Kelly decided to order some food, dito na din sya nag breakfast. I was startled when she cupped my face and scanned it.

"Hala nag make-up ka?" Tanong nito and I smile. Buti pa sya napapansin nya, eh itong mga bugok kong kaibigan hindi pa mapapansin kung hindi ko tatanungin.

"Maganda ba?" Tanong ko and she nodded.

"Ganda mo, ayusin lang ng konti yung eye shadow mo masyadong light yung isa eh. May dala ka ba?" Agad ko namang binigay sa kanya yung dala kong make-up kit.

"Wag mong masyadong i-compliment baka maging bagyo yan" sabi naman ni Xia and I rolled my eyes.

"Maganda naman talaga, stating the fact" sabi ni Kelly tsaka inayos yung make up ko.

"Baka araw-araw na syang mag make-up" sabi ni Marco and I wink tsaka sya nag kunwaring nasusuka.

"Bukas ibang color naman" sabi ko sa kanila and they shake their heads.

"Ayusin ko buhok mo bukas may pa curly effect" sabi ni Marco tsaka naman ko naman sya niyakap.

"Tapos ako na din mag make-up sayo mas bagay sayo if medyo darker" sabi naman ni Xia.

"Sumama ka na bukas Kelly dun kayo sa may BSBA agahan nyo para hindi abutan ng time, magiging parlor ang room namin tomorrow" sabi ni Marco tsaka kami pumalapak.

"Xies, ano oras na?" Tanong ni Kelly.

"7:30" tugon ko tsaka naman lumaki ang mata ko.

"Gaga ka malalate na tayo" sabi ni Kelly at agad naman kaming nag paalam sa mga kaibigan namin. Mabilis kaming nag lakad papunta sa building namin, medyo malayo kasi ang cafeteria sa Engineering Building kaya kailangan naming bilisan. Bawal naman kasi tumakbo baka ma-detention pa kami.

Habang nag lalakad at hallway ay may mga nag compliment naman sa ayos ko, alam ko namang maganda ako pero need pa ba nilang ipaalam.

"Si Mrs. Dizon" turo ko kay Mrs. Dizon na nag lalakad papunta sa classroom namin. Narinig ko naman ang malalim na pag hinga ni Kelly. Tumakbo naman kami para maabutan si Mrs. Dizon.

"Hi Ma'am" sabi ko at agad akong nilingon nito.

"Alcantara, ikaw pala" sabi nito at tsaka ako ngumiti sa kanya. Bakit sa kanya normal lang saakin? Pero pag dun sa isa halos mag wala yung nasa loob ng t'yan ko.

"Martinez" tila naging malambot naman ang pagka-bigkas ni ma'am sa apelyido ni Kelly, lumingon kami parehas ni Ma'am kay Kelly tsaka nito inismiran si Ma'am na ikinagulat ko.

"By the way ang ganda ng make-up mo" lingon saakit ni ma'am at agad akong ngumiti. Masyadong tumataas ang confidence ko baka ipa-color tattoo ko na ito sa mukha ko.

"Thank you Ma'am" sabi ko sa kanya.

"Ma'am bakit po pala ngayon lang kayo papasok sa klase namin? Medyo late na po" sabi ko at tinignan ang relo ko.

"Si Crystal ang mag tuturo sa inyo ngayon. Nag palit kasi kami ng sched, hindi mo ba nabasa sa gc nyo?" Sabi nya and I widened my eyes. Patay.

"Hindi po, hala ma'am" hinawakan ko ang kamay ni Ma'am at tila nag mamakaawa na ihatid kami sa classroom.

"Baka pagalitan kami nun, bago pa lang si Kelly baka ma detention kami" I pouted.

"Sabi ko naman sayo wag na tayo mag stop over kay Angel-" she cuts her words and she cough "Mrs. Dizon eh"

"Ako na mag hahatid sa inyo" sabi naman nito at agad ako yumakap sa kanya.

Nakarating na kami sa classroom at agad ko namang napansin na nasa loob na si Ma'am.

OH! MY PROFESSORWhere stories live. Discover now