“You have a crush on her?”
He nodded. “Pero hindi ‘yon ang mahalaga ngayon. Ang mahalaga ay ikaw, James. If I were you, I would stay away from the things and people that don’t help me grow and get better. Alam kong girlfriend mo si Trixie, at ayoko rin sanang manghimasok, pero James … hindi pa huli ang lahat para makipaghiwalay ka sa kanya. Layuan mo na siya habang may pagkakataon ka pa.”
“How did you know that we’re a thing?”
“James, kalat na ‘yon sa school, pati ang chismis na may nangyari sa inyo.”
“What?” Sinubukan kong hinaan ang aking boses kahit gulat na gulat ako. “Paano nangyari ‘yon? Sino ang nagkalat?”
He shrugged. "I don’t know. But it doesn’t matter ‘cause it already spread. May nangyari man sa inyo o wala, it doesn’t matter. Nangyari na ang nangyari. What matters is the present and what you’re gonna do. Nagkamali ka na noong nakipagrelasyon ka sa kanya, huwag mong hayaang magpatuloy ito.”
“Nagkamali? Isa bang pagkakamali ang makipagrelasyon sa babaing mahal mo?”
“Mahal mo ba talaga siya? How did you know? Does she make you happy? Nakatutulong ba siya para maging better person ka? Kasi kabaligtaran ang nakikita ko, James. You don’t look happy and honestly, you’re getting worse.”
Bigla nagsalita ang aming teacher. “If you’re done, ipasa n’yo na ang papers ninyo at pwede na kayong mag-break.”
He stood up. "Think about it, James.” He patted me on the shoulder and gave me a smile. “Nagtitiwala ako sa ‘yo at naniniwala akong pipiliin mong gawin kung ano ang makabubuti para sa ‘yo.” Then he walked away.
Lumabas ako at nagsimulang maglakad papunta sa canteen nang bigla akong may natanggap na message. Kinuha ko ang aking cellphone at binasa ang mensahe. It was from Trixie.
‘James, masakit ang ulo ko. Nag-ober da bakod ako, pwede bang samahan mo akong umuwi?’
Kumunot ang aking noo. Kung masakit ang ulo niya, bakit hindi na lang niya ‘yon ipinaalam sa adviser nila at nag-excuse? Bakit mas pinili niyang i-break ang isa sa rules dito sa school. Kahit nagtataka’y pinili ko pa ring puntahan siya.
‘Hintayin mo ako, papunta na ako.’
Ginawa ko ang lahat upang walang makakita o makapansin man lang sa gagawin ko. Pumunta ako sa tagong lugar kung saan walang makakakita sa akin na nag-o-ober da bakod. ‘Yon ang pinakaunang pagkakataon na ginawa ko ‘yon, na kahit kailan ay hindi ko naisip na magagawa ko.
“Aray!” sabi ko habang nakahawak sa aking ulo. Dahil kasi sa pagmamadali ko at kakatingin ko sa paligid habang umaakyat ako sa bakod at dahil na rin sa biglaan kong pagtalon, hindi naging maganda ang pagbagsak ko. May natapakan pa akong malaking bato kaya’t hindi ako naka-balanse at nasaktan ako.
“Hahaha!”
I lifted my head and looked at where the laughter was coming from. And I saw three boys who were giving me disgusting looks while laughing. ‘Tapos napunta sa isang babae ang aking paningin. It was Trixie. Nakangisi siya, mukhang pinipigilan ang kanyang sarili mula sa pagtawa.
Kahit masakit ang aking paa at katawan, pinilit ko pa ring tumayo. Pinilit ko ring huwag silang sigawan kahit gustong-gusto ko nang gawin ‘yon.
YOU ARE READING
Forever with You (Under Editing And Revision)
RomanceForever With You Written By: GoddessTheophania "They say, forever doesn't exist. No, it does. Forever exists ... beside you. So, let me stay forever with you." Nasa elementary school pa lang silang dalawa, nagtapat na ng nararamdaman si Stephanie...
Chapter 17: Troubles, Troubles
Start from the beginning
