"Ako" sabi ko tsaka sya bumanat ng tanong nya.

"..nagtanong?" dagdag nya tsaka ko sya inirapan.

"Bakit wala pa yun?" Tanong nya, alam ko namang si Ali ang pinupunto nya pero gusto ko syang bawian.

"Sino?" tanong ko tsaka nya tinuro yung bakanteng upuan sa gilid ko.

"...kausap mo?" dagdag ko at akmang hahampasin nya sana ako pero bigla namang dumating yung Prof. namin.

"Good morning Ms. Lavigne" sabay sabay na sabi ng mga classmates ko. I stare at her, seryoso yung mukha nya habang bitbit ang mga papel at laptop nya. She's wearing a simple Chiffon Dress habang ang kanyang mga buhok ay hindi nakatali.

"Morning" maikling sagot nya at agad nyang nilagay yung gamit nya sa may table.

"Seasonal siguro yung style ng damit at buhok ni Ma'am" mahinang tumawa naman si Kelly at hinampas ko sya.

"Marinig ka nyan" sabi ko at mahinang tumawa.

"Pansinin mo kasi, Last week more on blazer sya, mala professional ang dating tapos yung buhok nya nakatali" sabi nya pa then I pressed my both lips.

"Bukas naka dress ulet yang si Ma'am tapos naka lugay buhok, 1 week syang ganyan. Pustahan pa tayo" sabi nya at mahina ko namang sinipa ang paa nya. Pag talaga nahuli kami ni Ma'am na pinag uusapan, malilintikan talaga kami.

"We have a graded recitation today" sabi nya naman na ikinabigla ng lahat. Wala naman syang sinabi na mag gaganyan kami.

"Ma'am pero wala po kayong sinabi na-" pinutol agad ni Ma'am ang sasabihin nung kaklase ko.

"If you study you can answer all my questions" sabi naman ni Ma'am, mukhang wala na naman sya sa mood.

"Ma'am, pwede po ba 10 minutes review?" sabi pa nung kaklase ko at tinignan lang sya ni Ma'am. Kinuha ni Ma'am yung index paper na pinagawa saamin last week. Nakalimutan ko mag dala ng 1x1 picture ko.

"Bautista" tawag nya agad sa kaklase ko kaya agad naman itong tumayo.

"M-Miss" kabadong sabi nya.

"Focuses on "The nth Derivative of Some Elementary Functions - 1" sabi naman ni Ma'am at yung kaninang maingay na classroom ay tila tunong ng aircon nalang ang maririnig mo.

"The first and second derivatives of a quadratic Polynomial at x = 1 are 1 and 2 respectively. Then the value of f(1) - f(0) Is given by?" tanong ni Ms. Lavigne. I look at Bautista's hand. Gago nanginginig.

"Bautista" tawag ulit ni Ma'am, mukhang mapapaiyak ka ng wala sa oras.

"I d-don't know the a-answer-" Ma'am cut him off.

"Zero" agad naman syang nagsulat sa index card at agad kumuha ng isa.

"Parang mapapa clinic ka dito ah" sabi naman ni Kelly tsaka ako mahinang tumawa, para hindi halatang kinakabahan.

"Aguinaldo, same question" tawag naman ni Ma'am, si Aguinaldo yung isang makulit na lalaki dito, napaka hangin din kaya maraming inis sa kanya pero sa mga tanong naman ng teacher hindi sya nakakasagot.

"Zero Ma'am" sagot naman ni Aguinaldo. I shake my head nang makita kong may bumulong sa kanya.

"Correct" tsaka ngumisi si Aguinaldo at akmang uupo.

"Then explain" dagdag pa ni Ma'am, yung ngisi kanina ni Aguinaldo ay biglang nawala.

"Explain?" tanong naman nito kay Ma'am.

"How did you get that answer? You need to explain. Stop giving me answers without any explanation on how did you get that kind of answer" dagdag pa ni Ma'am.

OH! MY PROFESSORWhere stories live. Discover now