Kabanata 1

2 0 0
                                    


" Hi, tito!" I exclaimed. Lagi naman natawag si Tito para kamustahin kaming dalawa ni Hero. Minsan kapag may business deal na kailangan ganapin dito sa Manila ay binibisita kami.

I heard Manang Giselle crying. " Lia, iha...Si Allan! Naaksidente si Allan!" aniya, habang patuloy pa din na umiiyak. Habang ako ay halos mabitawan ang cellphone dahil sa kaba.

" Manang? What? Hindi po magandang biro 'yan!" medyo balisang sabi ko. Narinig 'ko na din si Lola na umiiyak sa kabilang linya.

" Malia, apo! Ang Tito Allan mo! Mamamatay na ata ako!" hysterical na sigaw ni Lola. Halos manlamig ang buong katawan 'ko, hindi makapaniwala.

Umiling iling ako. " No, la. Pupunta kami ni Hero 'riyan. Wait for me, lola..." mahinahon na sabi ko at narinig na pinapakalma siya ni Manang Giselle. Nasapo ko ang noo 'ko. What kind of gift is this?

Si Hero ay nagtatanong ang muka. " Si Tito...we need to go there, Hero. Book a ticket now." ani 'ko at agad na naglakad pabalik sa kwarto. Ang kanyang noo ay nakakunot pa din sa akin.

" Lia? Huh? Anong nangyari kay Tito? Bakit tayo pupunta doon?" patuloy na tanong niya. Kinuha ko ang maleta sa ilalim ng kama 'ko. Kailangan ni Lola nang karamay, baka lalo pa lumala ang sitwasyon kung hindi kami uuwi doon.

" Naaksidente si Tito. Hindi kumakalma si Lola. Aalis tayo mamaya, magbook kana din ng ticket at mag iimpake ako." utos ko sa kaniya habang ako ay abala mag impake. Miski siya ay nataranta na din at agad kinuha ang Ipad para magbook.

Malayo layo talaga ang Palawan. Great! Sobra naman 'yata ang regalo sa akin ngayon. I don't know but...my heart really hurts a lot right now. Nag aalala ako sobra. Sunod na narinig 'ko ay ang tawag ni mama at papa.

" Lia?! Si allan!" ani mama na parang naiiyak din sa call. Kinagat ko ang labi ko, tinawagan siguro ni Manang Giselle. I'll tried to breath properly before answer her.

Shit. " Ma, don't worry okay? Papunta na kami ni Hero. Bukas na bukas pagkadating namin doon ay tatawagan agad kita." sinabi ko, kahit papano ay kumalma siya. Si mama pa naman iyong tipo na halos mahimatay kapag ganito ang sitwasyon.

Sobrang layo ng Palawan. Okay na ata ang isang maleta? Hindi naman kami magtatagal doon.

" Hero! What's going on? Ano nangyari kay daddy!" narinig ko na medyo pasigaw na sabi ni Kashmere. She is the daughter of Tito Allan. My cousin, only child.

Kumamot si Hero sa ulo. " Chill...papunta naman na kami. Everything will be alright, 'kay?" malambing na sabi ni Hero. Inilagay ko na lahat sa aking maleta, kung magiging ayos ang lahat ay uuwi din naman kami.

Humahagulhol si Kashmere. I don't know what her feeling right now, exactly. Pero nakasama 'ko na siya pagdaanan ang pinakamalaki at masakit na nangyari para sa kaniya. And I'll know she can't lose Tito Allan. I saw her suffered so much when Tita Kath died. Kasing edad ko lang si Kashmere, six years old kami noong namatay ang mommy niya. Sobrang naaawa ako sa kaniya, ayaw ni Tito Allan na bumalik pa sa US, si Kashmere ang may kagustuhan para daw maka move on sa mommy niya. Sina mama at papa naman ay volunteer na sumama kay Kashmere at sila na din ang nagprisinta na mamahala ng negosyo doon.

" Lia nasa likod yung maleta at bag mo. 1 AM pa ang flight, sa airport na tayo matulog?"

Tumango ako at sumang ayon sa sinabi ni Hero, baka kasi hindi kami magising kapag dito pa kami natulog. Magti 10 PM naman na, may two hours pa kami para magpahinga doon. Both of us are tired. Sa pageant 'ko. Sa paglalaro ni Hero. And then this...ito ang agad na bubungad samin.

Nagmamasid ako sa malalaking buildings ng Manila. All of my life, ito na ang kinalakihan 'ko. Without my mom and dad. I'm very proud of myself. Independent. Study. Sleepless nights. Lahat 'yon nalagpasan ko. By myself.

Undesirable love ( Alzuarell Series 1)Where stories live. Discover now