ang event.

Binuksan na ang malaking pinto ng closed gym at pumasok na ang mga estudyante. Excited nilang ibinaladra ang kanilang mga iba't ibang gown at ayos na mala-prinsesa habang rumarampa sa red carpet hawak ang kanilang mga partner na mala-prinsipe ang ayos. 'Yong iba may nalalaman pang pa-crown sa kanilang mga ulo. Ang mga babae ay nakalingkis ang kamay sa kanilang partner at may rose ribbons sa kanilang mga kamay. Ang kulay ng lasong nakatali sa kanilang mga kamay ay kakulay ng suot o kaya kakulay ng buhok at mata ng kanilang mga partner. Just to identify that you are his partner. Nagniningning ang gabing iyon dahil abot langit ang kanilang mga ngiti na sinabayan pa ng malambing na musika sa kanilang bawat hakbang sa red carpet patungo sa kanilang kanya-kanyang table. May pa-fog effect pa ang venue, bongga 'di ba? Sanaol.

Nang matapos ang pagrampa ng mga estudyante, sumunod na pumasok ang mga propesor na talagang kinareer din ang pag-aayos. Huli namang pumasok ang mga miyembro ng student council.

BinibiniWhere stories live. Discover now