Kabanata 15

73 11 1
                                    

Filipinas, Abril 9,1954 (Ang pangatlong pagkikita)

Umaga na nang magising si Imelda halos hindi pa rin niya makalimutan ang mga nangyari kahapon doon sa hardin ng mansion na pinuntahan nila kahapon.

Nakita naman niyang may pagkain na sa tabi nang kaniyang kama, agad naman niyang kinain iyon.

"Mabuti naman at gising ka na, umalis si ama balak ka sana niyang isama kaso tulog ka pa baka daw napagod ka kahapon ano bang nangyari?" tanong ni Concepcion.

"K-kahapon?" tanong ni Imelda sa kaniyang sarili.

Tumango naman si Concepcion, "Oo, kahapon" saad ni Concepcion.

Napakagat labi na lamang si Imelda tila ba hindi niya maiwasan na silang dalawa lamang ni Ferdinand ang naiwan kahapon sa hardin pagkatapos na iwanan sila ni Benigno.

"Wala naman, Ate Concepcion" saad ni Imelda at nagpatuloy na sa pagkain.

Nakahalukipkip namang tumango si Concepcion nababatid niya na kahit anong itago ni Imelda ay nararamdaman niyang may iba pa itong pahiwatig.




"Macoy, mahirap yata itong pinapagawa mo" saad nang pinsan ni Ferdinand.

"No, napakadali lang niyan kung tutuusin papapirmahin ko lang si Imelda para pumayag na ikasal kami" saad ni Ferdinand.

Napailing iling naman ang pinsan ni Ferdinand, Macoy ang nickname ni Ferdinand na tinatawag nang kaniyang ina na si Donya Josefa.

"Paano kung malaman ito ng iyong ama, malalagot tayo nito" natatakot na wika nang pinsan ni Ferdinand.

"Ako ang bahala" tipid na wika ni Ferdinand.

Inayos na lamang nang pinsan ni Ferdinand ang pipirmahan ni Imelda na papel.

Nakangiti namang nakatingin sa kisame si Ferdinand kung ayaw ni Imelda pumayag sa salita sa papel na lamang niya ito papapayagin.




Nagkalat ang mga papel na inaayos ni Don Mariano, si Don Mariano Marcos ang ama ni Ferdinand E. Marcos talagang hawig na hawig ni Ferdinand ang kaniyang ama mapa kulay man at sa mga mata nito na talaga bang nangungusap.

"Don Mariano, narito na po si Don Vicente" wika ng isang lalaking tagapagbantay.

Tumango naman si Don Mariano, "Mariano, ipinatawag mo raw ako?" tanong ni Don Vicente.

"Oo Vicente, sa katunayan may isa tayong iimbestigahan dito batid mo kung ano ang mga kamalian na pinapalakad sa pamahalaan" wika ni Don Mariano.

Inilahad ni Don Mariano ang mga iimbestigahan nila kailangan matapos ang taon na nakapag imbestiga sila sa pamahalaan.

"Bueno, walang dapat na makaalam sa ating plano maging si Benigno" wika ni Don Mariano.

Tumango naman si Don Vicente, "Paano kung may ibang makarinig sa atin?" tanong ni Don Vicente na nag aalangan pa.

Umiling nang ilang ulit si Don Mariano, nababatid niyang magtatagumpay sila natatakot lamang si Don Vicente na baka ay may ibang makarinig at puntiryahin sila.




"Binibining Imelda, may panauhin po kayo sa ibaba" wika nang kanilang serbidora.

Nagtaka naman si Imelda dahil bakit may panauhin na naman siya na naghihintay.

"Susunod ako" wika ni Imelda na siyang tinanguan nang kanilang serbidora agad ding umalis ang kanilang serbidora at nagtungo sa ibaba.

Tumingin muna sa salamin si Imelda at agad ding sumunod sa ibaba, pagkababa niya nakita niyang dalawa ang panauhin niya.

"Imelda, i'm glad to see you again" nakangiting wika ni Ferdinand.

"Ano na namang ginagawa mo rito?" nagtatakang tanong ni Imelda na gulat na gulat pa dahil biglaan din ang pagbisita ni Ferdinand nang walang dahilan.

