Kabanata 1

307 20 1
                                    

Filipinas, 1952

"Naghihintay na po ang kutsero sa inyo, Binibining Imelda" saad ng serbidora nila.

Pinagmasdan sandali ni Imelda ang kaniyang ina, si Donya Remedios T. Romualdez namatay ito noong nasa ika walong taon pa lamang ito.

Napangiti siya at napasabi siya sa sarili niya na magtatagumpay siya balang araw, hindi naman din niya kasama ang kaniyang ama nasa Leyte siya ngayon at kasama ang kapatid na si Benjamin Romualdez, ang iba nilang kapatid ay nasa maynila.

Noong bata pa siya ay nanilbihan siya sa mga madre sa San Miguel, Church sa maynila, pang anim si Imelda Romualdez sa magkakapatid.

Matangkad, Mestiza, matangos ang ilong, mapupulang labi at makikita mo ang gandang pilipina nito.

Lumabas siya sa hacienda nila at agad na sumakay nang kalesa, ilang metro ang layo bago marating ang daungan.



Pagbaba ni Imelda sa kalesa ay inalalayan siya makababa ng kalesa, ibinaba din nila ang bagahe nito, napangiti siya ng makakauwi na siya muli sa maynila.

"Mag iingat po kayo, Binibining Imelda" nakangiting wika ng kutsero.

Napangiti naman ng bahagya si Imelda, inalalayan muna ng mga kutsero na ipasok sa barko ang bagaheng dala nito mabuti na lamang at naabutan pa niya ang barko na patungo sa maynila.

Nang makasakay siya ay sinalubong siya nang namamahala ng barko, si Don Celio Buencamino isang matanda at maputi na rin ang mga buhok nito.

"Binibining Imelda, dito po ang inyong silid" nakangiting wika ni Don Buencamino.

Ngumiti naman si Imelda at tumango, "Salamat po, Don Buencamino" tumuloy na si Imelda sa loob ng silid at umalis na si Don Buencamino.

Inayos ni Imelda ang mga dala nitong bagahe, ilang araw din ang itatagal niya sa barko bago marating ang maynila.



Enero 16,1952 Manila, Philippines

Tatlong araw bago marating ni Imelda ang maynila, pagbaba niya ng barko ay napangiti siya ng makita ang maynila halos nakangiti ito at tila makikita mo talaga ang saya nang makabalik siyang muli sa maynila.

Napalingon siya sa bandang lalaki na nakasuot ng barong tagalog at may hawak na attach case, ngunit umiwas ng tingin si Imelda at binuksan niya ang dala niyang payong.

"Imelda!" sigaw ng isang magandang dalaga, Mestiza, kulay itim ang buhok na nakapusod, matangkad at makikitaan mo ng gandang pilipina.

"Ate Concepcion" nakangiting wika ni Imelda at hinagkan nito si Concepcion.

"Mabuti naman at matiwasay kang nakauwi, kamusta pala si Kokoy?" tanong ni Concepcion.

"Maayos naman siya, Ate Concepcion" nakangiting wika ni Imelda.

"Halika, sumakay na tayo hinihintay ka na sa bahay" nakangiting wika ni Concepcion.

Agad din naman silang sumakay sa kalesa, mabuti na lamang at inabangan siya ni Concepcion kung hindi baka naglakad na siya sa gitna nang initan.


"Ate Concepcion, kung maaari sana bibisitahin ko lamang ang mga madre sa San Miguel tutal naman nakapagsilbi ako doon nais ko lamang silang kamustahin" nakangiting wika ni Imelda.

Napangiti naman si Concepcion, "Oo naman bakit hindi, batid mo naman na mababait sila sasamahan na lamang kita, kailan ka ba bibisita?" tanong ni Concepcion.

"Nais ko sana ngayon" nakangiting wika ni Imelda.

Napangiti naman si Concepcion at tumango naman ito, agad na pinatungo ni Concepcion ang kalesa na tumungo sa San Miguel Church sa Manila.

Pagbaba nila ng kalesa ay napangiti si Imelda nang makita muli ang San Miguel Church wala pa ding pinagbago ganoon pa din kaganda ang kaniyang simbahan na pinagsisilbihan.

"Pumasok ka na sa loob, Imelda" nakangiting saad ni Concepcion.

Napangiti naman si Imelda at pumasok na sa loob, pagkapasok niya ay nakita niya ang malawak at makinang na loob ng simbahan napapalibutan ng mga ilaw ang kisame.

Yapak lamang niya ang maririnig sa bawat apak niya sa sahig, napapangiti siya habang inaalala ang mga araw kung kailan siya nag umpisang manilbihan sa mga madre.

Agad niyang hinanap ang silid nang isang madre na kaniyang pinagsisilbihan, nasa ikalawang palapag iyon hindi naman siya nabigong hanapin dahil kabisado pa rin niya ang daan patungo doon.

Kumatok siya sa kaniyang pagkatok ay isang madre ang tumambad sa kaniya, morena, mahaba at kulot ang buhok, maliit na mga mata at mapupula ang mga labi nito.

Napangiti ito ng makita si Imelda tila nabigla din siya at hindi nito inaasahan ang pagbisita ni Imelda sa kaniya sa tagal ng taon na paninilbihan niya.

"Imelda..." saad ng madre agad din niyang niyakap si Imelda nang mahigpit.

Napapangiti naman si Imelda habang kayakap ang madre hinahaplos ng madre ang likuran ni Imelda tuwang tuwa ito ng makitang muli si Imelda na dating naninilbihan sa kanila.

"Kamusta na po kayo, madre Villaflores?" tanong ni Imelda.

Napangiti naman ang madre at tinuro ang upuan upang maupo sila doon, isinara naman ni madre Villaflores ang pinto upang makapag usap sila ng masinsinan.

"Ayos lamang po ako, kayo po kamusta naman po kayo marami na po ba ang mga bata sa kumbento?" tanong ni Imelda.

"Oo, Hija halos lahat ay inabandona ng totoong magulang nila naway makadaupang palad mo sila upang makita ka din nila palagian din kitang kinukwento sa kanila" nakangiting wika ni madre Villaflores.

"Sandali, Hija kukuha lamang ako ng maiinom mo" nakangiting wika ni madre Villaflores.

"Huwag na po, sumaglit lamang po ako dito uuwi din po agad ako sa tahanan namin paki kamusta na lamang po ako sa mga ibang madre na napagsilbihan ko po" nakangiting wika ni Imelda.

Tumango at ngumiti naman si madre Villaflores, "Salamat sa iyong pagbisita hija, kaawaan ka ng Diyos mag iingat ka sa iyong pag uwi hija" nakangiting saad ni madre Villaflores.

Yumakap muli si Imelda kay madre Villaflores, halos hindi niya maisip na makikita niyang muli ang madreng pinagsilbihan niya matapos ang kaniyang pagiging "Rose of Tacloban" sa Tacloban City ay halos naging busy na siya sa pageant na sinalihan niya.

"Paalam na po madre Villaflores, hanggang sa muli po nating pagkikita bibisitahin ko po kayo ulit" nakangiting wika ni Imelda.

Tumango naman si madre Villaflores at pinisil nito ng marahan ang mga kamay ni Imelda, paglabas ni Imelda ng silid muli siyang napalingon sa pinto na nakasarado na hindi na siya nagpahatid patungo sa labas.





*******************
#HeStealABeautifulButterfly

This 3rd story that i create, i just want to know that na ang story na ito ay hindi akto sa totoong kwento ngunit nais ko lamang na basahin niyo ito unahin ko muna itong tapusin.

Abangan pa ang ibang kabanata ng HSABB wag kayo magsawang suportahan ang mga kwento ko

SALAMAT!!!!

HE STEAL A BEAUTIFUL BUTTERFLY Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon