Kabanata 2

0 0 0
                                    

" Bilis!" tinapik ko ang muka ng kapatid 'ko para magising. Nakababa na ang ibang passengers at ako, nandito pa din ginigising siya.

Humikab siya habang hila-hila ang maleta at nakasabit ang backpack sa likod. " Puro ka kasi kalandian eh." pagpapagalit ko sa kaniya. Ang tagal pa bumaba!

Sumalubong sa muka ko ang malamig na hangin ng Palawan. Nanuot sa balat ko ang lamig. Finally, after almost 8 years. Nakauwi uli kami dito sa Palawan.

Tumaas ang kilay ko. I saw my ex again, lol. What a bad morning. Ano ba ang ginagawa niya at nag aantay pa talaga siya?

Dala dala ang maleta ay naglakad ako patungo doon sa parking lot, susunduin kami ng driver nila lola.

" Malia..." mahinang tawag ni Lenard sa akin, lumingon ako ngunit nilagpasan na lamang siya. Wow, may kailangan siguro siya? Mas pinili ko na gawin syang hangin. Hindi dahil bitter ako, di ko naman na sya mahal. Wala lang akong panahon para makipag usap sa kanya.

Sinarado ni Hero ang pintuan ng van. " Naku, Lia! Ang ganda ganda mo huhuhu." bati sa akin ni Manang Giselle, sa tabi niya ay kanyang apo na si Freizah, kasing edad ko. Ngumisi ako at nagpasalamat.

" Manang naman...salamat!" sabi ko at tumawa. Si Hero naman ay humalakhak nang siya naman ang binati ni Manang. Nakuha ni Freizah ang atensyon ko. Matagal na namamasukan ang pamilya nya sa pamilya namin kaya simula pa noon ay kilala ko na siya, at sanay na din ako na tahimik siya palagi.

Matangkad at morena, maganda at maamo ang muka niya. Napansin ko din na nagmatured ang katawan nya, may kurba na. Dumagdag pa ito mas lalong nagpaganda sa kanya.

" Hindi kopa nga pinagboboyfriend itong si Freizah. Ang sabi ko ay magtapos muna...para naman makaahon kami kahit papaano." aniya at tumawa tawa pa. Nahihiyang ngumiti ang apo at namumula ang pisngi.

Tumawa ako. " Kung nasa syudad ka, sigurado ako madaming kukuha sayo magmodel!" sabi ko at ngumiti sa kanila. Lumawak naman ang ngisi ni Manang Giselle at tinukso si Freizah na sumama sa akin pag balik ng Manila.

" Tss. Tuturuan mopa, Lia." asar na sabi ni Hero at medyo iritadong tumingin sa akin. What? Wala akong ginagawa sa kanya ah!

" Teka..teka! Anong tuturuan? Sa natural na ganda ni Freizah ay hindi imposible na makuha siya!" sambit ko at umirap sa kaniya.

Sumimangot lalo si Hero. Hindi ko din ito maintindihan minsan eh, pero sabagay bagong gising nga pala kaya siguro ganyan. Bumaling ako sa tanawin sa labas, bumungad sa amin ang matatayog at sariwang sariwa na halaman ng Palawan. Nahuhulog ang puso ko sa bawat tanawin na nadadaanan namin. Mga trenta minutos pa ang kailangan bago makarating sa bahay nila Lola.

" Halos lahat kami ay pinagbagsakan ng langit at lupa noong tumawag ang pulis sa amin at sinabi na naaksidente si Allan! Naku." sabi pa ni Manang habang umaandar pa din ang sasakyan. Kinekwento niya kung paano nila nalaman na naaksidente si Tito.

Malungkot ako na tumingin sa kaniya. " He will be fine." pinal na sabi ko, ngayon pa lamang ay iniisip ko na talaga na magising at gumaling agad si Tito.

Nadaanan namin ang puno ng narra. Sa ilalim nito ay isang lalaki na nagpapahinga, nagtagal ang paningin ko doon. Nakamaong pants at brown boots siya at nasa ulo ay cowboy hat.

He's freaking hot, to be honest. Actor ba siya or else? God! Ang gwapo talaga. Nakapikit siya at nakataas ang ulo na parang pagod na pagod kaya nakatulog. Lumagpas na ang sasakyan namin doon at hindi ko pa din makalimutan ang itsura niya.

May gwapo pala dito! Magi enjoy pala ako kahit papaano! Joke. Kung maiiwan ko man ang puso ko, dito na sa lugar na ito. I really love Palawan. Matataas na puno, kulay berde at nagdudulot ng sariwang hangin. Magaganda na tanawin sa bawat tingin ay mamangha ka...mahuhulog ka. Dito 'ko lang naramdaman lahat, dito lang sa Palawan.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 18, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Undesirable love ( Alzuarell Series 1)Where stories live. Discover now