Naupo silang dalawa, "Kung tungkol sa kasal iyan, wag mo nang ituloy" wika ni Imelda.

"Sandali, ito naman pinapangunahan ako wala pa kong sinasabi" saad ni Ferdinand habang nakangiti.

"Kung hindi sa kasal ano iyon?" tanong ni Imelda habang nagpapaypay nang abaniko.

Inilabas ng pinsan ni Ferdinand ang papel, "Pirmahan mo yan" wika ni Ferdinand habang iniaabot ang panulat.

Nanlaki ang mga mata ni Imelda nang mabasa ang tungkol sa kasal, "Ferdinand, hindi ko pipirmahan iyan" wika ni Imelda at inilayo niya ang papel sa kaniyang harapan.

"Pakiusap, pirmahan mo na lamang ito" nakikiusap na saad ni Ferdinand.

Nakatayo lamang ang pinsan ni Ferdinand na halatang dismayado dahil sa plano ni Ferdinand na talagang hindi papayag si Imelda.

"Una sa lahat, hindi mo ako nililigawan, pangalawa ano namang gagawin nang papel na yan para pumayag ako na ikasal tayo" wika ni Imelda.

Napayuko si Ferdinand ngunit nang muling tumingin si Ferdinand kay Imelda ay sinambit niya ang mga katagang nais niyang sabihin.

"I don't believe in courtship is a waste of time. If i love the person, i tell her right away. But for you, i'll make an exception. Just love me now and i will court you forever" wika ni Ferdinand.

Napatulala na lamang si Imelda kay Ferdinand hindi niya inaasahan na bigla na lamang sasabihin iyon ni Ferdinand sa kaniyang harapan lahat nang lalaki na nanligaw sa kaniya iniwasan niya tinalikuran niya.

Ngunit bakit tila bigla na lamang bumilis ang tibok nang puso ni Imelda na para bang hinabol siya nang maraming tao sa kabundukan.

"Bueno, kung hindi mo to pipirmahan ayos lang babalik ako sa susunod na mga araw" saad ni Ferdinand.

Agad namang lumabas si Ferdinand kasama ang pinsan niya na dala dala pa rin ang papel.

Paglabas ni Ferdinand sa kanilang bahay muli siyang napatingin sa hagdan na para bang hinihintay niyang bumaba si Imelda ngunit napabuntong hininga na lamang siya at nang hindi ito sumunod umalis na lamang si Ferdinand.

Malungkot namang nakaupo si Imelda sa kanilang sofa hindi niya maiwasan kung bakit para bang nasaktan siya sa mga sinaad ni Ferdinand kanina.

Naramdaman na lamang niya na may humahaplos sa kaniyang likuran na nagpapagaan sa kaniyang nararamdaman.

"Huwag mong isipin na hindi mo kaya magmahal, batid kong isang araw malay mo bukas pag gising mo mahalin mo rin si Ferdinand" wika ni Concepcion.

Ngunit tila ba hindi kumbinsido si Imelda dahil wala naman siyang nararamdaman kay Ferdinand hindi niya nga lubusang kilala si Ferdinand ni hindi nga nanliligaw sa kaniya si Ferdinand at ang masama pa doon bakit kailangan pang ipilit ni Ferdinand na ikasal sila sa pamamagitan nang papel.

"Hindi ba ang mga bituin kapag gabi lang sila kumikinang, ang araw sa umaga lamang lumalabas ngunit kung ang puso mo ay tumibok para na yun kay Ferdinand"






*********************
#HeStealABeautifulButterfly

Abangan niyo po ang kabanata 16! Sana ay suportahan niyo itong 3rd story ko na ito abangan pa ang ibang kabanata.

Pakibasa na rin po ang first story ko na "My Old Rose, My Old Love" (historical fiction, complete) vote and comment.

Second story ko "Iisang Puso, Dalawang Umiibig" (historical fiction, ongoing) vote and comment.

Don't forget to vote and follow me!



SALAMAT!

HE STEAL A BEAUTIFUL BUTTERFLY Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon