Valentines Story (Complete Series)

5.8K 47 5
                                    

PROLOGUE..

"Malapit na ang Valentines, tayo, malungkot at bitter pa din."

Sabi ni Raine sa apat nyang kaibigan.

"Sira. Ang martir mo kasi. Ex mo, tapus naging bestfriend. Kung di ka ba naman kasi loka loka."

Sabay dilat ng mata.

"Wow! nag salita ang babaeng nag papakandarapa para lang mapansin ng taong mahal nya. Wag mo nga kaming sina-psycho Andy."

Sabi naman ni Lorae.

"Alam mo Lorae, palibhasa kasi manhater ka. Wag mo nga kaming idamay." -Raine

"May manhater bang inlove?" -Lorae

"Hmmm, siguro? ikaw?"

Pang aasar ni Andy sa kaibigan.

"Haysssss. Ang problema ko nga, pinipilit ako ni mommy at daddy na makipag date dun sa anak ng business associates nila. Kung may boyfriend daw ako na maipapakilala, di na daw nila ko pipilitin. Eh ang taong gusto ko naman, hayssss, di na ata available."

Pabuntong buntong hiningang sabi ni Nerryl.

Sabay sabay na napahalumbaba ang apat na mag kakaibigan sa isang bilog na mesa sa kiosk na tinatambayan nila sa school.

(c) Eilramisu

Valentine's Story (Complete Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon